Chapter 9.

19 1 0
                                    

LHIAM'S POV

Hay salamat. May POV din pala ako? Hahaha. Akala ko nakalimutan na ni author yung kagwapuhan ko. Tsk.

By the way, naglalakad nga pala kami ngayon papunta sa kung saan. Ewan ko ba dito kay Cohen. Akala ko nga makakapatay nanaman kami ngayong araw eh kaso hindi naman sya nagsabi na patayin namin yung lima.

Ang alam ko kasi kapag alam na ni Cohen na may mortal na nakakaalam ng sikreto ng eskwelahang pinapasukan namin ay kailangan nang patayin.

Masyadong delikado para sa angkan namin na buhayin pa sila. Baka kapag hinayaan namin silang mabuhay ay kami at ang angkan naman namin ang mamatay.

"Dito?" Tanong ko nang malaman kung saan kami dinala ni Cohen.

Eto yung bakanteng bahay na wala nang nakatira. May mga gamit dito at maayos naman yung istura ng bahay na to pero wala namang nakatira. Ewan ko nga kung sino yung siraulong nagpagawa nito eh. Gagawa gawa nang bahay tapos di titirhan.

"Di obvious?" Masungit na sabat ni Kiro at inirapan pa ako. Aba aba! Siga to ah.

Nauna nang pumasok si Cohen kaya sumunod nalang kami sakanya. Binuksan nya yung ilaw at nakita naman namin yung kabuuan ng bahay.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong nung isa sa mga kasama nila samantha na lalaki pero di ko naman kilala.

"Baka sasayaw? Mukhang bar eh." Pamimilosopo ko sakanya. Nakita kong sinamaan nya ako nang tingin pero di ko nalang pinatulan. Mabait ako eh.

Baka kapag pinatulan ko yan, mamatay pa yan ng maaga. Kawawa naman sya.

"Dahil may alam na kayo sa eskwelahang to.." Panimula ni Cohen at kumuha ng kutsilyo.

Mukha namang natakot yung tatlong babae pero yung dalawa nilang kasama ay prente lang nakatingin kay Cohen.

May something sa dalawang to na di ko masabi. Feeling ko kakaiba sila. Mainit dugo ko sakanila eh.

"A-Anong gagawin mo dyan?" Tanong ni ashley na halatang kinakabahan na.

"Baka ipangsusubo? Mukhang kutsara eh." Pamimilosopo ko kaya tinaasan nya ako ng kilay.

"Di kita kausap. Bwisit!" Aba aba! Kaya mainit din dugo ko sa babaeng to eh. Ang lakas ng loob na sagut sagutin ako. Pugutan ko sya ng ulo dyan eh.

"Eh bakit? Ikaw din ba kausap ko?" Naiinis na sagot ko rin. Bumehlat lang sya kaya binehlatan ko rin sya. Edi ako na ang prinsipe ng mga bampira na isip bata.

"Bibigyan ko kayo ng choice, manatili o mamatay?" Tanong ni Cohen.

"Syempre manatili!" Walang isip isip na sagot ni samantha.

"Kapag manatili ang pinili nyo, pumapayag kayo sa kasunduan natin na hindi kayo magsasalita tungkol sa mga nalaman nyo. Hindi kayo lalabas sa kagubatang ito at lalong lalo na na hindi nyo kami babaliktarin kasi kung sakaling mangyari yun, dun na papasok ang isa pang choice, ang mamatay. Papatayin namin kayo para di na kayo makapagsumbong pa at para di rin mapahamak ang mga angkan namin sa lugar na to." Maawtoridad na sabi ni Cohen. Ngayon palang pansin ko na na nararapat talaga syang tanghalin na prinsipe ng mga bampira.

"Bakit? Sino ba kayo?" Tanong nung isa sa mga lalaking kasama nila samantha.

"Kami lang naman ang Royal Blood Vampires. Kami ang namumuno at pinakamakapangyarihan sa lugar na to." - Kiro

"Nakasisigurado ka ba na kayo ang pinakamakapangyarihan?" Mapanghamong tanong nung isa pa. Aba aba! Kapag ako di nakapagtimpi, gigilitan ko to ng buhay.

Hindi umimik si Cohen. Pinagmasdan nya lang yung dalawa at nakipagtalasan ng tingin. Sa tingin ko, ramdam nya rin na may kakaiba sa dalawang lalaking to.

Mabilis ang pangyayari. Mabilisang dinampot ni Cohen ang kutsilyo at ibinato yun sa isang lalaki. Sapol sya sa balikat.

"Xander!" Sigaw nila samantha, kyel at ashley.

Ah. So Xander pala ang pangalan nya. Tsk. Buti nga sakanya. Pasalamat pa nga sya at balikat lang yung natamaan sakanya at hindi puso.

"Sa susunod, mag ingat ka sa mga sinasabi mo kung gusto mo pang magtagal sa lugar na to." Matalim ang titig na sabi na sabi ni Cohen.

Umupo sya sa isa sa mga upuan. Ginamot naman nila samantha yung sugat ni Xander na matalim pa rin ang tingin samin. Ang angas talaga ng isang to.

"Pwede bang patayin na natin yan? Ang angas eh," Bulong ko.

"Hindi pa muna. Sa tingin ko may kailangan pa tayong malaman sa dalawang yan." - Kiro.

Napangiwi naman ako. Sayang naman. Tsk. Gusto ko nang pugutan yung animal na lalaking yan eh. Ayoko pa naman sa lahat yung nagtatapang tapangan kahit wala namang palag.





ASHLEY'S POV.

HInugot ni Xavier yung kutsilyo na nakabaon sa balikat ni Xander. Tsk. Ano ba naman kasi yan si Xander eh. Kung anu ano kasi sinasabi.

"Ang yabang mo kasi eh!" Puna ko sakanya.

"Tss." Sagot nya lang. Kinuha ko naman yung alcohol ko sa bag at binuhusan yung sugat nya. Sa sobrang sakit, napasigaw sya at sinapak ako.

Charot lang. Hindi nya ako sinapak pero totoong napasigaw sya. Ikaw ba naman biglang buhusan ng alcohol sa sugat?

Pero di bale na, mas masakit, mas masarap. Hahaha. Ansavee?

"Bakit mo binuhos?!" Sigaw nya pero nag peace sign lang ako.

"Sa una lang naman masakit eh." Nakapout pa na sabi ko.

"Baliw." Komento din ni Kyel na nasa tabi ko lang. Ano daw? Ako? Baliw? Sapak gusto nya?

Matapos naming gamutin si Xander ay napatingin ako sa gawi nila Cohen, Kiro at Lhiam na prenteng nakaupo lang at nakatingin sa direksyon namin. Nakakatakot talaga sila tumingin. Lalo na ngayong nalaman ko na bampira sila at hindi lang basta basta bampira kundi prinsipe pa.

Nilalaro laro lang ni Lhiam yung kutsilyo at nakatingin sa gawi ko. Na-shock ako syempre. Ang sama ng tingin nya eh. Pero di naman ako natatakot sa kanya. Ewan ko kung bakit pero sa kanilang tatlo, sakanya ako mas hindi natatakot.

"Uhm. Kahit papaano gusto naming magpasalamat sa inyo Co--" Panimula ni samantha pero pinutol sya ni Kiro.

"Young master cohen, you should call him that. Lalo na ngayong hawak namin ang buhay nyo," Maawtoridad na sabi ni Kiro kaya naman tumango tumango sila Cohen at Lhiam.

Tsk. Dami namang alam. May pa-young master young master pa. Kung hindi lang sila prinsipe baka sinipa ko na sila papuntang mars eh.

"Okay, okay. Thank you YOUNG MASTER Cohen, Kiro at Lhiam. Thank you kasi hinayaan nyo kaming mabuhay." Nakangiting sabi ni Samantha pero halatang fake lang.

"Sino nagsabing bubuhayin namin kayo? Lahat nang to may kapalit." Nakangising sabi nung Lhiam na pinakamukhang trouble maker sa kanila. Napasalubong naman yung kilay ko. Kapalit? Anong kapalit?











A/N: Hayy.. Ayan na. Chapter 9. Sino kaya at ano kaya ang tunay na katauhan nila Xander at Xavier? Abangan nyo yan sa mga susunod na Chapters at ano kaya ang kapalit na sinasabi ni Lhiam? Basta abangan nyo nalang. Bwahahaha!

Blood and ClawsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon