32 Third party

26.8K 745 6
                                    

ANNA POV

Naligo na lang ako para mawala din ang alikabok ng matagal na byahe papunta dito sa Quezon. I wear my hair in a messy bun and put on my 'I love to Love' lip print white sando. I paired it with my cotton shorts. Bumaba ako para makitang na naglalagay na ng plato si Vans sa mesa. Mabilis na tinungo ko iyon at naupo. Nagutom pala ako sa sobrang excitement ko na makitang muli si Vans.

Hindi man lang siya lumilingon sa akin ng ihain na nya ang pagkain namin hanggang sa kumain kami ay ni hindi nya ako tinapunan ng tingin.

Patience Anna, I got all the time in the world anyway. I will make him head over heels inlove again even if it takes forever!

"Ah Vans, pwede mo ba akong samahan sa falls bukas? Gusto ko kasing bumalik don." Kita ko ang paghigpit ni Vans sa hawak nyang kutsara. Hindi man lang nya ako tinignan ng sumagot sya.

"Marami akong gagawin bukas Ma'am Anna, kung gusto mo papasamahan na lang kita sa iba." Kinabigla ko ang mga sinabi nyang yun pero hindi ako nagpahalata.

"Oh okay, much better kung si Seth na lang, para may makausap naman ako na tinitignan ako sa mata. I like Seth, masaya syang kasama." sabi ko.

Nagulat pa ako ng malakas nyang ilapag ang kutsara nya sa lamesa. Kalampagan ang mga plato at tumindig sya.

"Maiwan ko na kayo Ma'am Anna, maaga pa ako bukas. Hindi pa pinal ang pananatili nyo dito, kailangan ko pa makausap si General." Sabi nito ng nakayuko at tumalikod na sya at umakyat sa taas..

Inis na sinubo ko na lang ang pagkain ko.

Di pa nga sya tapos kumain e! He's being impossible!

-----------------

Kakatapos ko maligo sa banyo ng napagbuksan ko si Vans na mukhang nagulat sa paglabas ko ng banyo. Nakatapis lang ako ng towel at si Vans naman ay mukhang kagigising din. Nanlalaki ang mata nyang nakatingin sa dibdib kong halos nakaluwa na sa suot kong maikling towel. Namula ang mukha nya at napapalunok na nag iwas ng tingin sa akin. Tumagilid sya para makalabas ako ng banyo, gusto kong matawa sa mukhang constipated nyang itsura.

"Hi, Good Morning Vans!" Masiglang sabi ko pa para mapatagal lang ang paghihirap nya. Nakita kong muling nagtaas baba ang adam's apple nito at tumikhim.

"G-good morning Ma'am" he greeted between gritted teeth.

I moved closer to him kahit maluwag ang daanan. Nakita ko pa ang mahinang pagsinghap nya sa halos pagkakadikit namin. Lihim akong napangiti at dahan dahang pumihit papasok sa kwarto ko. Swaying my hips more for a more seductive effect.

Miss me huh?!

-------------------

Nakita ko si Vans na naglalagay ng pagkain sa kaparehong basket na dinala namin sa talon nung huling magpunta kami.

So nagprepare pala sya ng pagkain muli.

"Nasabihan mo na ba si Seth?" Tanong ko sa kanya. Tumunghay sya sa akin at umiling.

"Ah busy si Seth, ako na ang sasama sayo." Anito at pinagpatuloy ang paglalagay ng pagkain

Shucks! Di mo ko matiis noh?

Lihim nanaman akong napapangiti pero nasira lahat ng plano ko ng may dumating na di ko inaasahan.

"Aalis na ba tayo Vans?" Nakakatulig na sabi ng boses sa likod ko. Nakairap sya sa akin ng magtagpo ang mata namin.

Fvck! Anong ginagawa ng babaeng plastik na to dito?!

"Ah oo, tara na. Tapos na din akong mag pack ng kakainin naten" ani Vans na kinataas ng kilay ko

"Seriously? Isasama naten ang plastik na babaeng to? Vans naman!" Inis na sabi ko na nagpasinghap kay plastik.

"Dont be rude Ma'am Anna, may lakad kami ni Liza pero di natuloy dahil gusto kita pagbigyan, kaya nandito sya." Matalim na sabi ni Vans sa akin na ikinainis ko lalo.

"Oh may lakad naman pala kayo eh! Dont let me keep you, si Seth na lang ang isasama ko pag punta sa talon!" Inis na inis na sabi ko.

"Hindi pwede si Seth, Ma'am Anna." Mahinahong sabi nito

"Well then I'll wait til he's available!""aniko at nag umpisa ng umakyat sa taas.

Inis na inis ako na parang sagabal pa ako sa kanilang dalawa!

Fvck them!

Nagkulong lang ako sa kwarto sa sobrang inis at selos na nararamdaman ko.

------------

Mayamaya ay nakarinig ako ng katok sa kwarto ko. Di ko yun pinansin at bumukas iyon. Hindi ko pala nai-lock ang pinto.

Pumasok si Vans at sumandal sa likod ng sinara nyang pinto. Hindi ko sya tiningnan sa sobrang asar ko kanina. Narinig kong bumuntong hininga sya at lumapit sa kama kung saan nakadapa ako at nagkakalikot sa cellphone ko.

Let's go Ma'am Anna." Anito sa akin.

"I said I wont go pag kasama ang plastik na babae mo! I would rather stay here than endure her iritating presence." Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"Aist... oo na, hindi na sya kasama! Tara na." Iritang sabi nito na nagpabago ng mood ko. Sa isang iglap ay nawala ang inis ko sa sinabi nya.

"Talaga? Yey! Sabi ko na di mo ko matitiis eh." Aniko kay Vans at lumundag pa sa kanya. Kita ko ang pagkabigla sa mukha ni Vans. Nagtatawang hinalikan ko pa ang pisngi nya na ikinapula nya. Nauna na akong naglakad palabas sa kanya.

"C'mon Vans, let's go!" Aya ko pa.

Alluring Anna (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon