Chapter 12

10 1 0
                                    

KYEL'S POV.

"Sino nagsabi sayong lumabas ka?" Salubong ang kilay na tanong sakin ni Kiro. Napanguso naman ako. Pinapagalitan nya kasi ako eh.

Hindi ko naman kasalanan kung nacurious talaga ako kanina. Eh sa ang seryoso kasi ng usapan nila kanina pero promise, di ko naman gets yung pinag uusapan nila.

Binitbit ako ni Kiro papasok sa bahay NAMIN. Oo bahay namin nila samantha kasi dito na kami pansamantalang titira kasi hindi naman kami pwedeng lumabas sa gubat na to.

"Delikado si Daimon. Hindi ka talaga nag iingat noh?" Pagsusungit nya sakin kaya napapout ako.

"Sorry na. Di ko naman sinasadyang mag alala ka." Sabi ko pero napahinto sya bigla sa pagsasalita at tiningnan ako ng ilang saglit.

"Hindi ako nag aalala sayo. Bahala ka nga sa buhay mo." Pagkatapos nun ay umalis na sya at iniwan akong nakatayo sa may pinto.

"Sige na. Pumasok ka na." Sabi ni Cohen at naglakad na rin palayo kasama si Lhiam. Aish. Galit ba sakin si Kiro? Tigas kasi ng ulo ko eh.

Di bale. Magsosorry nalang ako sakanya bukas para makabawi. Ayoko magalit sakin si crush. Tss.

***

"Hoysh! Bangonsh ka nash!" Napamulat naman ako nang yugyugin ako ni ashley.

"Kaninash ka pash tulogsh!" Napatayo naman ako bigla. Pano ba naman, tinatalsikan ako ng pagkain na nakasalpak sa bibig nya.

Bakit ba kasi nagsasalita to nang may laman ang bibig? Bastos eh?

"Oo na. Lumayas ka na nga dito!" Sabi ko at tinaboy sya. Napanguso naman sya at padabog na lumabas na nga ng kwarto.

Kinusot ko naman ang mata ko at nagdiretso na sa banyo para makapaghilamos. Baka mamaya nandun na si Kiro sa baba at makita nya na may panis na laway pa ako sa mukha.

Kahiya naman yun. Ang isang dyosang tulad ko, may laway sa pisngi? No way! Bawas ganda yun noh.

Pagkatapos maghilamos ay nagpunta na ako sa baba para makakain ng almusal. Sadly, wala pala dun sila Kiro.

"Oh? Anong mukha yan?" Tanong sakin ni Xander nang mapansin nya akong palapit na sa lamesa.

"Mukha nang dyosa." Sagot ko. Totoo naman eh.

Maya maya pa ay may naramdaman akong nagbuhos ng tubig sakin. Di makapaniwalang napatingin ako kay ashley na may hawak na baso.

"Gising ka na? Kanina kasi nananaginip ka pa." Pagtataray nya na ginatungan naman ng tawa nila samantha. Aish. Nabasa pa tuloy ako -_-













ASHLEY'S POV.

Nang matapos kaming kumain at mag ayos ng mga sarili namin ay nagkaayaan na kaming magsipasok sa school.

As usual, ganun pa rin yung mga tao sa school kung makatingin. I mean--- bampira pala. Hindi naman sila tao eh.

Kami lang yata yung tao dun. Teka.. tao ba kami? Ayon kasi sa pagkakaalam ko..

DYOSA kami ay hindi ako lang pala. Hahaha! Nahawa na ako sa kayabangan ni Kyel. Aish.

"Hoy." Naramdaman kong may bumatok sakin. Mahina lang naman pero hindi ko pa rin tanggap na binatukan ako kaya nilingon kung sino mang hinayupak yun.

"O sige subukan mong pumalag, papatayin kita." Sabi ni Lhiam kaya wala akong ibang nagawa kundi iyukom yung palad ko at panlakihan sya ng mata.

Nakita kong tumawa sya at ginulo ang buhok ko. Aish. Ano ba yan! Ang hirap kaya ibraid nitong buhok ko tapos sisirain nya lang?!

"Pangit mo." Sabi nya at nilagpasan ako. Take note, binangga nya pa ako ha.

"Aarrgh." Inis na sabi ko na tinawanan naman nung apat kong kaibigan.

"Aso't pusa kayo ah." Komento ni Xander at binigyan ako ng makahulugang ngiti.

Oh ano nanamang kalokohan naiisip nyan? Wag nya akong sisimulan ah.

"Oh ano naman?" Pagtataray ko pero tumawa lang sya.

"Unang kita palang nila nag away na yan." Dagdag pa ni Samantha at tumawa ng payak.

"Oo nga. The more you hate, the more you love pa naman." Pagsuporta pa ni Kyel. What the?!

"Wag nyo kong sisimulan ah." Banta ko pero imbis na matakot ay natawa lang sila. Tss. Anong nakakatawa dun?

***

After 123456789 years, natapos din ang napakaboring na klase. Sobrang boring pa ng atmosphere kasi sobrang tahimik.

Yung tipong umutot ka lang ng konti malalaman na nila agad kung kanino galing -_-

Nag unat unat lang ako kasi napagod akong umupo at matulog. Hahaha! Sorry na. Hindi ako studyholic eh.

Ano raw? May word bang ganun? Haha.

"Tara tambayan." Yaya ni Lhiam at tumingin sakin bago bumehlat.

Syempre, binehlatan ko rin sya. Lintik lang ang walang ganti noh.

"Ge." Pumayag naman kami at nagkaayaan na ngang pumunta dun. Naglalakad na kami sa hallway at as usual, maiingay kami maliban dun sa tatlo na may sariling mundo.

Hindi ko nga alam kung kaibigan na namin sila eh pero i consider them as a friend kasi hinayaan nila kaming mabuhay. Utang na loob nalang noh.

Maya maya may naamoy nanaman ako. Napasalubong ang kilay ko nang makaamoy ako ng kakaiba.

Heto nanaman yung ilong ko. Kung anu ano naman naaamoy. Aish. Singhot lang ako ng singhot kasi pamilyar talaga yung amoy.

Yung iba napahinto na sa paglalakad at napatingin sakin. Kung saan saan ako nag amoy nang mapahinto ako kasi napatingin ako sa isang lugar.

Amoy...

Amoy ano...

Amoy uhh...

"FRIED CHICKEN!" ^_^

Haha kala nyo na kung ano noh? Haha. Teka lang. Kakain muna ako.

Agad agad akong tumakbo papunta dun kay kuyang may bitbit nang fried chicken. Hindi ko alam kung anong meron sakanya pero di sya mapakali at panay ang tingin sa paligid lalo na sa likuran nya.

Ni hindi nya nga alam na nasa harapan nya na ako eh. Grabe si kuya. Ano bang meron dito? Parang may tinitingnan sya eh. Ano kaya yun?

"Kuya."

"AAAAAHHHH!!" Sigaw nya.

"AAAAAAHHHHHH!!" Sigaw ko din. Gaya gaya ako eh.

"AAAAAAAAAHHHHHHH!!" Sigaw nya pa lalo.

"Tama na. Tae! Bibili lang ako." Sabi ko at ngumiti. Para namang nahimasmasan sya at tumango tango. Baliw na si kuya. Hahaha.

"Ano bang tinitingnan mo?" Tanong ko pero umiling iling lang sya.

"May sumusunod kasi sakin na naka-itim na hood." Wala sa sariling sagot nya.

Napakunot naman noo ko. Nakaitim na hood? Parang nakakita na rin ako ng ganun noon ah.

Blood and ClawsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon