A/N: Ooops! Before you read this, basahin nyo muna ulit yung chapter 6 kasi inedit ko yun. Baka kasi maguluhan kayo eh. Haha! Thanks.
THIRD PERSON'S POV.
Dahan dahang binuksan ng isang babae ang pintuan sa kwarto nang kanilang batang pinuno. Mula sa kinatatayuan nya ay tanaw nya na nakatalikod ito sa kanya at nakaupo sa upuan nito na animo'y may malalim na iniisip.
"Young master cohen," Tawag nya dito.
Ilang saglit itong hindi umimik bago dahan dahang hinarap siya. Bakas sa mata nito ang nakakatakot na aura. Ganito sya sa lahat.
Mas gusto nyang ipinakikita ang nakakatakot nyang aura sapagkat katunayan iyon na isa sya sa mga pinakamalakas na uri ng bampira.
Hindi iyon maitatanggi ng babae. Isa si Cohen sa mga inihalal na prinsipe ng mga bampira bukod sa mga kaibigan nito na sila Kiro at Lhiam.
Hindi rin naman maitatanggi na sa tatlong prinsipe na inihalal ay si Cohen ang pinakamalakas. Pinakamabilis naman si Kiro at pinakamataas tumalon si Lhiam.
Silang tatlong prinsipe ay may kanya kanyang abilidad na kapag pinagsama sama ay tiyak na hindi matatalo nang kahit sino mang bampira.
"May nais po akong ipaalam sa inyo," Yumuko sya para magbigay galang sa prinsipe bago muling tumingin dito.
"Ano yun?" Malamig ang boses nito na dahilan kung bakit isa man sa mga alipin sa bahay na tinitirhan nito ay natatakot.
"Meron pa pong nabubuhay na hybrids." Balita nya. "Nakita ko po sila sa mismong eskwelahan na pinapasukan nyo at yung isa pa nga po ay sinundan ako nang tingin habang tumatakbo ako palayo. Sa tingin ko po'y may mga abilidad din sila."
Napatayo mula sa kinauupuan nya si Cohen at inilapag ang basong hawak na may lamang dugo.
Ang hybrids ay isa sa mga mortal nilang kaaway. Hindi man niya alam kung bakit naging isa to sa mga mortal nilang kaaway ay alam nyang may malalim na dahilan dun.
Matagal na nilang inubos ang lahi ng mga hybrids, werewolves at kung ano pa na kumakalaban sa kanila.
Alam nila na di hamak na mas malakas ang mga hybrid kesa sa kanilang pinuno na mga Royal Blood Vampires. Half vampires at Half lycans ang mga hybrids. Isang uri din ng bampira pero hindi pwedeng may mas makalamang pa sa mga prinsipe ng bampira kaya hangga't maari ay papatayin nila ito.
"Sino sila?" Tanong ni Cohen sa babae na ngayon ay di na makaimik.
"Pasensya na po young master pero hindi ko po sila kilala." Sa isang iglap ay nasa harapan nya na si Cohen at agad syang sinakal at itinaas sa ere.
"Magbabalita ka na nga lang, hindi ka pa kumpleto ng impormasyon!" Bakas sa mata nito ang galit dahilan para matakot ng husto ang babae.
"P-Patawad... Young master.. H-Hindi na mauulit..." Hindi makahingang sabi nya. Puno ng pagmamakaawa ang mga mata sapagkat alam nya na walang sinasanto ang bampirang ito na nasa harapan nya.
"Talagang hindi na mauulit," Nang masabi iyon na cohen ay pinihit nya ang ulo ng babaeng yun na nalagutan din ng hininga.
Iniwan nya yun na nakahandusay na sa sahig bago sya tumingin sa bintana nang kanyang kwarto at tanaw na tanaw dun ang bilog na bilog na buwan.
"Papatayin ko ang mga lahi nyo, hybrids." Bulong nya sa kanyang sarili bago uminom sa baso nya na may lamang dugo.
SAMANTHA'S POV.
Nagising ako na puro puno at damo ang nakikita ko. Napasapo ako sa noo ko. Nasaan ba ako? Bakit parang lumulatang ako sa ere?
Dun ko na narealize na nasa itaas ako nang isang puno. Agad agad akong nagpanic at dahil dun ay nahulog ako.
"Aray.." Reklamo ko habang hawak hawak ang likod ko na napwersa sa pagbagsak.
"Sam," May biglang humawak sa balikat ko at nalaman kong si kyel yun at nasa likuran nya si ashley.
"Bakit tayo nandito? Anong nangyari?" Tanong ko.
Bigla namang nag flashback sa utak ko yung nangyari kagabi. Yung pagbabago namin nang anyo at ang pagpatay namin ng mga bampira.
Napahawak ako sa noo ko. Eto na ba yung sinasabing misteryo nung matandang nakasalamin sa campus? Totoo ba talaga ang mga bampira na to?
Naalala ko pa nung pinatay ko yung bampira ay bigla syang naging abo at tinangay ng hangin ang abo nya na ang tanging naiwan lang ay ang suot suot nyang itim na hood.
"Anong nangyari satin kagabi?" Tanong ko pa rin.
"Hindi ko alam pero hahanap ako ng paraan para masagot ang tanong na yan." Sabi ni kyel at tinulungan na akong tumayo.
"Sa ngayon pumasok muna tayo. Malapit nang mag start yung klase." Sabi ni ash kaya wala naman kaming nagawa kundi sumunod nalang at pumasok na nga sa school.
***
"Saan kayo galing?" Bulong samin ni Xavier nang makaupo na kami sa upuan namin.
"Uhh.. Uhm.. Sa tabi tabi," Sagot ni kyel kaya tumango tango nalang si Xavier pero bakas sa mukha nya na hindi sya kuntento sa sagot ni kyel.
Buong klase habang nagdidiscuss yung prof ay napansin kong patingin tingin pa rin sya samin. Lutang ang utak ko. Ang dami pa ring tanong sa isip ko. May mga bampira nga. Totoo sila.
Kung merong mga bampira na sumugod samin kagabi eh ano namang meron sa eskwelahang to? Di kaya may mga bampira din na nag aaral dito?
Isa pang katanungan, anong nangyari sa amin kagabi? Bakit kami nag ibang anyo? At bakit may sinabi yung isang bampira na hybrids daw kami? Ano ba ang hybrids at pano kami naging hybrids?
Posible kayang alam to nila mommy't daddy? Dapat ko ba silang tanungin? Pero pano kung totoo nga yung sinabi nung bampira na hybrids kami? Anong magiging reaksyon ko?
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bago pa ako mabaliw ng tuluyan sa mga tanong ko kailangan ko nang umalis sa eskwelahang to. Baka ito pa yung maging dahilan ng kamatayan ko. Ayoko pa mamatay.
Siguro nga pangarap ko na makatuklas ng misteryo, makaranas ng adventures at makakita ng mga bagay na hindi nag eexist sa totoong buhay pero dati lang yun. Hindi na ngayon.
"Sam, tapos na yung klase. Tulala ka pa rin dyan." Sabi ni ashley na nakapagpabalik naman sakin sa katinuan.
"Xavier, Xander may tanong ako. Ano ba ang alam nyo sa eskwelahang to?" Tanong ko.
"W-Wala kaming alam sa eskwelahang to sam. S-Sorry," Nag iwas sya nang tingin at napansin ko rin ang sunod sunod na paglunok nya.
"Xavier at Xander alam kong may alam kayo. Please.. Sabihin nyo." Pagmamakaawa ko sakanya. Napabuntong hininga naman sya bago tumingin samin.
"Sa labas na tayo mag usap," Sabi lang nya at nauna nang lumabas ng classroom.
A/N: Don't forget to vote, comment, follow and be a fan. Sa lahat nang may tanong, feel free to ask.
BINABASA MO ANG
Blood and Claws
Vampier"Sa isang eskwelahan sa gitna nang kagubatan, magtatagpo ang di inaasahang magkasintahan." - Prophesy