Chapter 14

7 0 0
                                    

KYEL'S POV.

Walang katao tao sa classroom at tanging ilaw lang galing sa mga cellphone namin ang nagpapaliwanag sa lugar.

Nakaramdam ako nang kilabot pero hindi ko ipinahalata. May nararamdaman akong kakaibang mangyayari ngayon.

Hindi ko lang matukoy kung ano.

Naisipan naming lumabas ng classroom para hanapin yung mga kaklase namin. Mula sa labas ay natanaw ko ang langit na makulimlim.

Hindi pa naman gabi pero makulimlim na agad yung ulap. Idagdag mo pa yung hangin na nagpapatayo ng mga balahibo namin.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at pagtitingin sa paligid. Walang kahit ni isang bampirang makikita dito. Para silang naglaho.

Natatakot na ako ha. Infairness, ang galing nilang mag hide and seek. Wooh! Grabe. Time pers na. Ayoko na maglaro.

Maya maya pa ay may narinig nanaman na kakaiba si Samantha. Alam ko yun kasi napahinto nanaman sya sa paglalakad habang nagmamasid sa paligid at tila ba may hinahanap.

Hindi ko man naririnig kung anong naririnig nya ay sa tingin ko hindi nanaman yung maganda.

Napahinto ako sa pag iisip nang biglang may nagplay sa utak ko. Mabilis lang pero klaro.

Isang tagong lugar. Madilim. Madaming torch na nakasabit sa bawat gilid ng lugar na iyon at dun ay nakapalibot ang daan daang bampira na hindi ko kilala kasama na rin dun sila Cohen, Kiro at Lhiam.

Napamulat ako nang matapos mag play yun sa utak ko. Nakakamangha naman ang kakayahan ko. Tinuturo ba nun kung san naroroon sila Cohen? Kasi kung oo, napakalaking tulong nito.

Lalakad na sana ulit kami para pumunta sa lugar na nakita ko nang may biglang humarang sa dinaraanan namin.

Ganun na lang ang pagkagulat ko nang malamang yun yung matandang lalaki na may salamin. Yung kumausap samin nung first day? Tanda nyo pa?

Nakatayo sya sa harap namin habang hawak hawak yung libro nya na nakita na namin at wala namang laman.

Kakaiba ang tingin nya samin ngayon at sumenyas sya na sundan namin sya. At dahil nga sa wala naman kaming magawa ay sumunod nalang din kami sakanya.

Dinala nya kami dun sa office nya kung saan nya rin kami unang dinala noong una namin syang nakita.

Madilim din dito pero ang nakakapagtaka ay maliwanag kong nakikita ang mga litrato sa dingding ng opisina nya.

Naupo sya sa pwesto nya at pinagmasdan nya lang kaming tatlo. Maya maya pa ay binuksan nya ang aklat na hawak nya at tila ba may hinahanap sya sa bawat pahina nito.

Syempre dahil sa kuryosidad ko at pagtataka kasi ayon sa pagkakakaalam ko ay walang nakasulat dun ay sinilip ko ang libro nya.

Nahuli nya naman ako sa ginawa ko pero tiningnan nya lang ako nang ilang minuto bago sya magsalita.

"Propesiya, na ang hinaharap ay isinisiwalat. Ipakita mo ang nakasulat sa bawat pahina ng iyong aklat."

Pagkatapos nyang sabihin ang mga katagang yun ay unti unting lumabas ang mga salita sa aklat na yun.

Nagulat ako syempre. Di ko ineexpect na pwede palang mangyari yun. Pati sila Samantha at Ashley ay nagulat rin. Nasa likuran ko na pala sila, ngayon ko lang namalayan.

"Ngayon ay alam kong alam nyo na kung sino kayo." Sabi nya bago kami pinasadahan ng tingin.

"At may balak kayong sabihin ito kila Cohen na syang pinuno ng mga bampira, tama ba ako?" Tanong nya kaya wala sa sariling napatango kami. Manghuhula ba to? Pano nya nalaman?

"Dyan kayo magkakamali," isinarado nya ang libro bago tumayo sa kinauupuan nya kanina.

"Hindi nyo maaring sabihin sa kanila ang tunay nyong kaanyuan dahil papatayin nila kayo."

"Pero.. Nangako sila na hindi na kami nila papatayin pag hindi kami lumabas sa gubat na to." Tutol ni Samantha.

"Noon yun nung alam nyang tao pa kayo, kapag nalaman nilang kayo ang hinahanap nilang hybrid eh hindi magdadalawang isip yun na patayin kayo. Dahil kayo ang mortal na kaaway nila."

Napatahimik kami nun. Mortal na kaaway ng mga bampira ang mga hybrids? Bakit?

***

"Saan kayo galing?" Tanong ni Lhiam nang makabalik kami sa classroom.

Bukas na rin kasi yung ilaw sa kabuuan ng campus. Akala ko nga eh hindi na talaga magbubukas yun. Tsk.

"DLSTT." Tipid na sagot ko at umupo na sa upuan ko.

"DLSTT?" Ulit nya nang patanong.

Nilingon ko naman sya dahil nasa likuran ko sya. Halatang naguluhan sya sa sinabi ko. Tsk. Hindi talaga to marunong sa mga acronyms.

"Dyan lang sa tabi tabi." Sagot ko bago lumingon ulit sa harapan.

Napagdesisyunan namin nila Samantha na wag na nga lang sabihin kila Cohen yung sikreto naming malupet.

Ayaw din naman naming mamatay noh. At kahit na medyo matagal tagal na rin naming nakakasama yang sila Cohen ay di pa rin imposibleng patayin nila kami.

Ni hindi nga nila kami kilala eh at hindi rin namin sila ganun kakilala. Pati na rin sila Xavier at Xander ay paglilihiman muna namin. Mas maigi nang samin samin muna yung sikreto kesa marami ang makaalam.

"Okay class, bibigyan ko kayo ng kapartner sa first activity na gagawin natin at itong partner nyo na ito ay makakapartner nyo for the one whole year." Anunsyo nang professor namin.

"At ang makakapartner nyo ay yung mga katapat nyo." Pagkasabi nun ni Prof ay napalingon ako sa likuran ko.

Tsk. Kung siniswerte ka nga naman, kapartner ko ang aking labidabs hahaha. Sino pa ba? Edi si Kiro Stan Den Bavin, the one and only.

"Teka, partner kita?!" Dinig kong reklamo ni ashley at lhiam habang nakaturo sa isa't isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blood and ClawsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon