5 body language

34.1K 880 17
                                    

ANNA POV

Nakita kong nakaupo na ang lalaki sa hapag pagkababa ko ng hagdan. Di ko na rin nga natuyo ang buhok ko ng dryer dahil gutom na ako. Hinayaan ko lang nakaladlad yon. I just wore my black sando at soft khaki shorts.

I saw him scan my legs slowly moving up to my exposed cleavage and I just roll my eyes on him. Di ko na sya pinansin at umupo na sa harap nito kung saan may plato na ring nakalagay.

Indeed men will be men! Perverts will always be a pervert!

Hindi ko na hinitay ang paanyaya nya at naglagay ng kanin sa plato ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng mapatingin ako sa kaharap kong lalaki ngunit nainis lang ako ng mahuli na nakatingin ito sa dibdib kong exposed sa suot ko.

"Can you please stop staring at my boobs? My clothes wont go off no matter how hard you stare at it!" Inis na sabi ko nakita kong bigla itong nagbaba ng tingin at namula.

"Oy miss, feeling mo naman! Ang liit lang ng boobs mo kaya, hindi ako maakit sa pasas mong boobs! I had better." Anito sabay tayo na nya at dala ang platong nagpunta sa lababo.

I had better?! Ulol! Kung di ko pa alam naarouse ka sakin! Perv!

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Parang napasarap pa ako at madami ang nakain ko sa niluto nitong nilaga at fish fillet.

Atleast di ako magugutom sa bodyguard na ito!

Nang matapos akong kumain ay nagtangkang aalis na ako ng makita ko ang lalaki na nakasandal sa may pinto at nagyoyosi.

"Oy miss, ako na ang nagluto kaya ikaw na ang magligpit ng plato." Anito sa akin na nagpalaki ng mata ko.

"Inuutusan mo ba ako? I'm not your help here! You work for me! Not the other way around!" Inis na turan ko sa mayabang na lalaki

"Aist.... alam mo miss ang tungkulin ko ay protektahan ka at hindi ang maging yaya mo! Kaya kung gusto mong kumain sa mga susunod pang araw e matuto ka ring mag ambag at maglinis ng pinagkainan naten! Ako na nga tong nagluto, ako pa magliligpit? Aba matinde!" Anito na lalo kong ikinairap sa kanya

"Alright then, dont worry I'll hire us some help!" Inis na sabi ko

"Hoy miss, nasa Villa Quertero tayo, kung hahanap ka pa ng yaya mo e isang oras at kalahati bago ka makapunta sa barrio. Kaya nga sa akin ka ibinilin ni General kasi alam nyang may access ako dito sa villa quertero at ito ang pinaka safe na pwede pagtaguan ng katulad mo. Hindi basta basta makakapasok ang ibang tao sa lugar na ito. Puno ng bodyguards ni boss Eros. Nak' ng tokwa, maige pa sanang tumanggi na lang ako." Litanya nito na may pagkamot pa sa ulo sa frustration nito

Napaismid naman ako sa mga sinabi nito. Ang layo pala namin talaga sa mga kabahayan. He can kill me and no one else will know.

Napabuntong hininga ako sa tinatakbo ng isip ko.

"Alright alright! I'll wash the dishes. Tell me what to do." Sumusukong sabi ko

"Ano? Pagliligpit lang di mo pa alam? Tsk! Sige na nga tuturuan na kita, sa susunod kaw na gagawa at ayusin mo kung ayaw mong malason tayo ng sabon." Anito habang pinapatay ang yosi nito.

"Oh That would be a show!" Natatawang sagot ko.

"Anong show show?" Nagtatakang tanong nito, kita ko ang pagsalubong ng makapal na kilay nito

"It would be a good show, ang panoorin kang malason." Natatawang sagot ko na ikinataas naman ng kilay ng lalaki.

"Aist... babaeng to, balak pa talaga akong patayin!" Pabulong pero naririnig kong sabi nito.

Magkatabi kaming nakaharap sa lababo, amoy ko ang manly at mabangong lalaki sa tabi ko. May amoy ng yosi ang amoy nya pero parang mas naging mas ka appeal appeal yun sa lalaki.

Habang itinuturo ng lalaki ang kailangan kong gawin para namang di ko marinig ang mga sinasabi nya at nakapokus ang sistema ko sa lapit ng katawan namin sa isat isa. Medyo umusog ako ng kaunti para lang tumigil din ang pagkabog ng dibdib ko sa lapit ng lalaki sa akin. Medyo kumalma naman ang puso ko ng magka espasyo kami.

"Okay na ba? Naintindihan mo na?" Anito at napatulala ako. Wala pa nga akong naiintindihan mula kanina e

"Ah, can you repeat it again?" Nasabi ko na lang

"Aist... hindi ka naman kasi nakikinig, ang dali dali lang eh!" Anito ng hindi tumitingin sa akin at inis na inulit muli nito ang kailangan kong gawin. Sa pagkakataong yun ay nakuha ko na ang sinasabi nya.

"Oh miss, bakit namumula ang pisngi mo? Galit ka nanaman ba?" Puna nya sa akin na ikinaismid ko lang at pinagpatuloy ang pagliligpit ng plato.

Alluring Anna (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon