Itinakbo sa ospital ang nanay ni Taniang dahil sa aksidente.
Nasa malapit sa Baclaran ang nanay niya noon ng biglang magkaroon ng karambola at nahagip ito. Ang balita, may isa ding lalaki ang nadamay pero sa kasawiang palad, hindi na inabot sa ospital. Nakita namin kanina kung paano umiyak ng umiyak ang asawa daw nung lalaki.
Kinailangang operahan ng nanay ni Taniang. Kinailangan ng malaking halaga para sa operasyon. Wala kaming maisip kung saan kukuha ng pera dahil sa laki ng gagastusin kaya naisip ko ang tsekeng ibinigay nung babae kanina. Hindi ko na kailangan pang magdalawang isip kung saan ito gagamitin. Alam kong kapag ginamit ko yun, para ko narin inaming mukha akong pera pero wala na akong pakialam. Lulunukin ko na ang pride ko para lang mailigtas at matulungan ang isa sa mga taong tumulong sa akin nung mga panahong wala akong matakbuhan.
Pagkatapos ng ilang oras naging succesful naman ang operasyon sa nanay ni Taniang. Kanina, dahil nasa ospital nadin kami, sumaglit ako para magpacheck up. At totoo nga, buntis ako, dalawang linggo na.
●●●
Umuwi ako ng apartment para sana kumuha ng mga gamit para kina Taniang ng maabutan ko si Hd na nasa labas ng apartment ko.
"Is it true?", kaagad na tanong nito.
Hindi ako umimik.
"Is it true that you accepted the money Carla gave you?", galit na sabi nito.
"Oo. Kailangan ko kasi", sabi ko kasabay ng pagbukas ng pintuan para makapasok sa loob. Sinundan naman niya ako.
"I didn't know you'll stoop this low para lang sa pera", parang dismayadong sabi nito.
"Oo. Mukhang pera kasi ako saka isa pa, malaki laki din kasi ang binigay niya", pagsisinungaling ko.
Hindi siya umimik at parang nagpipigil ng galit.
"Kung wala ka nang sasabihin pwede bang umalis ka na kasi may mga gagawin pa ako", sabi ko sakanya.
Lumabas naman ito at ng akmang isasara ko na ang pinto pinigilan niya ito."You know, I almost like you. Not until now. I'm really glad, Carla took the opportunity to test you. I really can't believe you fell for it. Para lang sa kunting halaga?", naiiling na sabi nito. At saka siya umalis.
"Ang mga mayayaman talaga... maraming pakulo sa buhay... patest test pa. Ano ako estudyante?", mahinang sabi ko sa sarili para pagaanin ang loob.
Wala na akong balak magpaliwanag sa kanya. Kung yun ang iniisip niya bahala na siya. Isa pa, nagastos ko na yung pera. Ayokong biglang habulin ng Carla na yun kung saka-sakali.
Tbc...
BINABASA MO ANG
Hottie Daddy
General FictionShe always wanted to have a child. And she thinks now is the right time to have that. after all, she's now running out of time. she's not getting any younger ika nga nila. kaya by hook or by crook, she definitely have to do it. now. as in now na. su...