19 Akin ka

30.4K 953 16
                                    

ANNA POV

Bumaba ako na nakaligo na at excited. Ngayon kami pupunta sa talon na sinasabi ni Vans. Nadatnan ko syang naglalagay ng pagkain sa basket.

"Nakaluto ka na agad? Ang bilis naman!" Tumingin sya sa akin at natulala.

"What the hell are you wearing?" Kita ko ang gulat sa mata nya

"Why? What's wrong with what I'm wearing?!" Nagtatakang tanong ko.

"Baby, ang nipis ng suot mo." Anito na nakatingin sa dibdib ko.
Di ko na pinansin ang tawag nya sa akin dahil sa inis ko sa sinabi nya. Naguguluhan ako sa inaarte ng lalaki ngayon. Nakasuot kasi ako ng colorful printed na two piece bikini at pinatungan ko yon ng manipis na polo at white shorts.

"Akala ko ba sa falls tayo pupunta? Diba magsswimming tayo? Naka-swimsuit ako. Tatanggalin ko na lang ang polo and shorts ko pagdating natin don." Nakakunot ang noong sabi ko na lalo nyang ikinagulat.

"Pero baby baka hindi lang tayo ang tao doon!" Nagkakamot sa ulong sabi nito

"So? Anong problema mo?" Naiinis na ako sa kanya.

"Aist... wala! Sige na mauna ka na sa labas." Naka ismid na sabi nito.
--------

The drive is awkward, pasulyap sulyap lang sa akin si Vans pero pag titignan ko sya ay iniiwas nya ang tingin nya. Pag di na ako nakatingin ay sumusulyap nanaman sya. Hindi na ako nakatiis at tinitigan ko sya. Napansin nya iyon at pinalingan akong muli.

"Anong problema mo?" Kunot ang noong tanong ko sa kanya.

"Aist.... wala nga sabi. Malapit na tayo." Anito at binilisan nito ang pagpapatakbo.

"Talaga? May lalakarin pa ba tayo? Like trekking or something?" Excited na tanong ko.

"Mga ten minutes walk lang. Di naman malayo." Anito at ngumiti na sa akin.

Tulad ng sinabi nya ay naglakad nga kami, hawak nya ang isang kamay ko at dala naman ng isang kamay nya ang basket. Nakarating kami sa mataas na talon, puro puno ang nakapalibot doon at mukhang malalim din ang mala asul na tubig.

"Wow! Ang ganda dito Vans!" Manghang sabi ko.

"Take a picture of me Vans." Excited na sabi ko at binigay kay Vans ang cellphone ko. Kinuhanan nya ako sa ibat ibang anggulo at ng kunin ko sa kanya ang phone ay inakbayan ko sya at kinuhanan ko kaming dalawa, merong nakatingin kami pareho, may nakatingin sya sa akin, at sa isa ko pang pag pindot ay humalik sya sa pisngi ko, kinurot ko na lang ang tagiliran nya pagkatapos

"Hoy! Tsansing ka ha!" Mataray na sabi ko pero natawa na rin ako sa itsura nya dahil sa hinihimas nitong tagiliran, napasakit siguro ang kurot ko.

"Hindi na tsansing yun ah! Sabi ng natikman na nga kita e! Bat pa kita tsatsansingan!" Anito kaya gigil na sinabunutan ko nanaman sya

"Aray! Aray baby masakit!" Anito habang pinagwawagwagan ko ang ulo nya. Natawa ko sa itsura nya pagkatapos ko syang sabunutan. Nakalabi sya at hinihimas ang ulo nya.

Mayamaya pa ay nilatag nya ang tela sa may damuhan at isa isang nilabas ang niluto nyang pagkain.

"Kumain muna tayo bago tayo maglangoy." Anito sa akin at nauna na syang umupo. Umupo na lang din ako sa tapat nya ng tumayo syang muli at umupo sa tabi ko. Kumain kami ng tahimik, bukod sa panaka nakang pagtingin sa akin ni Vans.

Wala pang ibang tao at solo namin ang talon. Nagliligpit si Vans at binabalik sa basket ang pinagkainan namin ng maghubad ako ng polo. Narinig ko ang pagsinghap ni Vans kaya napatingin ako sa kanya, titig na titig sya sa katawan ko at nakalimutan na ang hawak hawak nitong plato. Lihim akong natatawa sa itsura nya. Sinunod ko ang shorts ko at tuluyan na akong natawa ng makitang napanganga pa si Vans.

"Catch me Vans!" Natatawa kong sabi at tumakbo na sa malamig na tubig papunta sa talon.

Lumingon ako at nakita ko ang malapad na dibdib ni Vans. Kung paanong naabutan nya ako agad ay di ko alam. Agad nyang inikot ang kamay nya sa bewang ko at binuhat ako. Nagtatawang kumapit na lang ako sa batok nya.

"Hindi ka makakalayo sakin baby!" Anito at tumakbo sya na bitbit ako.

Mayamaya pa ay initsya nya ako sa pinakamalalim na bahagi ng talon at nagtawa. Lumubog ako at paglitaw ko ay sinabuyan ko sya ng sinabuyan ng tubig para makaganti. Natawa na din ako dahil sa panay ang punas nya ng mukha.

Lumangoy na ako at pumunta sa malapit sa talon ng may humatak sa paa ko, lumubog akong muli at nakita ko sa ilalim si Vans. Inakap nya ako at sabay kaming umahon sa tubig. Nakapalibot pa din ang kamay nya sa bewang ko at nakahawak ako sa balikat nya.

Nagkatitigan kaming muli. Parang hinihipnotismong naglalapit ang mukha namin. Naglapat ang aming mga labi at naghinang.

Sabik kaming naghalikan sa talon na iyon. Ramdam ko ang init ng katawan namin kahit na sobrang lamig ng tubig ng talon.

"Baby nababaliw na yata ako sayo!" Anas ni Vans na habol ang hininga. Muli nya akong hinalikan. Ramdam ko ang paghimas nya sa dibdib ko. Pumasok ang kamay nya sa bikini ko at dumama doon. Napa ungol ako sa gitna ng halikan namin.

Nagulat pa ako ng bigla tumigil si Vans at inikot nya ako sa likod nya.

"Baby, ayusin mo ang bikini mo! Bilis!" Mahinang bulong nito sakto naman nakita ko ang limang kalalakihan na parating. Mga nakashorts lamang ang mga yon at nakatingin sa amin. Agad kong inayos ang string ng bikini ko at tinapik si Vans sa balikat para sabihing okay na.

"Baby, dyan ka lang ha, kukunin ko ang t-shirt kong itim, isuot mo." Anito ng pigilan ko sya sa braso.

"Ano bang problema mo sa bikini ko?" Kunot ang noong tanong ko.

"Ayokong makita nila ang katawan mo! Anna naman! akin lang yan, wag mo naman ipakita sa iba!" Inis na sagot ni Vans na ikinatulala ko.

Whattafvck?!

Alluring Anna (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon