Chapter 3.

6 1 0
                                    

ASHLEY'S POV.

Bwisit na lalaki yun. Sino ba yun? Lakas mang alaska huh?! Tsk. Kala mo kung sinong gwapo eh gwapo naman talaga. Enako!

"Move on." Pang aasar sakin ni samantha na ginatungan naman ng tawa ni Kyel.

"Shut up." Sabi ko at nauna nang maglakad papunta dun sa new school na tutuluyan namin.

Pinagmasdan ko yung eskwelahan. Katamtaman lang yung laki nya pero marami rami yung estudyante. Ang problema nga lang ay para akong nakaramdam nang kilabot sa di ko malamang dahilan.

Bigla nalang kasing kumulimlim yung ulap at humangin. Yung mga estudyante napahinto sa paglalakad at napatingin sa... AMIN?

"Bakit sila nakatingin?" Dinig kong tanong sakin ni Kyel pero di ko sya pinansin. Eh sa hindi ko naman kasi alam yung sagot.

"Baka nagagandahan satin." Pag aassume ni Samantha at tumawa nang mahina. Natawa na rin naman ako para masuportahan sya sa joke nya.

"Leave." Para naman akong nakaramdam nang kilabot nang may biglang magsalita sa bandang likuran namin. Dahan dahan kaming napalingon at halos malaglag yung puso ko nang makita ko sa harapan ko ang tatlong naggagwapuhang lalaki. Omo!

Ang gagwapo nilang tatlo pero nawala naman yung mood ko nang mapadpad yung paningin ko dun sa pangatlong lalaki na yung mismong lalaki din na nang alaska sakin kanina.

"I said leave." Sabi nung lalaking nasa gitna na mukhang leader nila at ang katapat nya ay si samantha.

Sya yung pinakagwapo sakanila pero lahat sila ay may nakakatakot at malalim na mga mata.

"Hindi yata nakakaintindi ng english pre." Bulong nung lalaking nag alaska sakin kanina sa leader nila na gwapo. Napasimangot ako at tiningnan nang masama yung lalaking yun na katapat ko lang naman.

"Excuse me? Matalino kami noh." Sabi ko sakanya at nameywang dahilan para mapunta yung tingin nang tatlong lalaki sakin.

"Then leave." Sabi nung isa pa na katapat ni Kyel.

"Hindi ba pwedeng excuse me? Paraan kami? Pwedeng makidaan? Walang manners eh?" Pagtataray sakanila ni samantha at ginaya ang pamemeywang ko.

"Hindi nyo ba kami kilala?" Naiinis na sabat din nung katapat ni kyel na lalaki.

"Hindi eh. Ano bang pangalan mo? Kanina pa ako kating kati na itanong yan eh." Sabi naman ni kyel kaya napatingin kami sakanya. Eto nanaman sya, masyado syang prangka sa totoong nararamdaman nya.

"Oh bakit?" Inosenteng tanong ni kyel at nagawa pang ngumiti dun sa lalaki. Wow grabe! Binabastos na nga kami, nangiti pa sya.

"Kami ang Royal Blood's at nirerespeto kami sa school na to. So if you mind, get out of our way." Masungit na sabi pa ulit nung leader nila atsaka pagilid na itinulak si samantha para bigyang daan sila.

"Royal Blood's? Ano yun bampira lang? Dami nyong pauso ah!" Sigaw pa ni kyel kaya napalingon ulit samin yung tatlo na magkasalubong ang dalawang kilay.

"Bakit? Wala ka bang alam sa eskwelahang to?" Sabi nung lalaking nang alaska sakin kanina.

"Bakit? Dapat ba kaming may malaman?"

Nagkatinginan silang tatlo at ibubuka na sana ang bibig para magsalita pero may biglang dumating. Isang matandang lalaki na may salamin at hawak na libro. Nakatingin sya samin nila samantha kaya naman nagtaka ako.

"Sumunod kayo sakin," sabi nya at nauna nang maglakad. Wala naman kaming nagawa kundi sumunod nalang din.

Nacucurious talaga ako sa inasal nung tatlong lalaki kanina. Walang nalalaman? Dapat ba kaming may malaman? Aish. Ewan!



A/N: Sorry na. Ang igsi ng update. Haha! Don't forget to vote, comment, follow and be a fan! Thank you times three. Haha!

Blood and ClawsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon