SAMANTHA'S POV.
Inilibot ko ang paningin ko sa office nung matandang lalaki na may salamin. Ewan ko kung anong trip nya at tinawag nya kami para pumunta dito pero nacucurious ako tungkol sa sinabi nung lalaki kanina.
"So kayo sila Samantha Adams, Kyel Shen Evans at Ashley Jane Falcon, right?" Hala. Pano nya kami nakilala? Eh wala pa ngang nakakakilala samin sa lugar na to kasi bago palang kami at first time palang naming pumunta dito.
Nang hindi kami umimik siguro dahil na rin sa pagtataka ay nagsalita syang muli pero ngayon, nakatuon ang paningin nya sa librong hawak nya.
"Darating ang pagbabago. Nang dahil sa tatlong babaeng pilit ba tutuklas ng misteryo." Nakakakilabot na sabi nung matandang lalaki habang nakatingin pa rin sa libro nya.
"Sa isang eskwelahan sa gitna nang kagubatan, ay magtatagpo ang di inaasahang magkasintahan." Sabi nya pang muli bago isarado ang libro at tumingin samin. Bakas pa rin sa mukha naming tatlo ang pagkalito.
Kung anu ano kasi pinagsasabi nya. Wala naman akong maintindihan. Di ko alam kung may ibig sabihin ba yung mga pinagsasasabi nya pero sa tingin ko may gusto syang ipahiwatig.
"Sa tingin ko dumating na nga ang itinakda ng propesiya." Ano raw?
Tinuro nya kaming tatlo kaya naman nagkatinginan kami. Seriously, naloloka na ako. Ang wierd nya na masyado.
"Kayong tatlo ang pilit na tutuklas sa misteryo nang eskwelahang to. At kayong tatlo ang makakatuklas sa mismong sikreto ng pagkatao nyo." Sabi nya pang muli bago tumayo at lumabas ng opisina nya. Naiwan kaming naguguluhan at maraming katanungan. Wow! Magkatunog yun ah. Infairness!
"Ano bang pinagsasabi nya?" Tanong ni Ashley at hinimas ang noo nya.
"Naguguluhan ako. Ano bang ibig sabihin nun? Misteryo? Sa eskwelahang to? Sikreto sa pagkatao natin? Seriously?!" Inis na napasambunot ako sa buhok ko. Eh sa naguguluhan na ko eh.
Si Kyel nanatiling tahimik. Sa tingin ko, iniisip nya rin yung pinagsasabi nung matandang lalaki kanina. Well, hindi ko sya masisisi. Nakapag pagulo kasi talaga ng utak.
"Ang ibig nyang sabihin.. May misteryo sa eskwelahang to," Biglang pagsasalita ni kyel at tumingin saming dalawa ni ashley.
"At tayo ang makakatuklas nun." Pagkasabi nya nun ay bigla syang tumayo at lumapit dun sa desk nung matandang lalaki.
Kinuha nya yung libro at binuklat yun. Nagulat kami nang makita syang suminghap kaya dahil sa kuryosidad ay lumapit kami sa kanya at tiningnan din yung libro.
Kumunot ang noo ko. Walang sulat yung libro. Kahit saang pahina namin tingnan, wala talaga. Kahit na isang katiting na letra.
Pero bakit may binabasa yung matanda? Hindi kaya gawa gawa nya lang yun? Pero imposible. Aish! Ano ba yan!
***
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa classroom namin. Nanatili kaming tahimik. Lahat kami malalim ang iniisip.
Kung iniisip nyo, yung nangyari pa rin kanina ang iniisip ko pwes mali kayo. Nagugutom na kasi ako kaya puro pagkain na yung laman ng utak ko. Haha!
Pagkapasok namin sa classroom namin ay nagulat kami kasi sobrang tahimik. Hindi to ordinaryo sa isang classroom na walang teacher. Di ba dapat nag iingay at nagdadaldalan sila? Pero hindi eh. Tahimik lang sila.
Natuon yung pansin nila samin nang tumigil kami sa may pintuan. Lahat sila nakakatakot yung tingin. Malalalim ang mata nila. Iba iba yung kulay. Nakakapagtaka.
Hindi kaya may lahi yung mga nag aaral dito? Baka mga english speaking. Patay! Yung iba normal lang yung mata. Yung iba naman parang may kakaiba.
Inilibot ko pa ang paningin ko sa classroom at nagulat ako nang malamang kaklase namin yung tatlong lalaki na nakausap namin kanina. Yung Royal Blood's daw?
Pati silang tatlo. Kakaiba kung tumingin. Parang kakain sila ng tao. Geez! Easy lang naman. Parang mga highblood tao dito.
Naghanap kami nang bakanteng upuan na pwedeng maupuan at dahil siniwerte kami, meron pa naman kaso nga lang nasa harapan nung tatlong lalaki na Royal Blood's daw.
Hayaan na yan. Alangan namang magpa-choosy pa kami eh wala na ngang ibang bakanteng upuan. Pabebe pa ba kami eh gwapo naman yung nasa likuran namin.
Ano daw? Hindi ko sinabi yun ah.
"Ang tahimik." Bulong ko. Narinig naman nang dalawa yun kasi nasa gitna nila ako.
"Oo nga. Kakaiba talaga tong school na to." Bulong pabalik ni ashley sakin. Tsk. Sinabi nya pa.
"Hi, pwede makiupo?" Napalingon naman kami sa lalaking nakatayo sa harapan namin.
Dalawa silang lalaki at sakto may dalawang bakanteng upuan pa sa tabi ni Kyel. Grabe! Uso ba talaga ang gwapo sa school na to? Bat ang gagwapo din nila?
Tumango naman kami at ngumiti. Malay mo, new friends diba? Haha. At dahil sa madaldal ako at gusto kong magtanong ay kinalabit ko yung katabi ni Kyel.
"Anong pangalan nyo?" Tanong ko habang nakangiti.
"Ako si Xavier at eto ang kapatid kong si Xander." Pagpapakilala nya kaya tumango ako.
"Ako naman si samantha, eto si kyel at eto naman si ashley." Pagpapakilala ko rin kaya tumango sya at ngumiti.
"Nice meeting you." Sabi nya. Ang cute nya! Hala!
"Uhm.. May itatanong lang," Biglang singit ni Kyel sa usapan kaya napatingin sakanya si Xavier at Xander.
"Ano yun?" - Xander
"Transferee ba kayo dito?" - Kyel
"Ah oo. Transferee lang kami. Bakit?" - Xander
"May itatanong lang sana ako kung may alam ba kayo sa eskwelahang to, kanina kasi may wierd na lalaki na kung anu ano ang sinasabi samin pero hindi naman namin maintindihan." Pagkikwento ni Kyel.
"Hmm.. Ang sabi nga nila may pagka-wierd ang eskwelahang to at madalas madaming nangyayaring pagpatay dito," Si Xavier na ang sumagot.
"Sa tingin mo, ano yun?" Tanong ni Ashley at pumangalumbaba.
"Ano ang alin?" Tanong din ni Xander.
"Yung wierd na bagay na nangyayari sa eskwelahang to? Kasi unang pasok palang namin dito. Kakaiba na yung feeling eh. Nararamdaman nyo rin ba yun?" - Ashley
Napansin ko ang pagtitinginan nang dalawa dahil sa naging tanong ni ashley. Pakiramdam ko may alam sila pero parang ayaw nila sabihin. Tsk.
"Uhm andyan na si prof." Pag iiba ni Xavier nang topic kaya di na kami nag abalang mangulit pa kasi dumating na nga talaga yung prof namin.
Ang wierd din nang dalawang to. Lalo tuloy nadagdagan yung kuryosidad ko. Di ko na alam pero sa tingin ko, hindi ako matatahimik hangga't di ko nalalaman ang misteryo sa eskwelahang to.
A/N: Don't forget to vote, comment and be a fan. Love ya fellas!
BINABASA MO ANG
Blood and Claws
Vampir"Sa isang eskwelahan sa gitna nang kagubatan, magtatagpo ang di inaasahang magkasintahan." - Prophesy