chapter 19- longing

6.1K 108 3
                                    

Paglapag pa lang ng eroplano sa Naia, hindi ko na mapigilan ang excitement na nararamdaman ko. I really missed Ishang and my kids. Halos dalawang buwan din ako sa Amerika.

Nagkasakit kasi si mom, dumagdag pa ang pagpapanggap ni Carla na buntis na hindi naman pala. Nalaman ko ang totoo ng kausapin ako ng lalaking totoong nakabuntis dito. Hindi ko rin makontak ang mag-iina ko dahil natapon ang phone ko sa lake malapit sa bahay namin nung minsang magtalo kami ni Carla.

Naayos ko na ang lahat sa pagitan namin. At nalinaw ko na din na wala talaga akong balak na may mamagitan sa amin maliban sa pagiging magkaibigan.

She was so mad at that time na sinabi ko yun sa kanya, pero thankfully hindi na siya nagmatigas pa. I know it's my fault na hindi ko nalinaw kaagad sa kanya na hanggang magkaibigan lang kami.

Anyways, I'm really excited to see my future wife and kids.

I can't wait to propose to her pag-uwi ko sa kanila.

Bago pero ako uuwing probinsiya, kailangan ko munang sumaglit sa bahay namin sa Q.c. dahil pinapacheck ni mom kung maayos ba ang lagay ng mga kasambahay namin doon. Doon din kasi nakatira ngayon ang pinsan kong nag-aaral ng college.

●●●

Mga alas- dose ng gabi na ako nakarating ng bahay. Inalok akong ipaghanda ng pagkain ng kasambahay namin pero tumanggi ako dahil wala din akong gana.

Dumiretso ako sa kwarto at inayos ang mga pasalubong para sa mag-iina ko.

"I'm pretty sure Nat at Bing will love this", sabay tingin ko sa mga collector item figures ng paborito nilang anime.

"And this... is for my lovely wife to be", inilabas ko ang black velvet box na may lamang singsing.

●●●

Nanuod muna ako ng late night news bago matulog at may nakaagaw ng atensyon ko. It's a news about a bus na bumaliktad sa may express way dahil sa bilis ng takbo. Medyo napakunot ang noo ko ng makitang galing Pampanga ang bus na biyaheng pa- Maynila. Parang may kung ano akong naramdaman pero hindi ko nalang pinansin at itinulog nalang ito.

●●●

Maaga akong bumiyahe kinabukasan.
Mga alas otso na sa Pampanga na ako.
Agad akong kumatok sa may pintuan ng bahay nila Ishang ng mapansin kong parang walang tao sa bahay.

Mayamaya napadaan si Manang Perla na kapitbahay nila Ishang. Sa kabilang bahay siya nakatira.

"Oh Chandler. Andito ka na pala. Kelan ka dumating?"

"Ngayon lang po. Ahm, alam niyo po ba kung saan nagpunta ang mag-iina ko?"

"Ah sila Ishang? Ang alam ko nagpunta silang Maynila kahapon. Susunduin daw ata sa airport yung kaibigan niya",sagot ni Manang Perla.

"Mga anong oras ho umalis?"

"Mga alas kwatro ng hapon yata iho. Sige mauna na ako ha. Mamalengke pa kasi ako", at nagpaalam na ito.

Pero pinigilan ko at hiningi muna ang number ni Ishang bago siya hinayaang umalis.

Ewan ko pero parang bigla akong kinabahan. Naalala ko yung bus sa balita. Hindi kaya?
No.
No.
This can't be.
I dialed the number.
It's out of reach.

"Crap", where on earth are my kids and Ishang? Bakit hindi siya sumasagot sa tawag ko.

●●●

Dumiretso ako sa ospital kung saan dinala ang mga nasugatan sa bus. Maghapon akong naghanap at nagtanong-tanong kung andun ba sila pero wala akong nakita.
Kahit papaano I felt relieved na wala sila doon. I just have to wait for them sa bahay. For sure darating din sila.

1 day.
2 days.
3 days.
1 week.

A week had passed but no Ishang, Nat and Bing came.

I feel so down.
Ganito kaya yung nararamdaman nila nung umalis ako at hindi man lang sila natawagan at naitext?

Crap this sound so cheesy but I'm about to cry right now. I badly want to see them.

Para mawala ang lungkot ko, I decided to go to Nat and Bing's garden sa likod- bahay.

Magmula noong dumating ako, lagi kong dinidiligan yung mga tanim nila tuwing umaga at hapon.

Napangiti ako ng makita ang mga garden signs na gawa ng kambal para sa mga tanim nila.

Talong ni Hd.
Sitaw ni Bingbing.
Kamatis ni Ishang.
Okra ni Natnat.

Pagkatapos maggarden, naglinis ako ng buong bahay, nagluto at nanuod ng tv. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Pagmulat ko ng mata...

Nakangiting mukha ng kambal ang bumungad sa akin.

"Hotdy", sabay pa nilang sabi.

"Welcome back Hd", sabi naman ni Ishang na nakatayo sa likuran ng mga anak namin.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at naupo. Agad naman na nagpakandong si Bing. Niyakap ako nito at yumakap din si Nat.

"Where on earth have you three been? Isang linggo na akong naghihintay dito", sabi ko sabay ganti ng yakap sa dalawa.

"Galing kaming Palawan. Isinama kami ni Tita Tani at Tito Oli", sagot ni Bing.

"E ikaw Hd, bat ngayon ka lang umuwi?", nakataas ang kilay na tanong ni Ishang.

Napakamot ako ng ulo.

"It's a long story honey. Mas maganda sa kwarto nalang natin pag-usapan mamaya. We have a long night to talk about what happened", sabi ko sabay kindat sa kanya.

Hottie DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon