KYEL'S POV
Akala ko sa labas lang kami nang classroom mag uusap pero nagkamali ako nang patuloy na naglalakad si Xavier at Xander sa kung saan.
Kahit di namin alam kung saan sila pupunta ay sinundan nalang namin sila. Siguro ito na yung pagkakataon para malaman namin yung misteryo nang Avadams Academy.
Masyado na kasing madaming tanong ang tumatakbo sa utak namin. Nakakacurious na talaga. Yung tipong pag di kami nakahanap ng kasagutan ay baka sumabog na yung utak namin.
Napahinto kami sa paglalakad nang huminto rin sa paglalakad si Xavier. Pansin ko na sya ang pinaka-jolly sa kanilang magkapatid.
Mas madaldal sya kumpara kay Xander na madalas na nakatahimik. Pareho naman silang mabait at sa tingin ko'y mapagkakatiwalaan sila.
"Dito na tayo," Sambit ni Xavier at lumingon sa gawi namin.
Napatingin ako sa hinintuan namin. Isang malaking puno na walang kahit ni isang dahon. Nag iisa lang to kaya naging kakaiba.
"Ano bang gusto nyong malaman?" Tanong ni Xander bago umupo. Ginaya rin namin sya kasi medyo malayo layo tong nilakad namin.
"Yung tungkol sa eskwelahan muna, bakit kakaiba sila tumingin? At bakit walang canteen?" Panimula ni samantha.
"Kakaiba tumingin ang mga estudyante sa eskwelahang to ay dahil halos lahat nang nag aaral dito ay bampira. Merong mangilan ngilan na tao pero hindi sila nagtatagal. Nalalaman kasi agad nila na ang pinagmumulan ng mga patayan ay dito mismo sa eskwelahan." Sagot ni Xavier at tumingin sa gawi ni Xander. Siguro senyas yun na sya naman ang magsalita.
"Walang canteen sa eskwelahan na to kasi hindi naman sila kumakain ng pagkain ng mga tao. Kumakain lang sila kapag dumating na ang gabi. Dun kasi sila nakakahanap ng tiyempo para pumatay. Kaya nga dapat hindi na kayo nagi-stay dito sa school kapag maggagabi na kasi delikado." Paliwanag naman ni Xander.
"Atsaka sigurado akong di na kayo magtatagal sa eskwelahang to." Sambit ni Xavier na nakapagpataas naman ng balahibo ko. Anong ibig nyang sabihin? Na mamamatay din kami agad?
"Ha?! Bakit mo naman nasabi yan?!" Nagpapanic na sabi ni ashley at may pahawak hawak sa dibdib effect pa.
Miski ako nagulat. Ayoko pa namang mamatay noh. Madami pa akong pangarap sa buhay. Ni hindi ko pa nga nakikita yung forever ko. Charot!
"Madami na kasi kayong nalalaman sa Avadams Academy." Simpleng sagot ni Xander.
"Anong nalalaman?" Pare pareho kaming napalingon sa bagong boses na nagsalita. Halos malaglag naman yung puso ko nang makita yung tatlong lalaki na sila Cohen, Kiro at Lhiam. Like, what the heck?! Anong ginagawa nila dito?
KIRO'S POV
"Anong nalalaman?" Biglang tanong ni Cohen sa limang taong nag uusap sa mismong tambayan namin.
Pagkalingon nila samin ay pare pareho silang nanlalaki ang mga mata. Ganun ba talaga sila nagulat sa pagdating namin? Tss.
"Uhh.. Uhm.. Cohen?" Tanong nung samantha at ngumiti ng alanganin.
Kung itatanong nyo yung narinig namin sa pinag usapan nila, pwes narinig lang namin yung salitang may nalalaman na sila sa Avadams Academy.
Alam namin na kung sino man ang may nalalaman na sa Avadams Academy ay hindi na muling makakalabas pa sa gubat na to.
Bilang isa sa mga pinuno ng mga bampira ay ayoko rin namang may magsumbong tungkol sa misteryo ng kagubatang to.
Ayokong mapahamak ang angkan ko. Ayokong magkaroon ng digmaan, sugurin ng mga tao ang teritoryo namin at marami ang masawi.
Walang ni isang nagsasalita samin. Lahat kami nagpapakiramdaman lang. Ang awkward ng atmosphere. Tss.
Di sinasadyang napunta ang tingin ko dun sa dalawang lalaking kasama nung tatlo. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang yun o may nakita talaga akong hawak nya na isang kutsilyo.
Hindi yun basta basta kutsilyo lang. Meron yung black aura sa gilid na simbolo na iyon ay makapangyarihan.
Dati ko nang nakita yun nung naganap ang digmaan sa pagitan ng mga vampires, hunters at mga werewolves.
Bata pa ako nun nang makita kong nasaksak ang papa ko nang kutsilyong yun. Kahit isang bahid lang yun ay tila ba napakalakas ng impact nun at nagawa nung wakasan ang buhay ng papa ko.
Ang sabi sakin, ang kutsilyo daw na yun ay ginagamit sa pagpatay ng mga immortals. Kadalasan, ang may hawak nun ay ang mga hunters. Sila ang mga pumapatay ng mga immortals.
Ipinikit kong muli ang mga mata ko bago idilat. Pero pagkadilat ko ay wala na yung kutsilyong yun. Hindi nya na hawak.
Siguro nga namamalikmata lang ako. Imposible namang magkaroon ng hunters dito sa eskwelahang to. Masyadong maraming bampira dito sa lugar na to at nandito rin kami.
Kami ang pinakamakapangyarihan sa lugar na to kaya siguradong kapag pumasok sila dito ay hindi na sila muling makakalabas.
"Mag-gagabi nanaman," Bulong ni Lhiam kaya napalingon kami sa kalangitan.
"Kayo." Turo ni Cohen dun sa tatlong babae at sa dalawa pang lalaki na kasama nila.
"Sumama kayo samin," Maawtoridad na sabi nya kaya tumayo naman yung lima sa pagkakaupo nila at sumunod kay Cohen.
Napakibit balikat naman ako kasi kahit ako hindi ko naman alam kung saan pupunta si Cohen.
A/N: Yes! Nakapag update din. Hahaha! Sa mga nag aabang dyan ng story ko, selemet se enye. Sa mga hindi, bahala kayo! Haha. Don't forget to VOTE, COMMENT AND BE A FAN! Salamuch!
BINABASA MO ANG
Blood and Claws
Vampir"Sa isang eskwelahan sa gitna nang kagubatan, magtatagpo ang di inaasahang magkasintahan." - Prophesy