KYEL'S POV
Narating namin ang isang tagong parte ng gubat at nandun din namin natagpuan ang isang lalaking wala nang buhay at may dalawang butas sa leeg.
Kinikilabutan ako pero hindi ako nagpahalata. Basta ang malaking tanong lang na tumatakbo ngayon sa utak ko? Sino ang may kagagawan nito?
Kusang gumalaw ang mga mata ko at para bang may nakita akong tatlong lalaki na naglalakad palayo. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba yun pero pagkurap ko ay wala na sila sa nilalakaran nila kanina. Wierd.
"Anong gagawin natin dyan?" Tanong ni Ashley kay Samantha pero hindi kumibo si sam. Seriously, kanina pa to walang kibo. Sarap hampasin. Napipe na ba to?
Pero nawiwierdohan talaga ako sakanya kanina. Sabi nya may naririnig daw sya na humihingi ng tulong pero hindi naman namin naririnig yun. Ewan ko nga kung sino samin ang may diperensya sa tenga. Kami ba o sya?
Nang siguro ay mahimasmasan na si Samantha ay nag aya na sya na umalis kami sa gubat na yun at maghanap na lang ng mga tao na pwedeng tumulong samin para ireport yung nakita naming bangkay. Gusto ko sanang sabihin sakanila yung nakita ko kaso baka di sila maniwala sakin. Mapagkamalan pang baliw ang beauty ko.
Nagsimula na kaming maglakad lakad nang may marealize kaming isang bagay. Nagkatinginan kaming tatlo at pare parehas na nagpanic.
"Hindi ko na alam kung nasan tayo." Sabi ni sam at natatarantang tumingin sakin.
"Ang shunga mo! Dadalhin dalhin mo kami dito tapos di mo na alam ang daan pabalik?!" Batok ko sakanya.
"Eeeh.. Kasi naman.. Hindi ko nga rin alam kung pano tayo napunta dito." Dagdag nya pa.
"ANO?! Pakshet. Pano na tayo nyan?" Tanong ni Ashley pero hindi namin sya nasagot. Miski ako, di ko alam. Kung bakit ba naman kasi shunga shunga din tong si samantha minsan. Nakakaurat.
Ipinikit ko ang mata ko at nag isip kung ano ano nga ba yung dinaanan namin kanina nang biglang may nag-flash sa utak ko.
Hindi ko alam kung paano nangyari yun pero biglang nag-flash sa utak ko yung mga dinaanan namin kanina. Simula dun sa pagbaba namin sa van hanggang sa lugar na tinatayuan namin ngayon.
"Kyel, ayos ka lang?" Dinig kong tanong sakin ni Ashley na dahilan para mapamulat ako. Geez. Anong ibig sabihin nun?
"Alam ko na kung saan tayo dadaan." Sabi ko kaya naman biglang umaliwalas yung mukha nung dalawa.
"Ayos! Galing ng memory mo kyel," Sabi ni sam at tinapik ang balikat ko. Tsk. Last thing i know, kasalanan nya kung bakit kami naligaw.
Lakad lang ako nang lakad at sunod naman sila ng sunod. Ang galing. Parang tumalas yung paningin ko at nakikita ko at malinaw na naaalala ko kung ano yung mga dinaanan namin.
"Ayun na yung van!" Sigaw ni sam at nauna na sya saming pumunta dun sa van. Napailing nalang kaming dalawa ni Ashley at sumunod nalang sakanya.
Pagkarating namin sa harapan ng van ay nagtaka kami kung bakit napahinto si sam sa paglalakad at nakatitig lang dun sa kotse.
"Oh bakit?" Tanong ko nang makalapit ako sakanya. Nanatali syang walang imik at nakatitig lang dun sa van. Ano bang problema nito?
Tumingin ako kung saan sya nakatingin at nagsalubong ang kilay ko nang wala naman akong nakitang mali dun sa van namin. Di kaya nainlove na si sam sa van? Imposible naman yun. Di pa naman siguro nasisiraan nang bait tong si samantha.
"Anong problema mo? Bat ka natahimik dyan?" Tanong ko at inabot nya ang pintuan ng van bago tumingin sakin.
"Nakalock," Sabi nya kaya naman kusang gumalaw yung kamay ko at binatukan sya.
"Jusme! Kanina ka pa samantha ha! Pati ba naman yung susi iniwan mo sa van?" Naiiritang bulyaw ni Ashley kay Samantha na nakatahimik lang.
"Ano bang meron sayo? Nakadrugs ka ba?" Tanong ko kasi parang wala sya sa isip nya. Una, niligaw nya kami sa gubat. Pangalawa, iniwan nya yung susi sa loob ng van. Nako! Nako! Kung di ko lang to kaibigan baka nakapatay na ko.
"Sorry naman. Eh sa nataranta talaga ako kanina eh." Pagdadahilan nya at kinamot pa yung gilid ng noo nya.
Natigil naman kami sa pag aaway at pagsusumbatan nang biglang tumahimik si Ashley at para bang may inaamoy.
"Oh? Anyare sayo?" Puna ko sakanya pero nagpatuloy sya sa pagsinghot ng kung ano.
Nacuncious tuloy ako kaya inamoy ko yung sarili ko. Hindi naman ako mabaho ah? Amoy strawberry nga eh. Tsk.
"Parang may naamoy akong mabaho.." Sabi nya at suminghot singhot pa rin.
"H-Hoy! Naligo ako ah. Baka si samantha yun!" Depensa ko sa sarili ko at tinuro si sam na nasa tabi ko.
"Ang kapal mo naman. Naligo ako uy!" Sabi ni sam at hinampas ang braso ko.
"Hindi, hindi! Parang.. Basta! Mabaho." Pinagpatuloy ni Ashley ang pagsinghot nya kaya naman sinundan lang namin kung saan sya magpunta. Kung di lang talaga seryoso ang atmosphere, kanina pa ko natawa kasi mukha syang aso na naghahanap ng makakain. Bwahaha!
"Teka.. Ayun ang avadams ah." Napatigil kami sa paglalakad nang mapahinto si ashley at tinuro ang eskwelahan na nasa harapan na namin. Madami nang estudyanteng nagsisipasukan dun at malapit na rin magsimula ang klase.
"Yan na yung school natin?" Tanong ni Ashley at pinagmasdan muli yung school.
"Malamang. Ano pa bang tingin mo dyan? Palengke?" Nagkatinginan kami nang may biglang magsalita pero hindi sya boses babae. Wala naman kaming ibang kasama ah? Sino kaya yun?
"Ang bulag naman. Nasa gilid na nga lang di pa makita," Muling nagsalita yung boses kaya napalingon kami sa gilid ni Ashley at dun ay may nakita kaming isang gwapong lalaki na nakatingala samin.
Kasalukuyan kasing nakaupo sya sa gilid ng isang puno at may nakasabit na headset sa leeg.
"Sino ka?" Tanong ni Ashley dun sa lalaki pero ngumisi lang ito at umirap kay Ashley. Aba! Taray ng lola nyo ah?
"Kilala ako dito tapos di mo ko kilala? Bago ba kayo dito?" Tanong nya.
"Hindi ba obvious? Tatanong tanong pa. Halata naman." Pang aalaska ni Ashley na halatang naiinis dun sa lalaki.
"Hoy! Wag ka ngang epal. Nakikisabat ka di ka naman kausap." Inis din na sabi nung lalaki kay ashley.
"Ay hindi ba ako?" Full of sarcasm na sabi ni Ashley kasunod nang isang irap.
"Hindi ba obvious? Tatanong tanong pa, halata naman." Paggaya nung lalaki sa sinabi ni Ashley kanina at nauna nang naglakad papunta dun sa campus.
Natawa tuloy ako sa naging reaksyon ni Ashley dahil konti nalang sasabog na sya sa galit. Pikon eh? Nakahanap ng katapat.
"I see, hate at first sight eh?" Pang aasar ni Samantha atsaka kami nagtawanan maliban kay Ashley na pinapatay na kami sa tingin.
A/N: So this is it. Malapit nang magsimula ang mystery. Don't forget to vote, comment and be a fan! Thank you! Thank you! Kung may tanong, feel free to ask.
![](https://img.wattpad.com/cover/104935479-288-k436745.jpg)
BINABASA MO ANG
Blood and Claws
Vampire"Sa isang eskwelahan sa gitna nang kagubatan, magtatagpo ang di inaasahang magkasintahan." - Prophesy