Chapter 2- Adobo

11.1K 183 2
                                    


Alas dos na ng madaling araw pero hindi parin makatulog si Ishang.
Hindi parin siya makapaniwala na nangyari ang lahat.

Pangatlong araw nadin simula nung "kinidnap" kuno nila si soon to be Hottie Daddy niya.

Pangatlong araw nadin simula nung bumangon at magising siya sa umagang mag-isa nalang siya higaan.

Ni hindi man lang nagpaalam.
Ni note wala man lang?
Kahit pathank you man lang?

Well, dapat siguro siya pa ang magpasalamat.

Wah... sana sana mabuo na...
Dahil kung hindi paano na?
Ni hindi man lang niya alam kung paano ito kokontakin?

Hmmm... hanap nalang ng iba?
No way! Si Hottie daddy lang gusto niya.

Si... si... ay na! Pati pangalan, hindi niya natanong.
Paano nalang ang birth certificate ni baby?
Walang tatay?
(Birth certificate agad ang inalala?) 😅

Hay... sa kawalan ng magawa at dahil hindi din naman siya inaantok kaya napagdesisyunan nalang niyang magwattpad.

Tamang tama hindi pa siya nakakapagbasa ng mga update ng favorite stories niya.

Pagkabas niya ng ilang updates ng nagsimula siyang antukin... 😪

...

Kinabukasan...

"Hoy Ishang! Bat ngayon ka lang pumasok ha!", bungad kaagad ni Taniang pagkapasok niya sa karinderya, kung saan siya nagtatrabaho bilang kusinera. Pagmamay-ari ito ng pamilya nila Taniang.

"Masarap no!", nakangiting sabi nito.

"Ang alin!?", singit naman ni Manang Poleng na nanay ni Taniang.

"Ang adobo nay! Masarap ang adobo ni Ishang! Lalagyan daw niya ng twist. Adobong may chicharon!", tarantang sabi nito sa ina.

Hindi nalang siya sumagot.
Hanggang ngayon kasi lutang at parang inaantok pa siya.

Inumpisahan niya ng hugasan ang mga gulay na ilalahok sa pansit. Pagkatapos ay hiniwa ang mga karne na gagamitin sa adobo.

🍆🍅🍋🍗🍖🍣🍳

Tinapik tapik niya ang mukha para magising. Kailangan niyang magfocus sa pagluluto para masarap.

Mga alas diyes ng umaga, ay tapos na at handa na lahat ng putahe.

Sinamahan na niya si Taniang na nakapwesto sa tapat ng estante ng mga ulam para tulungan ito sa pagbibigay ng mga order.

Nakayuko siya para sumandok ng ulam na adobo ng biglang matigilan sa boses na narinig...

"Isang order nitong menudo saka dalawa nitong adobo tas limang kanin", napaangat siya ng tingin...

Wah... Napatingin siya sa abuhin nitong mga mata...

"Hottie daddy..." bulong niya.

At ngumiti ito sakanya....

To be continued...

Hottie DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon