SAMANTHA'S POV.
Kumakain kami ngayon nang biniling pagkain nila Cohen para samin. Ang bait nga nila eh. Hahaha!
Kaso nga lang pinaglinis nila kami ng buong campus kanina. Yun yung kapalit na sinabi ni Lhiam. Kinabahan ako nun kanina eh. Akala ko kung ano na. Akala ko mawawala na agad yung virginity ko eh. Hahaha.
Grabe sa grabe kung mag utos. Halos tatlong oras nga kaming naglinis eh. Gutom na gutom na kami. Buti nalang nakaramdam yung tatlo at binilhan kami ng pagkain.
Nandito kami ngayon nila kyel, ash, xander at xavier sa van. Dito namin naisipang kumain kasi wala lang. Trip lang namin. Walang basagan ng trip.
Yung tatlo pinabayaan lang kami pero binilinan nila kami na kapag malapit nang maggabi ay umuwi na kami agad.
Dun daw kasi yung oras na lumalabas yung mga bampira. Baka daw mapahamak pa kami nang wala sa oras. Concern din sila noh? Haha. Buti naman.
Nagkikwentuhan lang kami at nagtatawanan nang may marinig nanaman ako. Napatigil nga ako sa pagtawa eh kaya napatingin sila sakin.
"Bakit?" Tanong ni Xavier at nag aalalang tiningnan ako.
"Uhh.. Wala, wala." Pagdedeny ko. Bigla kasing nawala yung tunog. Kaya di ko nalang pinansin. Baka kasi kung ano lang yun.
"Uh guys? Uwi na tayo." Sabi ko at bumaba na nang van. Nagtaka naman sila pero di rin nagtagal ay pumayag na rin sila na umuwi na.
Naglalakad na kami ngayon pabalik dun sa bahay na tinutuluyan namin ngayon. Lumalamig nanaman yung simoy nang hangin. Aish.
"Sandali." Biglang sambit ni Kyel na para bang may tinitingnan. "Parang nakita ko sila Cohen."
Napatingin naman kami sa tinitingnan nya pero wala namang tao dun. Nagsimulang maglakad si Kyel papunta sa kung saan.
"Anong nangyayari sakanya?" Tanong sakin ni Xander pero nagkibit balikat ako. Hindi ko naman kasi talaga alam ang sagot.
Nagtataka na nga rin ako sa sarili ko at pati na rin sa mga kaibigan ko. May kanya kanya kaming kakaibang nararanasan. Ewan ko kung parte ng puberty to pero hindi normal.
"TULOOOOOOONG!" Napalingon ako bigla sa kung saan. May naririnig nanaman akong nanghihingi ng tulong. Shitness. Eto nanaman yung tenga ko.
Lalakad palang sana ako sa parte na pinanggalingan ng tunog pero may biglang humarang sa dinaraanan ko.
"Cohen?"
"Saan ka pupunta?" Tanong nya at tumingin sa likuran nya. Napansin kong nagsalubong kilay nga bago ako tingnan.
"Anong meron dun?" Tanong nya pa pero di ko alam kung anong isasagot.
"Oh andito na pala kayo." Napalingon ako sa biglang nagsalita. Si Ashley pala. Lumingon ulit ako kila Cohen na ngayon ay kasama na rin sila Kiro at Lhiam.
"Umuwi na tayo." Sabi ni Lhiam kaya nagsisunuran na rin kami sakanila.
"TULOOOOOOONG!" Muli kong narinig yung ingay kaya napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa madilim na parte nang gubat na yun.
Dun ko din natagpuan yung bangkay nung isang lalaki nung unang punta namin dito sa gubat. Nacucurious ako kung anong nangyayari dun. Gusto kong puntahan pero..
"Halika na." Hinila na ako ni Cohen mula sa kinatatayuan ko. Wala na pala yung iba at nauna na.
***
"Laro tayo!" Suggestion ni Lhiam na humawak pa sa baba nya na kunwari ay nag iisip. Isip bata. Tsk.
"Hoy! Hindi ako isip bata ah!" Sigaw nya sakin. Teka.. Mind reader sya?
"Hindi ako mind reader! Dinig ko lang yung bulong mo!" Sabi nya pa kaya umirap nalang ako. Kala ko naman..
"Sige laro tayo, hide and seek. Xavier ikaw ang taya!" Sabi ni ashley kaya nagsitaguan na sila.
Si Kyel hinila si Kiro at nagtago sa kung saan. Tsk. Para paraan ng babaeng yun eh noh.
Si Kiro naman hinila din si Cohen. Samantalang si Ashley ay kanina pa nakatago kasama nya si Xander.
Ang naiwan lang ay ako at si Xavier. Sinenyasan nya na akong magtago kaya kahit ayoko sumali sa kakornihan na to ay wala na akong nagawa at nagtago nalang.
Pumunta ako sa isang kwarto sa dulo. Pagkapasok ko ay puro gamit ang nakita ko. Siguro, stock room to. Ang daming alikabok eh.
Inilibot ko lang yung paningin ko. May mangilan ngilan na libro pero hindi ako mahilig dun.
Hanggang sa may biglang nahagip yung mga mata ko. Libro din naman sya at wala syang pinagkaiba sa ibang libro pero nakuha nya yung atensyon ko.
Lumapit ako sa kung saan nakalagay yun at binuksan yung librong yun. Maalikabok masyado. Err..
Napasinghap ako sa di malamang dahilan nang makita ko kung saan tungkol yun. Tungkol sya sa mga immortals. Baka nandito yung mga kasagutan sa tanong ko.
Sa unang pahina nakalagay ang tungkol sa mga werewolves. Wala naman akong interes dito.
Sa pangalawa naman ay tungkol sa mga aliens. Tsk. Nag eexist ba yun?
Sunod ay tungkol sa mga mermaids. Aba. May bali-balita na totoo to pero wala akong interes.
Inilipat ko nang inilipat ang bawat pages hanggang sa mapadpad ako sa talagang hinahanap ko. Ang mga HYBRIDS.
Hybrids are half vampires and Half Lycans. They are proven more powerful than any other kind of vampires. Some changes happened to them when they see the moon. They can't control themselves to kill all people that's around them.
Madami pang ibang nakasulat pero yan lang ang nakapukaw ng pansin ko. Yan kasi yung mismong nangyari samin.
Gusto kong makausap si mommy't daddy tungkol dito. Hindi ko alam kung may alam ba sila kung bakit kami ganito. Kasi diba kung hindi naman immortals ang magulang, hindi rin immortals ang anak?
Imposible namang nung nagbubuntis si mommy ay naglilihi sya sa mga hybrids? At bakit pare pareho pa kaming magkakaibigan? Ano yun? Trip ng mga parents namin na maglihi sa hybrids?
Nung una naman hindi ako nakakaramdam ng ganito. Hindi ko nararanasan ang ganitong pagbabago. Bakit simula nang tumuntong kami sa lugar na to. Nakaranas na kami ng pagbabago?
"Kayong tatlo ang pilit na tutuklas sa misteryo nang eskwelahang to. At kayong tatlo ang makakatuklas sa mismong sikreto ng pagkatao nyo."
Parang ewan na biglang nag flashback sa utak ko yung sinabi nung matandang lalaki nung first day of school.
Yung matandang wierd na lalaki na may salamin? Yung dahilan kung bakit ang daming katanungan sa isip namin ngayon?
Teka..
Hindi kaya may alam sya sa mga nangyayari sa school na to? Hindi kaya sya ang susi para malaman ko pa nang lubusan kung ano nga ba kami ng mga kaibigan ko?
Tama! Ang bright ko talaga. Kailangan ko syang makausap tungkol dito. Alam kong may alam sya. Walang duda yun.
"BOOOYA! HULI KA BALBON!" Sigaw ni Xavier na kakabukas lang ng pinto.
Kung magugulatin lang ako baka kanina pa ako nangisay sa nerbiyos dito. Peste.
Agad agad ko namang naitago yung libro na nakita ko sa likuran ko at ngumiti ng alanganin sa kanya.
"U-Uy.. Galing ah. Nahuli mo ko." Sabi ko at tumawa ng peke. Ngumiti naman sya at nag thumbs up.
"Ge. Ikaw naman yung taya!"
Teka..
Bago pa ako makapag react ay sinara nya na yung pinto. Aish. Ano ba yan oh.
BINABASA MO ANG
Blood and Claws
Vampire"Sa isang eskwelahan sa gitna nang kagubatan, magtatagpo ang di inaasahang magkasintahan." - Prophesy