Chapter 9- bakit?

6.1K 120 2
                                    

"Ikaw ba iha, anong natapos mo? At saka nakalimutan ko nga palang tanungin kanina kung anong trabaho ng parents mo?", parang imbestigador na sabi ng tita ni Hd.

"Ah e...", napainom ako ng di oras ng tubig. Paano ba ito? Ang dami namang tanong. Akala mo naman asa the buzz ako. Ay hindi na pala yun uso ngayon. TBA na pala ngayon. Hot seat na hot seat ang peg ko dito.

Kanina kasing hinahanap ko si Hd, nakita niya ako dito sa lobby ng hotel kaya niyaya niya ako dito saglit sa opisina niya. Siya nga pala ang isa sa may-ari nitong resort.

"Ahm... high school lang po ako... hanggang third year lang... di ko na po natapos dahil namatay yung tiyang ko", pilit ang ngiting sabi ko.

"Ah ganun ba iha. Pasensya ka na kung matanong ako. I'm just curious sa girlfriend ng pamangkin ko", apologetic na sabi nito.

"Naku. Naku. Hindi po kami magjowa ni Hottie... ay este ni Chandler ma'am", iling at sabi ko dito.

Paano ba ito? Hindi ko naman pwedeng sabihin na anak lang ang habol ko kay Hd.

At isa pa. Wala naman kaming napag-uusapan na ganoon ni Hd. Oo, nagawa na namin yun ng ilang beses, pero ni minsan hindi pa kami nakakapag-usap sa kung ano bang meron kami.

Dating?
Parang hindi naman.
Fubu?
Parang wala pa naman sa ganoong stage.
Tatlong beses palang naman.
Ay ewan ko.
Isa pa, ni hindi naman sumagi sa isip ko kung ano na sunod na plano ko pagkatapos ng gabi na yun noong kinidnap/ dukot namin si Hd. And in fact, mukhang di naman siya nadukot. Mukha pa ngang nagpadukot siya noon.

"Iha? Are you still with me?", nagulat ako ng biglang ipitik nito ang kamay sa harap ko.

"Naku, pasensya na po ma'am, lutang lang", paumanhin ko dito.

"O siya sige. I won't take much of your time iha. You can go find Chandler now, enjoy kayo dito sa resort. Andito lang ako sa may offce ko if you need something", nakangiti nitong sabi at nagpaalam na.

Lumabas ako ng hotel, at nagpunta sa malapit sa dagat kung saan may mga lounger at nandoon sila Ate Charm, mama at dad ni Hd, pati ilang kamag-anak nito na kanina pa ako tinitingnan mula ulo hanggang paa. Ipinagkikibit-balikat ko nalang. Wala naman akong pakialam sa kanila. Though medyo nasasaktan ako sa ginagawa nilang pagtitig pagkatapos magbubulungan saka magtatawanan pagkatapos.

Okay lang.
Tama.okay lang. Ansabi nga ni mudrabels. Pasensya is a virtue.

Naupo ako sa tabi ni ate charm na nakapikit na sa lounger. Mukhang nakatulog na ata. Samantalang ang mama at dad naman ni Hd ay kasalukuyang nagsusubuan ng pakwan. Kasweet naman ng mag-asawa.

"O iha, hindi ka ba magsuswimming? Hindi ka pa nakaswim suit?", tanong ng mama nito. Nakaswim suit ito sa ilalim ng sarong na suot. Ang tatay naman ni Hd nakakaboard shorts lang.

"Ah hindi po ako maliligo. Meron po kasi ako. Sabi ko nalang", wala naman kasi akong dalang bathing suit. Di naman kasi sinabi ni Hd na sa may beach pala ang punta namin. Ewan ko kung nakalimutan lang talaga niyang banggitin.

"Teka po, hahanapin ko lang po si Chandler", sabi ko sa mga ito.

●●●

Naglakad lakad ako sa may dalampasigan hanggang sa makita ko si Hd na nakatayong nakatalikod at nasa may tagong parte ng batuhan. Gugulatin ko sana ito ng... ako ang magulat.

Si Hd. Saka isang babae. Naghahalikan. Natatandaan ko na siya. Siya yung babae sa restaurant. Tama! Dali-dali akong nagtago sa isa sa mga bangkang nasa dalampasigan. Lumapit ako ng kaunti para marinig kung anong pinag-uusapan nila...

"You know we can't do it here babe", sabi ni Hd.

"Bakit? Dahil nandito kasama mo ang uto-utong babaeng yun?", napaturo ang daliri ko sa sarili ko. Uto-uto? Ako? Wow.

"Don't call her that. Isa pa. Mabait siya. Isip bata nga lang. You know we need her. We need her para mapagtakpan ang relasyon natin sa kanila dad at tita", rinig kong sabi ni Hd. Omona! Parang nagegets ko na ang sitwasyon.

"Isa pa, kailangan ko din siya para makuha ang mana kay lolo. You know his rules. No grandchild at the age of 30, no shares sa kompanya", halik nito sa leeg ng babae.

Napagtagpi tagpi ko na ang mga pangyayari.

They are freakin cousins!
O m g to the nth level. Kagrabe uy! They're cousins! May palongtime long
Long time pa siyang nalalaman, yun pala magtoot sila. Kaloka.

Aalis na sana ako ng biglang...

"Don't fall for her Chand. She's very pretty", sabi ng babae. Napangiti ako ng mapait. Pretty ngayon. Kanina uto-uto.

"Eesh.. of course I won't she's not my type. I like my woman classy", ouch tagos men.

"We just have to put up with her. Play with her around. Saka pag nakuha ko na ang mana kay lolo, we can leave immediately papuntang ibang bansa. Then we can be free. But first, kailangan mo munang ayusin kung anumang meron kayo ng asawa mo"

Oh my double, triple, quadruple, fif... ay ewan ko na... craaappppp! She's married. She's his cousin. They're having an affair. How could this story get more fucked up.

Dahan-dahan akong umalis ng lugar na yun. Kaya pala, bigla bigla nalang sumusulpot at bakit hindi makatotohanang may ganoong kaperfect ba tao. It's all a bluff. He's a hidden walking agenda.

At may balak pa silang gamitin ako?
Mga sinungaling.
Mahirap ako. Oo.
Pero hindi ako taong dapat nalang paglaruan dahil lang may kakayahan silang magpaikot ng kahit na sinong tao.

Drop me off like a sack of hot potato kapag nakuha na niya ang gusto niya?
Well, sisiguraduhin kong mapapaso ka muna ng bongga bago mo ako mabitawan.

Igigisa kita sa sarili mong mantika Hd. Just wait and see.

Hindi porke't mabait, uto-uto na!

You'll see.

Hottie DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon