"Yan na nga ba ang sinasabi ko e! Minsan kinakabahan ako sa sobrang talino niyong dalawa e! Ewan ko kung saan kayo nagmana, malamang kay Hd! Grade one palang kayo nagkacutting na kayo. Paano pa pag grade three na kayo? Magboboycott na ng klase? Wag uy!", talak ko sa kambal.
"Si nanay o, masyadong advance, grade two po muna", sagot ni Natnat.
"Oo nga po nay. Uso po magbilang", si Bingbing.
"Aba't nasagot pa uy! Hala kayo dun sa likod bahay at magbungkal kayo ng lupa. Maggarden kayo dun", sabi ko sa kanila.
●●●
Nadatnan ni Hd na nagbubungkal ng lupa ang kambal. Galing siya sa Maynila at may mga inayos lang daw na papeles para sa negosyo nito. Dalawang linggo na rin itong nakatira sa amin.
"What are you kids doing?", nakakunot ang noong tanong nito pagkakita sa dalawang anak na nagbubungkal ng lupa gamit ang maliit na pala.
"Isn't this child labor? You're making my kids do this hard work?"
"Child labor agad? Hindi ba pwedeng house service nila yan dahil sa ginawa nila? Ano mas maganda, paluin ko nalang sila dahil sa pagkacutting ng klase o pagbungkalin nalang sila sa garden bilang parusa?"
"You guys cut classes?", napatingin siya mga anak at agad na nagpeace sign naman ang kambal.
"How could you? You guys are just four", tanong ulit ni Hd sa mga anak.
"Five na kami bukas Hotdy. Saka may valid reason naman kami ni Nat kung bakit nagcutting"
"And what's that valid reason baby?", tanong ni Hd kay Bingbing.
"Ngayon kasi uwi mo Hotdy. Gusto namin ni Nat andito na kami pagdating mo. Saka ngayon din kasi yung ending ng anime na pinapanood namin", sagot ni Bingbing.
"Ah okay, valid naman pala", naiiling nalang na sabi ni Hd na halatang pagod sa biyahe.
Napailing nalang din ako.
●●●
Kinagabihan, sa higaan, nag-uusap ang mag-aama ko. Naglambing kasi ang dalawa at gustong sa tabi namin ni Hd matulog. Nasa pagitan namin silang dalawa. Si Bingbing, tabi ni Hd sa may bandang kaliwa at si Nat naman katabi ko sa may bandang kanan.
"Kwentuhan niyo ako kung ano yung mga ginagawa niyo kapag birthday niyo", sabi ni Hd sa mga anak.
"Kumakain kami ng pansit canton saka nagluluto ng adobo at sinigang si nanay. Favorite kasi namin yun ni Nat", masiglang sabi ni Bingbing.
"How about blowing birthday cake?", tanong ni Hd.
"Hindi uso sa amin ang cake. Mahal kasi saka sayang lang din dahil tatlo lang kami nina nanay. Pero yung cupcake na tig- sasampu ayun. Nilalagyan nalang naman ng maliit na kandila para tipid", kwento ni Natnat.
Tumingin sa akin si Hd.
"Ano? Wag mo akong tingnan na parang awang awa ka sa amin. Sila Nat at Bing ang may gustong huwag ng bumili ng cake. Sayang daw kasi yung pera", sabi ko naman.
"Tama po Hotdy. Isa pa, nag-iipon po kami nila Nat at nanay para sa negosyo namin", paliwanag naman ni Bingbing.
●●●
Nakatulog na ang kambal sa kaligitnaan ng pagkukwentuhan nilang mag-aama.
"Ish? Are you still awake?"
"Oh.. bakit?", nakapikit kong tanong.
"Thank you"
"Para saan?"
"For raising them well kahit mag-isa ka lang"
"Wala yun. Anak ko sila kaya lahat gagawin ko para sa kanila", tumingin ako sa kanya.
"I know. And sorry for not being there for you nung mga panahong dapat andun ako sa tabi mo"
Umupo siya at sumandal sa uluhan ng kama.
"Tapos na yun. Ang mahalaga yung ngayon at mga darating pang bukas. Tulog na tayo", sabi ko at tumagilid paharap sa mga anak ko at sa kanya at pumikit.
"Ishang"
"Hmmm?"
"I love you"
"Ako din", kasabay ng paghila sa akin ng antok.
"I wanted us to have a happy family", sabi ulit nito pero hindi ko na masyadong narinig dahil sa sobrang antok.
Mad's note 😀
Ngayon ko lang naalala nung nagbabackread ako... pano sila naging grade one e four pa lang sila? Hmmm... accelerated? Hehe... 😅
Niways... napakinggan niyo na ba yung mic drop ng bts? #uberLSSmeFeel free to pm.vote.or comment if you like 😊
Thankyouverykamsa ☺
BINABASA MO ANG
Hottie Daddy
Ficción GeneralShe always wanted to have a child. And she thinks now is the right time to have that. after all, she's now running out of time. she's not getting any younger ika nga nila. kaya by hook or by crook, she definitely have to do it. now. as in now na. su...