18 Baby

29K 851 4
                                    

ANNA POV

Naalimpungatan ako sa biglang may humapit sa bewang ko. At ang mainit na hininga sa leeg ko. Nilingon ko yon at nakita ko si Vans na tulog na tulog na nakayakap sa akin. Ang maramdaman syang ganito kalapit sa akin ay parang nagbabalik sa akin ang lahat ng nangyari noong isang gabi. Nagsinungaling ako nung sinabi kong wala akong maalala. Gaya nya ay lahat ay natatandaan ko rin.

Napakagwapo talaga ng mukha nya. Hindi ko maiwasang titigan ang mukha nyang himbing pa na natutulog. I look at his lips at naalala ang mga halik na pinagsaluhan namin. Ang halik niyang nakakabaliw at nakakapagpalimot sa akin.

Nag movie marathon kami kagabi, siguro nakatulog na ako sa pangatlong pinapanood namin. I was focus on looking at his lips when suddenly it turn into a smirk. Napatingin ako sa mata nya na mulat na mulat na at nakatitig sa akin

"Good Morning Anna!" Anas ng husky na boses nito. Namula ako dahil nahuli nya akong tumititig sa kanya nagbaba ako ng tingin.

"Ah... good morning! Nakatulog na pala ako dito, sorry ha." Nasabi ko na lang

"I'm not sorry. Gusto ko ang makatabi ka sa pagtulog." Anito at ngumisi sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sinasabi nya

"Hoy! Baka minanyak mo ko habang tulog ako ha!" Namumulang sabi ko

"Tignan mo tong babaeng to! Kaw na nga tong hinayaan kong matulog sa tabi ko e. Tsaka di na kita kailangan manyakin noh, natikman na kaya kita!" Anito at tumawa. Sa sobrang inis ko ay hinampas ko sya ng unan

"Ang bastos ng bibig mo talaga!" Inis na sabi ko

"Totoo naman e!" Anito habang umiiwas sa pagpalo ko sa kanya

"E bat nakayakap ka!"

"Sus eto naman, yakap lang e, tsaka akala ko kasi malambot na unan lang. Tulog naman ako e kaya wala kang dapat ikabahala. Ikaw nga yata ang nangmamanyak sakin e, parang hinahalikan mo nga ako kanina e!"

"Why would I do that?! Your crazy!" Inis na turan ko, ako pa ang binaligtad ng lalaking to! Kapal ha!

"Yes I'm crazy Anna, crazy for you!" Anito at tumawa ng malakas nahawa na din ako sa tawa nya kaya tumawa na rin ako habang sinasabunutan sya.

Hinila nya ang mga kamay ko at tumitig sa akin. Nakita ko ang pag itim ng mga mata nya. Hindi ko rin maalis ang titig ko sa kanya, nahihipnotismo ako ng malamlam nyang mga titig. Dahan dahan ay nawawala ang espasyo sa pagitan namin, konti na lang at maglalapat na ang aming mga labi ng...

"Vans! Yuhoo! Vans! Nariyan ka pa ba sa kwarto mo? Kanina pa ako kumakatok sa baba! Bukas ang pinto kaya dumeretso na ako dito sa taas! Vans nariyan ka ba? Pwede pumasok?" Anas ng malanding boses at tumawa pa.

Mabilis na naghiwalay kami ni Vans, nakita ko ang inis na bumalatay sa mukha nya sandali at nawala din iyon.

"Ah, Anna dito ka lang muna ha, itatanong ko lang kung anong kailangan ni Liza" anito at lumakad na papunta sa pinto. Nakita kong lumabas si Vans at isinara sa likod nya ang pinto ng kwarto.

Inis na umupo ako ng kama. Bakit naman ako maiinis dapat nga nakakahinga ako ng maluwag kasi natigil kami sa mangyayaring halikan.

Shit! Gusto ko din ba magpahalik sa kanya! At ang plastik na babae! Shit! Kasama nya si Vans!

Agad akong tumayo at halos tumakbo palabas. Ngkagulatan pa kami ng makitang nakatayo lang pala silang dalawa sa may pinto.

Gusto kong matawa sa mukha ng babaeng plastik ng makita ako na lumabas ng kwarto. Malaki ang pagkakanganga nya at biglang tumalim ang mga mata nya sa akin. Ngumiti ako ng peke kay plastic girl. Nakita ko rin ang amused na mukha ni Vans habang nakatingin sa akin.

"Vans, baby, I'm waiting for you. Matatagalan ka pa ba dyan?" Malanding sabi ko habang pinapagapang ang kamay sa braso ni Vans, nakita ko ang pagpipigil nya sa pagtawa, nakagat ko din ang labi ko sa pagpipigil na matawa. Hinuli nya ang kamay kong kumikiliti sa tagiliran nya. Nagkatitigan kaming muli ng magsalita si plastik girl

"Ah Vans, b-balik na l-lang ako mamaya." Hilaw na sabi ng plastik na babae at nagtatakbo na ito pababa ng hagdan at palabas ng bahay.

Pagkapasok na pagkapasok ay hagalpak agad ako ng tawa. Maiyak iyak na ako sa kakatawa ng makitang nakangisi lang sa akin si Vans.

"I like it." Nakangising sabi nito

"Ang alin? Ang ginawa ko sa babaeng plastik na yon? She deserves it! Ang panget na nga ang plastik pa ng pagkatao nya!" Natatawang sabi ko.

"Not that, I like how you call me baby!" Nakangising sabi nito na ikinapula ko.

"Hey! Its just for show! I wont call you that again." Inis na sabi ko sa kanya.

"Aist... Anna wag kang magsasalita ng tapos. You will not only say it to me but you will scream it for me." Nakangising sabi nito na dahilan para batuhin ko uli sya ng unan na naabot ko sa kama. Nagtatawang lumabas sya ng kwarto.

Alluring Anna (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon