Chapter 11.

9 1 0
                                    

KYEL'S POV

Gabi na at oras na para matulog. Napagod ako sa laro namin kanina pero enjoy kasi kasama ko si Crush.

Haha! Kilala nyo naman na siguro kung sino crush ko noh? Kahit uber sa sungit yun gwapo pa rin yun. Haha halaaaaaay.

Umalis na nga pala sila Cohen kanina pa. Iniwan na nila kami dito. Ang panget daw kasi namin kasama. Ang sama nila noh?

Mas panget kaya sila. Di ba nila alam yun? Tsk. Ang ganda ganda ko kaya tapos sasabihan na panget kasama? How dare they?

Buti sana kung sila samantha lang yung sasabihan nya eh. Mas tanggap ko pa yun kasi panget naman talaga yung mga yun eh. Hahaha!

Pinikit ko ang mga mata ko pero saktong pagpikit ko nang mata ko ay may nag play na scene sa utak ko.

Hindi ko alam kung paano nangyari yun pero hinayaan ko nalang ang sarili ko na panoorin yung scene na yun na nangyayari sa isip ko.

Galing noh. Parang may sinehan sa loob ng utak ko. Pwede kayang manood ng porn dito? Haha joke lang.

Napangiti ako nang makita ko sa isip ko kami nila Sam, Ashley, Ako, Xander, Xavier, Cohen, Kiro at Lhiam na masayang nagtatawanan at nagkikwentuhan.

May mga times na naghaharutan kami at naglalambingan. Ang saya ng scene na yun. Para bang sinasabi nya na sa mga oras na yun ay magkakaibigan na kami at meron na rin syempreng nabuong relasyon sa pagitan namin.

Maya maya ay may isa pang scene na nag play sa utak ko. Masaya kami pero may biglang sisira sa sayang yun.

Sa scene na yun ay biglang nawala ang mga ngiti sa labi namin na kanina lang ay parang ayaw na mabura at napalitan iyon ng pagluha at... galit.

Yung sinasabi ng isip ko ay parang nagpapahiwatig. Merong traydor sa grupo namin. Merong sisira ng tiwala namin pero hindi ko matukoy kung sino. Hindi ko alam.

Napamulat ako. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at hinilot ang sintido ko. Ang sakit ng ulo ko. Bakit ganun?

Hindi ba panaginip ang tawag dun? Pwede bang managinip ng gising? Atsaka parang hindi sya panaginip eh. Para syang babala.

Napalunok ulit ako at napatingin kila samantha, ashley, xander at xavier na mahihimbing ang tulog.

Napailing nalang ako at napangiti. Hindi naman siguro mangyayari yung nangyari sa isip ko. Diba? Diba?

Mahihiga na sana ako nang mapatingin ako sa bintana ng kwarto na tinutulugan namin. Gabi na.

Ay hindi. Umaga pa. Kita mo na ngang madilim na tapos sasabihin mong gabi na pala. Hindi ba obvious?

Kita mo tong konsensya ko. Napaka-echosera. Bigla biglang nasingit eh. Tanggalin ko to eh.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa may bintana. Wala lang. Feel ko lang na tumingin sa labas eh. Bakit ba?

Mahangin ang paligid at walang kahit ni isang taong makikita. As in wala. Kakakilabot naman dito.

Maya maya ay may nakita nanaman ang mga mata ko. Madalas na tong mangyari sakin. Tumatalas yung paningin ko. Kasama ba talaga to sa ability ng isang hybrid?

Sa isang kislap ay may nakita akong parang mga anino. Madaming anino. Patungo sila sa Avadams Academy at dun nakita kong nakatayo sila Cohen, Kiro at Lhiam na inaabangan lang ang paglapit nung mga anino na hindi ko matukoy kung sino.

Ano ba yan. Nacucurious ako. Puntahan ko kaya? Aish.













THIRD PERSON'S POV

Malamig ang simoy nang hangin na tinatangay ang bawat sanga ng puno sa kagubatan na kinaroroonan nila Cohen, Kiro at Lhiam.

Nakaabang sila ngayon sa tapat ng kanilang eskwelahan sa pagdating ng mga Judges o ang mga bampirang naghahatol sa mga bampirang lumalabag sa batas.

May sariling batas ang angkan nila. Katulad nalang ng hindi pagpatol sa mga hindi nila katulad. Mapa-mortal man o immortal ito.

Nalaman kasi ng mga Judges na may nabubuhay pang hybrids at nag aaral pa yun mismo sa Avadams Academy.

Gusto nilang pag usapan kung pano nila ito papatayin sapagkat pag nabuhay pa ang mga hybrids na ito na hindi pa nila kilala kung sino ay tiyak na papatayin nito ang kanilang lahi.

Hindi yun maari sapagkat gusto pa nilang mabuhay sa mundong ibabaw at kahit sino naman ay di pa nais mamatay ng maaga. Hindi ba?

Alam nila na galit sakanila ang iba't ibang immortal na pinaslang nila ang lahi noon kasama na dun ang hybrids.

Hindi man gusto nila Cohen na patayin ang mga hybrids dahil pareho din naman nila itong bampira ay kailangan.

Dahil bilang pinuno ay isinasaalang alang lang nila ang kaligtasan ng kanilang angkan at gusto rin nila na kilalanin silang pinakamakapang yarihan sa lahat.

Kapag kasi hinayaan nilang mabuhay ang mga hybrids ay di na sila kikilalaning pinakamalakas. Makakaapak yun sa kanilang pride dahil simula't sapul palang ay kinilala na ang kanilang lahi na pinakamakapangyarihan.

"Asan sila?" Tanong agad ni Daimon. Ang pinunong judge sa lahat ng Judges.

Makapangyarihan din ito at kaya nitong sakupin ang lahat dahil kaya nyang mag control ng isip ng kahit sino. Maging sila Cohen man yun.

"Sa ngayon ay di pa namin sila kilala pero tiyak na kapag nalaman namin kung sino sila ay ipapaalam namin agad sa inyo." Sagot ni Kiro kaya ngumiti lang si Daimon dito.

"Siguraduhin nyo lang yun dahil kapag nakita ko sila ay tiyak na sa ilalim agad ng lupa ang kanilang bagsak." Pagkatapos nang kakila-kilabot na sabi nya ay umalis na sila sa harapan ng kinikilalang pinuno ng kanilang angkan.

Nakakailang hakbang pa lamang sila nang may maamoy na kakaiba si Daimon. Di hamak na mabilis talaga itong makakilala nang ibang amoy sa paligid dahil matagal itong sumabak sa mundo ng mga tao at mga immortal.

Ilang iglap lang ay nakita nya si Kyel na nagtatago sa likod ng isang malaking puno. Nagulat sila Cohen ng makita si Kyel dun pero agad din silang nakabawi sa pagkagulat at nilapitan si Kyel.

"Wag Daimon. Sakop namin sya." Pigil ni Kiro kay Daimon na alam nya na ang balak gawin.

Hindi nya muna binitiwan si Kyel na hawak nya sa braso. Tinitigan nya muna ito at pinagmasdan. May naramdaman syang kakaiba sa babaeng yun. Hindi normal na parang naramdaman nya na rin noon.

"Sino ka?" Tanong nya sa babaeng yun na nagpupumiglas na sa mahigpit nyang pagkakahawak.

"Ugh. Ako si.. Ako si.. Kyel Shen Evans." Sa wakas ay nasambit ni Kyel ang pangalan nya. Nasasaktan na talaga sya sa hawak ng lalaking di nya kilala at may kakila-kilabot na awra.

"Evans?" Ulit nya at nagsalubong ang kanyang kilay. Parang narinig nya na ang apelyidong yun pero hindi nya matiyak kung saan.

"Tama na. Bitiwan mo na sya Daimon." Mapang hamong tiningnan ni Kiro si Daimon kaya kahit hindi nito gustong bitiwan ang babaeng yun ay napabitiw sya.

Pamilyar Tanging nasabi ni Daimon sa sarili nya dahil pamilyar talaga sa kanya ang apelyidong yun ng babae.

Sino nga ba talaga ito at bakit kakaiba ang nararamdaman nya? Nakakapagtaka.

Blood and ClawsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon