12 Pag-iwas

29.2K 805 12
                                    

ANNA POV

Hindi ko alam kung kelan ako tumugon sa halik nya sa akin. Ang tanging alam ko lang ay ang sarap nyang humalik. Nakatagilid na kami at nakaharap sa isat isa ng napilitan kaming tumigil dahil sa kakapusan ng hininga.

Naghahabol ng hiningang nagmulat ako ng mata, nasalubog ko ang mga mata ni Vans na puno ng kakaibang emosyon ang mata. I blink once more para mawala ang epekto ng halik nya.

Aalis na sana ako ng biglang hapitin uli ako ni Vans at muling halikan sa mga labi, sa pagkakataon yun ay iniwas ko na ang labi ko at naglanding ang halik nya sa leeg ko. Pinagpatuloy lang nito ang paghalik sa leeg ko at pababa sa may dibdib ko. Kumakagat kagat ito at dumidila na animoy nilalasahan ang balat ko. Napakagat ako ng labi ng di ko mapigilang humalinghing sa ginagawa nya. Tumigil si Vans sa pagitan ng dibdib ko at binaon nya ang mukha nya doon. Pigil pigil ko ang sarili ko na hawakan sya at mas lalong ibaon sa akin.

Tila sandali kaming nakalimot sa ganoong posisyon. Mayamaya ay umangat na ang ulo ni Vans at umalis sya sa pagkubabaw sa akin. Nakaupo na sya sa gilid ng kama at nakapikit na wari ko'y nagpipigil.

"I'm sorry Miss Anna, h-hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi na ito mauulit. Patawad." Matigas na sabi nito habang tumatayo siya at walang lingon likod na lumabas ng kwarto.

Whattafvck! Manghahalik tapos magsosorry?! Such a shitty excuse!

Inis na tinakpan ko na lang ng unan ko ang mukha ko. Gusto kong sumigaw sa inis sa lalaking yon na may gana pang humingi ng tawad.

Pero napangiti na din ako ng hagudin ko ng daliri ang labi kong kanina lang ay nakikipaghalikan kay Vans.

Masarap pa lang humalik ang lalaking yun kahit maliit ang utak!

Natawa ako sa tinatakbo ng isip ko at inuulit ulit ang mga naganap kanina.

------------

Simula ng manghalik si Vans ay halos hindi ko na sya makita. Nag iiwan na lang ito ng nilutong ulam sa akin, iniinit ko na lang iyon kapag nagugutom ako. Madilim pa lang at di pa sumisikat ang haring araw ay di ko na nakikita ang lalaki at naririnig ko na lang ang tunog ng motor nito sa hating gabi kapag umuuwi ito.

Obviously iniiwasan nya ko! Sya pa tong may ganang umiwas ha!

Maghapon akong walang ginawa kundi maglakad sa hardin ng resthouse, sa paligid na bahay o kaya ay nagkukulong lang ako sa kwarto at naglalaro ng games sa cellphone ko. Tumatawag tawag din ako sa mga kaibigan o kaya minsan sa kuya at daddy ko. Pero bukod don ay mas lamang ang kainipan ko sa mga nagdaraang araw.
------

Naghihikab na bumaba ako ng hagdan. Parang sanay na kong mag isa sa kahoy na bahay na ito. Ine-expect ko kasi na mag isa lang ako kaya kahit naka negligee lang ay bumaba na ako para uminom ng tubig. Dumeretso ako sa ref at dumukwang para kumuha ng tubig doon ng my tumikhim sa bandang likod ko. Dali dali akong umikot para lang makasalubong ang titig na titig na si Vans. Nanlaki ang mata ko at nagtatakbong umakyat ng hagdan. Limot ko na ang uhaw sa pagkagulat.

Shit! Nakakahiya!

Tinignan ko ang suot ko! Naka navy blue negligee lang ako at halata ang ukab ng dibdib ko. Kita ang cleavage non. Wala ring takip ang likod ko. Kung tutuusin ay di talaga ako nagdadamit pag natutulog, nasanay ako na nakapanty at bra lang, buti na lang kahit papano ay dinala ko ang mga negligee ko na pantulog.

Napatampal pa ako sa noo ko ng marealized kong tumuwad pa pala ako kanina dahil sa pagkuha ng tubig sa ref.

Shit! Wrong timing talaga ang lalaking yon!

Binalot ko ang sarili ko ng towel at naligo na lang sa banyo.

Siguro naman mamaya ay wala na ang lalaki pagbaba ko.

Nagkamali pa ako ng akala ng makitang nagluluto ng almusal ang lalaki.

Anong nakain nito bat nagluluto to ng almusal?

After more than a week na nagdaan simula ng manghalik ito ay eto nanaman sya at parang walang nangyari

Shit! Bakit naman ako magiging affected?!

Inis na umupo ako sa lamesa at naghintay ma lingunin ni Vans.

"Good morning Miss Anna, pasensya ka na kung madalas kitang maiwan, andami lang kasing trabaho sa farm." Anito sa pinasiglang tono.

If I know, iniiwasan mo lang talaga ko!

Hindi ko na lang sya sinagot.

"Kain na Miss Anna." Anito pagkalapag ng niluto nitong bacon and egg. Kumuha lang ako don at ngsimulang kumain.

"Ah... Miss Anna, inimbitahan kasi tayo ni Boss Eros na umattend sa gaganaping party sa bahay nya. Birthday kasi ni Ma'am Keshia. Ah....gusto mo bang pumunta tayo?" Anito sa naninimbang na tono

"If you want to go, then go." Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Ah, gusto ko sana kasama kita." Nakayukong sabi nito

"Why?" Maarteng tanong ko

"Aist... okay kung ayaw mo, edi ako na lang. Ikaw na nga iniisip ko baka naiinip ka na dito." anito na nakasimangot pa.

Tahimik ang naging almusal namin pagkatapos non. Nagtataka pa ako ng malingunan si Vans na prenteng nakaupo sa sala at nanonood ng basketball sa TV. Mabilis na tinapos ko ang ligpitin ko at di nakatiis na tanungin sya.

"Wala ka bang lakad ngayon?" Di ko na mapigilang maitanong

"Pahinga ko, pupunta pa ako mamaya sa birthday ni Ma'am Keshia." Anito na hindi tumitingin sa akin. Nakatingin lang ito sa tv. Inis na lumabas ako at iniwan na lang sya sa doon.

Alluring Anna (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon