Chapter 5.

14 1 0
                                    

KYEL'S POV.

Natapos ang klase namin nang ganun kabilis. Pati profesor namin nakakatakot kung makatingin. Minsan nga nahuhuli ko na tumitingin sya sa direksyon namin. Di ko tuloy maiwasang isipin na may gusto sya samin.

Nag unat unat ako kasi nangalay yung likuran ko sa kakaupo. Saktong pag unat ko ay may nahagip akong parang anino na nakasilip sa pinto.

Nang tingnan ko sila samantha ay busy sila sa pagliligpit ng mga gamit nila. Ganun din sila Xavier at Xander kaya kahit kinakabahan man ay ako na ang kusang lumapit dun sa anino.

Hindi ko maaninag ang mukha nya pero napansin ko ang mapupula nyang mga mata. Di kaya nakadrugs to?

Nang malapit ko nang maaninag ang mukha nya ay bigla nalang sya umalis at tumakbo palayo. Syempre tumakbo din ako.

Pero pagsilip ko ay wala na sya. Ganun kabilis? Paano naman sya nakaatakbo agad nang ganun kabilis?

Kusang gumalaw ang mga mata ko at sa di ko inaasahang pangyayari ay nahagip sya ng mga mata ko. Tumatakbo sya papunta sa mapunong parte na nang gubat.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko at natatanaw ko sya kahit sobrang layo nya na sa kinatatayuan ko.

Sobrang talas ng paningin ko pero sa pagkakaalam ko, hindi ako mahilig kumain ng kalabasa.

Nakikita ko kung gano sya kabilis tumakbo. Ang bilis nya at walang normal na tao ang makakagawa nun. Di kaya totoo nga ang sinasabi nilang bampira? Pero imposible eh! Di naman yun nag eexist.

Nagulat ako nang makita syang tumingin sa direksyon ko. Isa syang babae. Mapupula ang mga mata at may..... Pangil?

Ngumisi sya sakin na ikinagulat ko rin. Alam nya kayang nakikita ko sya? Paano?

"Kyel?" Nabalik naman ako sa katinuan nang magsalita si samantha sa tabi ko.

Napalingon ako sakanya at ngayon ko lang din napansin na nakasunod sakanya si ashley at yung dalawang magkapatid na sila Xavier at Xander.

"Ayos ka lang? Sinong tinitingnan mo?" Tanong ni ashley at sinubukang silipin ang bagay na tinitingnan ko.

"Puro puno lang naman nakikita ko. Wag mo sabihing, nahilig ka na sa nature?" Tanong nya pa ulit kaya umiling nalang ako at ngumiti.

"Wala. Ayos lang ako."

Tumango naman sila sa naging sagot ko. Nagpaalam na rin sila Xavier at Xander samin kasi may pupuntahan pa daw sila. Pumayag naman kami since kaya naman namin mag isa.

"Uy nakalimutan ko, nakalock pala yung van. Pano na tayo nyan?" Biglang sabi ni sam nang maglalakad na sana kami papunta dun sa pinag iwanan namin ng sasakyan.

"Hala oo nga!" Biglang pagpapanic ni ashley habang nakatutop pa sa bibig nya.

"May estudyante pa ba dito?" Tanong ko at inilibot ang paningin sa kabuuan ng campus.

Mukhang wala nang tao. Malapit na ring maggabi kaya siguro nagsiuwian na sila. Pano na kami nito? Alangan namang lakarin namin yung gubat papunta sa ciudad?

"Maghanap tayo nang pwedeng tumulong satin." Suhestiyon ko na tinanguan lang nila kasi wala naman silang ibang naiisip na paraan.

Sinubukan naming maglibot sa campus pero nagutom nalang kami at lahat lahat pero wala pa rin kaming nakikita kahit ni isang anino man lang.

Pambihira naman kasi tong eskwelahang to. Walang breaktime! Walang canteen! Saan ba kayo nakakita nang eskwelahang walang canteen?

Pesteng Avadams! Hindi ba nakain mga tao dito?!

"Hoy."

"AY HALIMAW!" Napahawak ako sa dibdib ko nang may marinig akong nagsalita.

Ang tahi tahimik ba naman kasi nang paligid tapos biglang may magsasalita. Hindi ka ba magugulat nun?

Pero sabi ko nga ako lang ang OA kasi itong mga kasama ko, nanlaki lang ang mga mata pero hindi sumigaw. Tss.

"Lalo mo kong ginulat nung sumigaw ka. Tsk." Inis na sabi sakin ni ashley kaya nag pout nalang ako.

"Anong ginagawa nyo dito? Maggagabi na ah." Napalingon kami sa pinanggalingan nang boses at si kuyang pogi lang pala.

Naalala nyo yun? Yung lalaking katapat ko nung kinakausap namin yung mga Royal Blood's? Ayun sa pagkakarinig ko ay Kiro Stan Den Bavin ang pangalan nya.

Wala eh! Tsismosa ako kaya alam ko. Tapos alam ko na rin yung pangalan nung leader nila, si Cohen Kaje Tan. Yung pinakagwapo.

Tapos yung pangalan naman nung nang alaska kay ashley ay si Lhiam Andrew Salvador. Sya yung nakita namin na nakasandal sa may puno tapos may headset pero sa leeg naman nakasabit.

Oh diba? Galing kong makitsismis. Oh well, minana ko yan sa aking dakilang mga ninuno nang kagandahan. Bwahaha!

"Delikado na dito pag gabi." Sabi nya pa.

"Wow! Concern ka? Thank you!" Ngiting ngiting sabi ko sakanya at nilapitan sya. Oo na, ako na makapal mukha.

Eh bakit ba? Dito ako masaya eh. Di kasi ako mahilig magpanggap. Gusto ko pinaprangka ko yung tunay kong emosyon. Hindi yung kunwari nahihiya pero gusto rin naman.

"Di ako concern," Lumayo sya sakin kaya napapout ako. Hindi naman ako mabaho ah?

Maya maya pa ay dumating na yung mga kasamahan nya. Sila Cohen at Lhiam. Halatang nagulat sila nang makitang nandito pa kami. OA lang?

"Umalis na kayo dito." Pagtataboy samin ni Lhiam at tumingin ng masama kay Ashley. Grabe! Init nang dugo nito sa kaibigan ko ah?

"Hoy! Ang bastos mo rin eh noh?! Bakit? Pag mamay ari mo ang school na to?! Kung makapagpalayas ka ah." Bulyaw ni ashley sakanya pero umirap lang sya.

"Kailangan nyo nang umalis." Kalmado pero may awtoridad na sabi nung leader nila na si Cohen.

"Pero hindi kami makakaalis. Nakalock yung van namin at hindi namin yun mabuksan kasi naiwan ko yung susi sa loob." Nahihiyang sabi ni samantha. Palibhasa kasi kasalanan nya kung bakit kami naghahanap nang tutulong samin ngayon.

"Ano?! Sino ba namang tatanga tangang driver ang mag iiwan nang susi sa loob ng van?!" Sigaw ni Cohen at nauna nang maglakad samin.

Sumunod sakanya yung dalawa pa kaya wala naman kaming ibang nagawa kundi sundan din sila. Baka malay mo, tulungan nila kami diba?

Kahit di ko alam kung papaano nila nalaman kung saan nakapwesto yung van namin ay nagpapasalamat pa rin ako kasi tutulungan nila kami.

Walang imik na hinila lang ni Cohen yung pintuan nang van. Nagbukas yun. Shitness! Pano nya nagawa yun?

Nasira yung lock nang sasakyan pero pwede naman naming ayusin yun. Ang tanong lang, pano nagawang buksan ni Cohen yun nang walang kahirap hirap?

Ganun sya kalakas? Infairness ha! Baka nag-gigym to lagi. Ang lakas eh.

Magpapasalamat palang sana kami sakanila nang may biglang tumunog nang pagkalakas lakas. Isang nakakakilabot at makataas balahibong tunog.

"Ano yun?" Tanong ni samantha pero tiningnan lang sya sandali ni Cohen at patakbong umalis.

Sabay sabay silang tatlong tumakbo palayo samin. Ang bibilis nila. Hindi kami nakakibo agad dahil sa mabilis na pangyayari.

"Anong ibig sabihin nun? Bakit ang bibilis nilang tumakbo?" Takang tanong ni ashley pero tiningnan lang namin sya ni sam.

Kahit ako di ko alam. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Bwisit! Ang dami kong katanungan pero wala akong mahanap na kasagutan.







A/N: Oh easy lang. Haha! So ayun, sana nagustuhan nyo. Don't forget to vote, comment, follow and be a fan! Yehey! Malapit na nilang malaman ang sikreto. Watch out guys.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blood and ClawsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon