ANNA POV
Nagising ako sa kama ni Vans at wala na sya sa tabi ko, dali dali akong nagpunta sa banyo at nagtoothbrush , natanaw ko pa sya sa baba na nagluluto ng almusal. Kahit masakit ang ulo sa hang over ay pinilit kong bumaba at pumunta sa kusina.
Bigla ko syang niyakap sa likod at bumulong ako sa tenga nya.
"Good morning baby!" Mapang akit na sabi ko sa tenga nya, ramdam ko ang paninigas ng katawan nya sa gulat at pagkabigla.
Tinanggal nya ang kamay ko at humarap sya sa akin.
"Anna aist... bakit ka ba nangyayakap!" Anito at lumayo sa akin
"Ang pakipot mo ha! Sabi mo kasi pag lasing lang kita niyayakap eh!" Balewalang sabi ko at naupo na sa dati kong pwesto sa lamesa. Narinig ko ang malalalim na paghinga nya at pinagpatuloy ang pagluluto.
Tahimik kaming kumain ng almusal. Hindi man lang ako tinitignan ni Vans at subo lang sya ng subo.
Hay...patience Anna!
Vans is resisting my hug and kisses
I can feel that Vans is trying to push me away and it's making me more determine to have him.Nagulat pa kami pareho ng may kumatok sa pinto. Tumayo si Vans para pagbuksan yon, at paglingon ko ay nakita ko ang huling taong gusto kong makita.
"Mam Keshia, nadalaw po kayo?" Masiglang bati ni Vans na ikinaikot ng eyeballs ko.
So fucking obvious!
"Good Morning Vans, nasira kasi ang oven ko sa bahay at alam ko ikaw lang ang may kayang gawin un? Pwede ba? Ah hi Anna, narito ka na din pala? Kamusta?" Ani Keshia ng mabalingan ako. Ginantihan ko na din ang ngiti nya kahit pa ayaw kong ngumiti.
"Since last week pa, nagtatago nanaman ako dito kay Vans eh" aniko at tumingin kay Vans, nakatingin din sya sa akin.
"Anna, pupunta muna ako kila Mam Keshia." Anito sa akin habang titig na titig sa akin.
"Can I go too?" Taas kilay kong sagot kay Vans
"Dito ka na lang, sandali lang naman ako eh." Nainis ako sa sagot nya
"Bakit Vans? Bakit ayaw mo akong isama? Dahil ba kasa...." pero pinutol agad ni Vans ang sasabihin ko at tinakpan ang bibig ko.
"Aist....ang kulit mo talaga!" Inis na bulong nito sa akin. Pilyang kinagat at dinilaan ko naman ang palad nya na ikinapula nya, agad nyang tinanggal ang kamay nya sa bibig ko. Napatikhim lang sya.
"Of course you could come too Anna." Ani Keshia at ngumiti pa sya sa akin, ngumiti na din ako, ngiting tagumpay
Akala mo hahayaan ko kayong makapagsolo?!
"Let's go!" Masiglang sabi ko at nauna na akong lumabas ng bahay.
Nakita ko ang kotse ni Keshia at kasama nya ang bodyguard nyang si Bert na nasa driver seat.
"Ah Mam Keshia susunod na lang po kami ni Anna, magmomotor na lang po kami" sabi ni Vans na tinanguan ko. Makakayakap kasi ako pag nakamotor kami.
Pwede!
"Oh sige, Hintayin ko na lang kayo sa resthouse ha." Ani Keshia at ngumiti syang muli bago sumakay ng kotse nya.
Iniabot sa akin ni Vans ang helmet at nauna ng sumakay ng motor. Umangkas ako sa likod at muling inilapat ang katawan ko kay Vans. Ramdam ko pa ang pagsinghap nito ng ipaikot ko ang kamay ko sa tyan nya.
"Aist..." anito habang umiiling at pinatakbo na ang motor, lihim naman akong natatawa sa bawat reaksyon nya, alam kong tinatablan sya sa mga ginagawa ko.
Pakipot pa kasi! Gustong gusto naman!
Pinanood ko lang si Vans habang kinukumpuni nya ang oven. Ang gwapo talaga nya kapag seryoso sya at tutok sa isang bagay. Para syang model sa magazine. Ung tipong nasa cover at mapapabili ka na lang dahil naakit ka sa mukha at katawan nya na nasa cover ng magazine na yon.
Pinagmasdan ko ang braso nyang naghihiyawan ang muscle habang binubuhat ang oven at tinatagilid nya.
Hay...pengeng kape! Daming tinapay!
"You like him noh?" Anas ng katabi ko na nagpalingon sa akin. Nakita ko ang ngiting ngiting si Keshia na pinapanood ako. Namula ako dahil nahuli nya akong pinagnanasaan ang walang malay na si Vans.
"Yeah" maikling tugon ko.
"I think he feels the same way too." Makahulugang sabi nito
"I know for a fact he likes someone else. Hindi nga lang nya pwede ipakita kasi married na yung gusto nya." Aniko at deretsong tumingin kay Keshia sinalubong nya ang titig ko at maya maya ay ngumiti sya na ikinataas ng kilay ko. Well, di ko mapigilan ang bunganga ko.
Taklesa problems!
"Alam mo bang kinidnap ako nyang si Vans?" Nagtatawang sabi ni Keshia na ikinalaki ng mata ko
Fvck! Ganun ba nya kamahal ang babaeng to!?
"It's not what you think! Kinidnap nya ako dahil pinag utos sa kanya ni Eros na gawin yon! To make my story short, dun lko sya nakilala, alam kong may gusto dati sa akin si Vans, he admitted it to me, but I love my husband and Vans is a great guy, we became friends somehow. Anna, I dont want him to get hurt again." Anito at nakatitig sya sa akin ng sabihin nya yon.
Again?
Parang psychic nman si Keshia ng nagsalita syang muli.
"I dont want him to get hurt again by you! Nung araw na iwan mo sya, he was so devastated. Nagkulong sya sa bahay nya. Kahit si Eros ay di nya kinakausap. Ako ang nag alaga sa kanya Anna. I brought him food everyday for almost three months, because he was so devastated he forgets to eat and all he did was get wasted and I know you are the reason why Anna."
"You see Anna, he loves you. He might like me before, and we all know love is much greater than like. And I'm betting he still loves YOU! At hindi na ako makakapayag na saktan mo syang muli." Matapang na sabi ni Keshia. Gulat na gulat ako sa lahat ng sinabi nya na napalingon na lang akong muli kay Vans na busy pa din pagkukumpuni.
He loves me?!
"Can I trust you Anna? That you wont hurt my friend again? Because if you are playing games with him I am telling you now to stop it. Because you will ruin him if you are." Madiing turan ni Keshia
"I am not playing him. I love him too. I came back for him." Seryosong sagot ko kay Keshia. Sandali kaming nagtitigan, animoy inaalam ang katotohanan ng sinabi ng isat isa. Maya maya ay ngumiti ng muli si Keshia sa akin, wari'y natuwa sa sagot ko.
"Then goodluck winning him back!" Nakangiting sabi nito
BINABASA MO ANG
Alluring Anna (COMPLETED)
RomanceAnna Francesca Larazabal was thrown out of the city by her family because of family death threats. Out of her comfort zone she tried to live without losing her mind to the things around her in a secluded area in Quezon. How will she strive when ever...