Chapter 1.

23 3 0
                                        

SAMANTHA'S POV.

"Kagabi ay natagpuan ang ilang bangkay na wala nang buhay sa parte ng gubat at ang mas nakagigimbal pa dito ay meron silang mga dalawang butas sa leeg na pinaghihinalaang dahilan ng kanilang pagkamatay. Ang usap usapan sa bayan ay kagagawan daw ito ng isang bampira ngunit hindi pa naman ito napapatunayan. Posible nga ba na bampira ang may kagagawan ng nasasabing pagpatay?" Nasa kalagitnaan ako ng kuryosidad sa pinapanood kong balita nang biglang may nag-off ng TV.

Sa sobrang inis ko ay binato ko sya ng unan na nakapatong sa sofa at kung siniswerte ka nga naman, hindi ko pa sya natamaan.

"Masyado kang nagpapaniwala sa balita," Sabi ni Kyel at kinagatan ang hawak hawak nyang tinapay.

Inirapan ko lang sya at balak na sanang buksan ulit ang TV nang bigla naman akong tawagin ni Ashley na nasa kusina at nagluluto ng almusal naming tatlo. Ano ba yan! Daming ka echosan sa buhay.

Ngayon ang first day namin sa college kaya naman maaga palang ay gising na kami at naghahanda sa pagpasok. Sakto naman kasi na pagbukas ko ng TV ay nakita ko yung balita kaya pinanood ko na. Malapit kasi sa tinutuluyan naming eskwelahan yung nagaganap na patayan.

Kung di nyo kasi naitatanong, yung school na tinutuluyan namin na Avadams Academy ay nakatayo sa mismong gitna ng gubat. Astig noh?

Kaya nga dun namin napiling mag aral ng college kasi kakaiba. At ang gusto namin para sa huling taon ng pag aaral namin ay maging kakaiba.

Palibahasa kasi kaming magkakaibigan ay mga Adventurous at nasa dugo na talaga namin ang pagiging adventurer at mahilig din kami sa mga mystery at paranormal activities. Cool huh?

Maski nga yung mga parents namin ay di kami napipigilan sa mga gusto naming gawin. Kasama na rin tong pagbubukod namin ng bahay.

Nagbukod kami hindi para malaya kaming makagawa ng mga kalokohan sa buhay kundi para maging mas malapit kami sa school na gusto naming pasukan.

Ayaw nga sana ng mga parents namin na sa Avadams kami mag aral kasi delikado at malayo pero dahil sa pabebe girls kami, walang makakapigil samin.

"Sarap buhay ah? Panood nood ka lang. Tulungan mo na nga lang akong magluto dito at takot akong magprito." Ibinigay sakin ni Ashley yung hawak nyang pang prito at patakbong pumunta ng sala at narinig ko pang binuksan nya yung TV. Kita mo to, magagalit sakin kapag nanonood lang ako ng TV tapos isa rin naman pala sya.

Syempre dahil mabait ako at maganda pa ay ako na nga nagluto ng almusal. Simpleng itlog at hotdog lang naman ang niluto ko. Wala naman akong alam na ibang putahe e.

By the way high way, kailangan ko pa bang magpakilala? Masyado na kasing common yun pero sige na nga, mapilit kayo e.

Ako si Samantha Adams, college na ako this year. Wala namang masyadong interesting sakin. Maganda ang family background ko.

Mahilig ako sa adventures, mysteries at kung anu anong bagay na astig. Meron akong dalawang bestfriend since birth.

Kaming tatlo na talaga ang magkakasama kahit magkakaiba ang ugali namin, ewan ko nga kung bakit ko sila naging kaibigan e.

Siguro siraulo lang ako kaya ko sila pinatulan na maging kaibigan. Sarap kaya nalang gulpihin minsan--- Ay hindi. Lagi pala pero dahil sa sobrang bait ko e kaya di ko yun ginagawa.

"Hmm.. bango. Amoy kalibugan. Itlog at hotdog," Biro ni Kyel at kumuha na ng pagkain nya. As usual, ang lakas nyang lumamon. Parang hindi nakakain ng isang taon. Tsk.

Sya si Kyel Shen Evans. Ang bestfriend kong happy go lucky. Walang pakielam sa sasabihin ng iba basta magawa nya lang yung gusto nya. Minsan iniidolo ko yung self confidence nyan pero minsan hindi rin. Nasosobrahan na rin kasi ng kayabangan.

Blood and ClawsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon