Chapter 13

6 1 0
                                    

SAMANTHA'S POV.

Naglalakad ako nang mag isa papunta sa isang lugar na hindi ko mawari kung saan. Inilibot ko ang paningin ko sa lugar na yun.

Isa lang ang masasabi ko. Napakaganda ng paligid na yun. Para akong nasa isang paraiso dahil sa mga magagandang bulaklak na nakatanim sa paligid.

Meron ding mga hayop. Magandang tanawin at kung ano pa. Napakapayapa ng lugar na to. Parang ayoko nang umalis dito.

Ngayon ay naglalakad ako at sinusundan ang isang itim na paru paro. Ang ganda nang paru parong yun kaya gusto ko syang makuha.

Nakangiti ako ngayon at patuloy na sinusundan ang paru paro. Ang ganda talaga. Pero ang hirap makuha.

Natigilan lang ako sa pagsunod sa paru paro nang may makita akong isang pamilyar na pigura. Nakalahad ang mga palad nya sakin na tila ba niyayaya akong sumayaw.

Napangiti ako nang makilala ko kung sino sya. Nasisinagan ng araw ang kalahating parte ng mukha nya kaya lalo syang gumwapo. Lalo syang nagiging attractive sa paningin ko.

"Cohen.." Bulong ko nang malapitan ko sya at mayakap. Ang sarap sa feeling nang ganito. Na kayakap ko sya. Sana lagi nalang ganito.

"I love you." Dinig kong bulong nya kaya di ko maiwasang ngumiti at higpitan pa lalo ang pagkakayakap ko sakanya.

"I love you too Cohen." Naramdaman ko ang pag-ngiti nya bago kumalas sa pagkakayakap sakin.

"Promise me na hindi mo ko iiwan sam," Sabi nya habang nakangiti nang matamis sakin. Tumango naman ako na dahilan ng pag-ngiti nya.

Hindi ko kayang iwan ang lalaking to kaya sigurado ako na hinding hindi ko sya iiwan kahit na anong mangyari.

Naramdaman ko ang unti unting paglapit nang mukha nya sa mukha ko. May clue na ako sa gusto nyang gawin.

At dahil sa alam ko naman sa sarili ko na gusto ko rin to ay pumikit na rin ako at nagpaubaya sakanya.

Hindi mawala wala ang ngiti ko habang inaantay ang paglapat ng mga labi nya sa labi ko.

"SAMANTHA WAAAAG!" Napamulat ako nang may biglang sumigaw ng pangalan ko.

Halata rin sa reaksyon ni Cohen ang pagkagulat pero nanatili syang nakatingin sakin. At tila ba sinasabi ng mga mata nya na wag akong lumingon sa ibang direksyon.

Ako naman, hindi mapakali. At dahil sa kuryosidad ko ay napalingon ako sa isang parte ng lugar na kinaroroonan ko.

Doon ay nakita ko sila mama't papa na umiiyak at sinisigaw ang pangalan ko. Sa likuran nila ay may nakita ako na mga tao na nakasuot ng itim na hood. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila dahil madilim.

"Ma.. Pa.." Bulong ko at lalapitan ko na sana sila pero may humawak sa braso ko.

"Sam, nangako ka." Puno nang awtoridad na sabi ni Cohen at nababasa ko sa mukha nya ang pagmamakaawa.

"Cohen.. saglit lang," Pilit kong tinanggal ang kamay nya sa braso ko pero mas hinigpitan nya pa yun na dahilan para mapa-aray ako.

"C-Cohen.." Nakatingin ako sa mga mata nya at nagmamakaawa na tanggalin nya na yung pagkakahawak sa braso ko pero hindi nya ako pinansin at nanatiling masama ang tingin sakin.

"SAMANTHA!" Sigaw pang muli nila mama't papa kaya napalingon muli ako sa gawi nila.

Nagulantang ako nang mawala ang magandang view sa paligid at napalitan ng itim na awra. Unti unting nawala ang mga bulaklak at napalibutan ng kadiliman.

Nagsisimula na akong matakot at muling lumingon sa gawi ni Cohen na labis ko ring ikinagulat ang pagbabagong anyo.

Di ko na sya makilala sa wangis nya ngayon. Meron syang mahahabang pangil at kuko. Mapupulang mata at nakakatakot na itim na awra.

Blood and ClawsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon