ANNA POV
Maaga akong nagising ngayon dahil siguro sobra na din ako sa tulog. Wearing my negligee, kinuha ko lang ang towel ko at dumeretso sa labas para maligo. Iniikot ko pa lang ang doorknob ng bigla itong bumukas sa gulat ko.
Nagkagulatan pa kami ni Vans. Nakatapis lang ito ng towel at bumungad sa akin ang basang abs nito at muscled chest at amoy na amoy ko ang bagong paligong katawan nito.Tumutulo ang tubig mula sa buhok nito papunta sa mukha nitong basa rin. Nanlalaki ang mata nito marahil sa gulat din sa akin. Nakita ko ang pag awang ng labi nito ng matapat ang mata nya sa dibdib ko. Agad kong tinabingan ng towel ang exposed kong cleavage.
Napataas naman ang mata nito at nagtama ang mata namin. Tinaasan ko sya ng kilay at nakita ko ang muling pamumula nya.
Tumagilid ito at dumaan sa gilid ko. Nagmamadali ring pumasok ng kwarto nya. Wala man lang namagitan na salita sa amin ng agad kong isara ang pinto ng banyo.
"Good morning Miss Anna! Aga mo ngayong gumising ah!" Anas ni Vans na naghahanda na ng iluluto para sa almusal.
Para bang walang nagyari awkward moment kanina kung magsalita ito. Inismidan ko lang sya.
"Naku po! Ang taray mo naman sa umaga kaya siguro maghapon magiging mataray ka nanaman!" Anito na ikina irap ko naman.
"Can you just shut the fvck up!" Inis na sabi ko at pasalampak na umupo sa dining table na nasa harap lang din ng lutuan.
"Aist... ang aga aga ang init ng ulo mo! Pupunta ako ngayon sa warehouse, itsetsek kong muli kung may problema sa kiskisan. Sasama ka ba?" Anito habang inilalapag ang niluto nyang itlog.
"Of course. What else do you want me to do here? Tumunganga maghapon?!" Inis kong sagot sa kanya.
"Aruy... rumatrat nanaman ang katarayan mo! O yan kumain ka na baka lalo mong ikataray pag ginutom pa kita." Asar na ring sabi nya
Naging tahimik lang ang pagkain namin ng almusal. Mukhang nawalan na rin ng ganang magsalita si Vans. Tahimik kong niligpitan ang pinagkainan namin pagkatapos.
Pinatungan ko lang ng jacket ang white sando ko at denim shorts. Nagsuot din ako ng shades para kung sakaling malayo ay di ako mapuwing sa daan, tiyak na mag momotor kami uli. Pagkalabas ko ay sakto nakasakay na si Vans sa motor, nakita nya ako at inabot lang ang helmet ko. Asiwa man pero iniikot ko na lang din ang kamay ko sa bewang nya.
Halos kalahating oras muli ang itinakbo namin para marating ang warehouse. Tatlong naglalakihang pulang warehouse ang nakita ko. Sinalubong kami ng matandang babae at lalaki pagkatigil namin.
"Oh Sir Vans, nagbalik ka pa, ay sabi ko naman sayo okay na ang lahat, abay sino ba yang kasama mo? Kasintahan mo na ba? Abay kagandang bata ah!" Anas ng matandang babae na ngiting ngiti sa akin
"Naku si Manang Luding naman, bisita ko lang ho sya dito sa aten. Namamasyal lang ho, taga Maynila ho yan Manang. Siya si Miss Anna." Anito sa matanda, "Miss Anna, siya si Manang Luding at asawa nya si TaTa Perto, sila ang namamahala dito sa buong warehouse." Pagpapakilala ni Vans
"Good Morning po!" Magalang kong bati at nginitian sila.
"Naku magandang umaga din! Kaganda mo namang bata... Buti at napasyal ka dito sa amin, maganda naman ang tanawin dito at sariwa ang hangin pati na rin ang pagkain." Nangingiting sabi ni Tata Perto na ginantihan ko din ng ngiti. Napatingin ako kay Vans na nakakunot ang noo sa akin
Anong problema nito?!
Agad din akong inakay ni Manang Luding at pinakilala sa mga tao doon. Nginitian ko lang sila at magalang na binati. Nag umpisa na rin silang bumalik sa trabaho. Natanaw ko si Vans na kausap si Tata Perto at tinuturo ang mga ani nila na sako sako. Naupo na lang ako malapit sa labasan ng may lumapit sa akin.
Isa ito sa mga pinakilala ni Manang Luding na binata, si Seth, may itsura ang lalaki, moreno ang balat at mala modelo din ang tindig. Nginitian nya ako na ginantihan ko din ng ngiti.
"Ah Ma'am Anna, dinalhan po kita ng tubig. Pasensya na po, medyo mainit dito." Anito sa akin na.
"Thanks Seth! You're so sweet. Nauuhaw na nga ako eh." Aniko at tinaggap ang tubig na binibigay nito.
"Bat di ka nagsasabi saken kung nauuhaw ka na pala!?" Bulyaw ng lalaki sa likod namin ni Seth na ikinagulat namin pareho. Muntik ko ng maitapon ang hawak kong baso.
Mahina ang boses na nagpaalam si Seth sa amin at nahihiyang lumayo."You scared the poor boy! Bakit ka ba nanggugulat!" Inis na sabi ko sa kanya. Umupo sya sa tabi ko at tiningnan ako habang iniinom ko ang tubig.
"Busy ka kasi sa pakikipaglandian kaya di mo nakita ang paglapit ko kaya ka nagugulat." Anito sa akin na ikinasama ng tingin ko sa kanya.
"What the heck! Tinanggap ko lang naman ang tubig na bigay ni Seth! Anong paglalandi don?!" Inis kong sagot sa kanya
"You're so sweet." He mimicked using a girly tone.
"Anong problema mo? Sweet naman talaga sya, he offered me water without even questioning if I'm thirsty." Sagot ko
"Aist... sa susunod kasi sakin ka magsabi! Ano ba ung tawagin mo ko doon at sabihin mong nauuhaw ka!" Anito
"You are so lame! It's just water!" Inis na sabi ko
"Ewan ko sayo! Umuwi na nga tayo!" Inis na tumayo ito at nauna ng lumabas.
Problema non?!
Inis na sinundan ko na lang sya palabas.
BINABASA MO ANG
Alluring Anna (COMPLETED)
RomanceAnna Francesca Larazabal was thrown out of the city by her family because of family death threats. Out of her comfort zone she tried to live without losing her mind to the things around her in a secluded area in Quezon. How will she strive when ever...