After 5 years...
"Are you drugs po? Patay na tatay namin. At ang pangalan po niya ay Rambo. Ansabi ni nanay namatay siya sa giyera kaya imposibleng tatay ka namin", sabi ni Nat-nat. Nathaniel Smith. Kahit papaano naman siya ang nilagay kung tatay ng mga anak ko sa birth certificate.
"Tingnan mo, blue mata namin, ikaw po gray, kaya hindi ikaw tatay namin. Okay manong pogi? Uwi ka na po sa inyo, baka hinahanap ka na po ng asawa mo", sabi naman ni Bingbing. Breeana Smith.
At binuksan pa nito ang pinto para palabasin si Hd.
"I can't believe you even lied to them about me being their father", galit na bumaling sa akin ang tingin ni Hd.
"Nat-nat, Bingbing, akyat muna kayo sa taas. Mag-uusap lang kami ni Hd... este ni Manong pogi...", agad namang sumunod ang mga anak ko.
Pagkaakyat nila...
"Anong sabi mo Mr? Ako nagsinungaling? Anong karapatan mong magalit? Nung bayaran ako at pahiyain ng girlfriend mo may narinig ka ba sa akin? Wala di ba? Kaya wag kang basta basta nalang susulpot dito at aangkinin ang mga anak ko", mariin kong sabi dito.
"At isa pa, huwag mong pairalin dito ang sigaw sigaw system ha. Hindi yan gagana sa akin. Hindi mo ako masisindak. At wag na wag mo ding sasabihin na aabot ito sa korte at kukunin ang full custody ng mga bata. Naku! Sinasabi ko sayo bago ka pa makalabas dito tatapyasan ko yang ano mo!", galit na dagdag ko pa.
Hindi siya sumagot kaagad...
Nag-isip pa ata ng mabuti."Well...", nagsimulang magsalita si Hd matapos ang ilang segundong pananahimik.
"Let's make a deal"
BINABASA MO ANG
Hottie Daddy
Ficción GeneralShe always wanted to have a child. And she thinks now is the right time to have that. after all, she's now running out of time. she's not getting any younger ika nga nila. kaya by hook or by crook, she definitely have to do it. now. as in now na. su...