Chapter 6.

12 1 0
                                    

ASHLEY'S POV.

Nanatili kaming tahimik nang ilang saglit. Nang makarecover kami sa pagkagulat ay naisipan naming sundan sila Cohen, Kiro at Lhiam.

Naamoy ko kasi yung pabango nung tatlo kaya nakasunod lang sila sakin sa paglalakad. Madilim na dito sa gubat kasi gabi na.

Natatakot man ako ay mas nangibabaw ang kuryosidad ko sa bagay na narinig ko kanina at sa inasal nung tatlong lalaking yun.

Nakakabaliw kasi kapag litong lito na yung utak mo sa sobrang dami nang tanong na di mo masagot. Grabe!

Napatigil kami nang bigla ring tumigil sa paglalakad si samantha. Tila ba may pinapakinggan sya.

Nanatili kaming nakatingin sakanya habang sya ay may pinapakinggan na kung ano man. Wala naman kasi akong naririnig maliban sa mga crickets at tunog ng hangin.

"May mga paparating," Biglang sabi nya at hinila kaming dalawa ni kyel papunta sa isang malaking puno para makapagtago.

Nakasilip lang kami at inaabangan ang sinasabi ni samantha na may mga paparating. Hindi ko man alam kung pano nya nalaman ay hinayaan ko nalang.

Maya maya pa ay may sampo o higit pang katao ang dumating. Sabay sabay silang naglalakad at lahat sila nakasuot ng itim na hood kaya di namin maaninag ang mga mukha nila.

Parang isang segundo nga lang nila kaming dinaanan. Kasi katulad nila Cohen ay mabibilis din sila.

Nakakapagtaka. Ano bang klaseng nilalang ang mga to? Bakit ang bibilis nila? Ayaw ko namang paniwalain ang sarili ko sa mga bampira pero konting kembot na lang talaga at maniniwala na ako.

Mapupulang mata. Matutulis na pangil. Mabibilis na kilos at Malalakas. Hindi ba't katangian nang isang bampira yun?!

"Sino kayo?" Halos atakihin naman ako sa puso nang biglang may boses na nagsalita sa may bandang likuran namin.

Dahan dahan kaming napalingon at ganun nalang ang gulat namin nang yung mga nakita namin kanina ay nasa likuran na namin.

"AAAAAAAHHHHHH!!!" Sigaw namin at nag uunahan kami sa pagtakbo.

Naramdaman kong sinusundan nila kami pero hindi ako nagpadala sa kaba ko at mas binilisan ko pa ang takbo.

Natatanaw ko sila kyel at samantha na halos magkandapa dapa na rin sa kakatakbo. Pero anak ng teteng naman! Ilang inches lang yung layo nila samin.

Sino ba naman kasing niloko ko? Eh ang bibilis tumakbo ng mga yan eh! Makakatakas pa ba kami?! Shitness! Holy shitness!

Think positive ash. Think positive. Mabubuhay ka pa.

Nakita ko sa peripheral view ko na nahablot si samantha nang kung sino mang mga halimaw na yun. Nagpupumiglas sya. Gusto kong huminto sa pagtakbo para tulungan sya.

Pero kung minamalas ka nga naman, sa kakatingin ko sa direksyon ni samantha ay may nakahuli rin sakin.

Nanay ko po! Ayaw ko pang mamatay. Ayaw ko pa talaga! Juskoo. Tulungan nyo po kami.

Pinagsama sama kami nila sam, kyel at ako. Dinig na dinig ko yung puso ko sa sobrang lakas ng kabog. Dahil siguro to sa pagtakbo ko at kaba.

"Sino kayo?! Anong kailangan nyo samin?!" Sigaw ni sam kaya naman lumapit sakanya yung isa sa mga halimaw at hinawakan sya sa magkabilang pisngi.

"Sweetie, any last words?" Sweet yung boses na gamit nang babaeng yun pero kasunod nun ay ang pagtawa nya nang wagas. Nakakakilabot.

"Hindi ko alam na mas mapapadali ang paghahanap namin ng hapunan." Tawa nya pa rin at napansin ko ang pagpula ng mata nya at paglabas nang kanyang pangil.

Blood and ClawsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon