34 Birthday boy

27.2K 748 7
                                    

ANNA POV

It's my seventh day here in Quezon but still I feel that there is no progress in winning him back. Sobrang ilap nya to a point na halos hindi ko na sya nakikita, nag iiwan lang sya ng pagkain ko sa lamesa. Ni hindi nya ako tinitignan kapag naabutan ko sya sa bahay at napupuno na ako sa pag-iwas iwas nya sa akin.

Gabi na ng makita ko syang palabas ng kwarto nya, naka itim na t-shirt ito at faded jeans at mukhang may lakad sya.

"Vans, where are you going?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Tumigil lang sya sa pagbaba ng hagdan at sumagot.

"Birthday-an lang. Pupunta lang ako sa maliit na salo salo sa barrio. Wag kang mag alala, binilin na kita kay Gido, may mga tauhan na din ako sa labas." Anito at akmang bababa na ulit ng nagmamadali ko syang pigilan sa braso.

"Pwede ba akong sumama? Naiinip na kasi ako dito. Isa pa, kilala na din naman nila ako diba?" Aniko habang titig na titig si Vans sa kamay kong pumipigil sa braso nya. Tinaggal nya iyon mula sa pagkakaangla ko at umusog pa sya para makalayo sa akin

Ang arte nito! Para namang may nakakahawa akong sakit.

"Ano kasi, ahhh... mabilis lang naman ako don. Tsaka gabi na, matulog ka na lang." iwas na iwas na sabi nito na ikinasimangot ko.

"Mabilis lang pala eh, sasama na ko!" Naka pout na sabi ko, nakita ko ang pagtitig nya sa labi ko at maya maya pa ay kumunot ang noo nito

"Aist...ang kulit mo talaga, sige na magbihis ka na!" Inis na sabi nito na nagpatingin sa suot ko. Naka gray crop sweater ako at black skinny jeans.

"Why? What's wrong with what I'm wearing now?" Nagtatakang sabi ko

"Aist.... Kita ang tyan mo dyan baka sikmurain ka sa suot mo!" Naiinis na paliwanag nito na ikinatawa ko naman.

"Stop being possessive Vans." Aniko at nauna na akong lumabas ng bahay. Hindi na nya ako mapagpapalit ng damit.

Nakita ko sya na kunot ang noo na lumabas din. Parang galit pa sya na sumama ako. Sumakay sya sa motor nya at binigay ang helmet sa akin. Sinuot ko iyon at sumakay sa likod ni Vans.

Pilyang inakap ko kaagad sya ng mahigpit na halos ma-flat na ang dibdib ko sa likod nya. Naramdaman ko ang paninigas nya bago bumuga siya ng hangin at pinaandar ang motor.

May katamtamang bahay ang tinigilan namin na may malawak na lupain. May nakalagay na malaking lamesa at nasa gitna ang pagkain. Nakita ko doon si Manang Luding at si tata perto, naroon din ang mga nakilala ko dati sa warehouse at si Seth na nginitian ako. Ginantihan ko din sya ng ngiti. Umupo kami sa mahabang lamesa ni Vans.

Nagulat pa ko ng lagyan ni Vans ang plato ko ng pagkain. Wari'y natigilan din ito ng mapansin ang ginagawa nya. Idineretso nito ang iba sa plato nya. Napangiti ako sa ginawa ni Vans. Hindi rin siguro nya talaga napipigilan ang pagka sweet nya.

Tumabi sa kanan ko si Seth habang nasa kaliwa ko naman si Vans. Narinig ko pa ang palatak ni Vans ng makita ang nasa kanan ko.

"Ma'am Anna, buti naman po at pinaunlakan nyo ang paanyaya ko." Sabi ni Seth na nagpagulo sa akin.

"Okay lang ba? Hindi ba ako nag partycrash? Sino ba may birthday?" Sabi ko sa kanya

Nagtawa si Seth at kinidatan ako. Gwapo talaga ang morenong probonsyanong ito.

"Ako ma'am! Hindi ba sinabi ni sir Vans na pinapasabi ko sa inyo ang imbitasyon ko kahapon?" Anito at kumindat muli.

"Oh my, I'm sorry, nakalimutan ko siguro. Happy birthday Seth!" Natatawa kong sabi. Bineso ko pa sya na kinagulat naman nya.

Nginitian nya ako at pinagsilbihan sa pagkain. Napatingin ako kay Vans pero tahimik lang itong kumakain, mukhang walang pakielam sa paligid at parang di man lang nakonsensya sa ginawa nya. Alam kong sinadya nitong hindi sabihin ang imbitasyon ni Seth, balak pa nga nitong iwan ako kanina.

Pagkatapos ng kainan ay naging inuman ang lamesang iyon. Napalitan ng pitsel pitsel ng alak ang kanina ay puro pagkain sa lamesa.

"Ma'am nakatikim na ba kayo ng lambanog? Ito po ang alak na gawa dito sa amin." Sabi ni Ralph ang katapat ko sa lamesa. Namula ako ng maalala ang huling tikim ko ng alak na yon.

"Ah yeah, I've tried it before." Sagot ko na lang kay Ralph, napalingon ako kay Vans pero tahimik lang itong umiinom at nasa kawalan lang ang mata nito.

Masayang kakwentuhan si Seth at ang mga kaibigan nito, halos hindi na ito umalis si Seth sa tabi ko. Tumatayo lang ito kapag may babati sa kanya at uupong muli sa tabi ko.

Madami dami na rin kaming naiinom at palagay ko ay nangangapal na din ang pakiramdam ko. May sound system din si Seth na inarkila at yun ang bumubuhay sa inuman namin. Marami rin sa mga matatanda ang nagsasayaw kahit madilim ang paligid.

"Ma'am Anna, naalala mo nung humingi ako ng sayaw sayo nung birthday ni Mam keshia? Baka pwede naman na ngayon na lang na birthday ko?" Ani Seth na medyo nahihiya pa at nangingiti.

"Sure." Sabi ko na lang, sya naman ang may birthday e.

Sabay pa kami tumayo ni Seth at pareho pa kaming natawa, medyo nakaramdam ako ng pagkahilo kaya kumapit ako sa braso nya.

Inilayo ako ng kaunti ni Seth sa mga nag iinuman, Pinalibot ni Seth ang kamay nya sa bewang ko at marahan kaming nagsway sa music.

May mga bisita pa na kinakantyawan si Seth na lalo naman nitong ikinapula. May sumisigaw pa ng kiss sa nga bisita nya na lalong ikinahiya ni Seth. Nginitian ko lang sya na ginantihan din nya ng ngiti.

This guy is really cute!

"Ma'am Anna, pagpasensyahan nyo na ho ang ibang bisita, medyo mga lasing na siguro." Magiliw na sabi nito sa akin

"It's okay. You know Seth, you are adorable and cute" nagtatawang sabi ko na nagpapula pa lalo kay Seth.

Shit! lasing na ata ako! Tumatawa na ko ng tumatawa!

"Mam Anna, sa laki kong ito parang di naman bagay ung cute." Anito na nagtawa pa kaya natawa din ako.

"Pare, pasensya na, uuwi na kami ni Anna. Mahirap ng maparami ng inom baka hindi na ko makapag drive." Malamig na sabi ni Vans na nagpatigil sa pagsasayaw namin ni Seth. Kinuha ni Vans ang kamay ko at pinagsalikop sa kanya. Pagtapos ay hinila na nya ako papunta sa motor nyang naka park.

"Wait baby, magpapaalam lang ako ng maayos kay Seth." Aniko na lalong ikinakunot ng noo ni Vans.

"Diba nagpaalam na ko? Sakay!" Anito habang nakasakay na sya sa motor. Wala akong nagawa kundi sumunod na lang at sumakay sa likod nya.

Alluring Anna (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon