Ishang's POV
Invited.
"O ayan, kain ka pa", sabi ko sakanya habang nilalagyan pa ng ulam at kanin ang plato niya. Magana naman itong kumain.
"Sigurado ka bang imbitado ako dun? Na naman? Baka naman magtaka na pati yung mga kamag-anak mo kung bakit may sabit na babaitang imbitado doon? Baka naman magmukha lang akong crasher doon?", sabi ko sabay punas sa labi niyang may sarsa ng menudo.
Ano ba!? Kigwapo parin kahit makalat kumain! Pagkapunas nilagay ko ang daliri sa bibig at tinikman.
Tumingin naman siya sa akin at binigyan ako ng mabilisang magaang halik sa labi. 😚🙆🙎
"Sarap? Ishang?", napatingin ako kay Tani na nangingiti. Ayan na naman ang mapang-asar niyang tingin.
"Oo", namumula na ata ang pisngi kong sabi kay Ishang.
"Isa pa nga", biro ko naman kay HD at iniumang ang nakapout kong lips. At laking gulat ko ng halikan naman ako nito ulit. Mas matagal ngayon. Mga fifteen seconds siguro.
"Ayi. Kiss kiss", biro nito. Nakapout pang sabi. Pinandilatan ko ito.
Napatingin ulit ako kay Hd na umiinom na ngayon ng softdrinks. Ayos. Solve na ata. 3 order ng ulam, limang kanin, isang bote ng softdrink.
"Ahm... one fifty lahat", nakangiting sabi ko sakanya. Pasensya na Hd. Mahirap ang buhay ngayon. Wala ng libre. Isa pa, saka ko na siya ililibre pag inanakan niya ako. O di kaya kapag nagkatuluyan na kami.
For now, kain muna tapos bayad.
"Ah yes... here. Keep the change", lahad nito sa five hundred pesos. Ayos. May tip. 👍
"May mom really expects you to be there. Pati si dad at ate Chamber. They really like you. Aliw na aliw daw sila sa'yo Ish", sabi nito.
Wow. Ish. Parang gumaganda yung pangalan ko pag siya ang nagsasabi. Ayi... Kilig.
"Wow. Aliw na aliw sila kamo Hd? Sabagay. Pakwela naman talaga yan si Ishang. Alam mo ba nung mga bata pa kami, madalas yang gawing clown ng mga kalaro namin! Patawa kasi lagi! Magaling yang sumayaw, kumembot, kumanta saka umakyat ng puno ng mangga! All around tol!", nakathumbs up pang sabi nito.
Napatapik ako ng noo dahil kay Tani. Binibuild up niya talaga ako kay Hd.
"Really? Kaya mong umakyat ng puno?"
"Oo kamo! Parang unggoy lang!", singit ulit ni Tani. 🙈🙉🙊
"Taniang!", saway ko na dito.
"Oopps... sorry sorry sorry!", pinandilatan ko ito.
"Okay. Okay. Usap lang kayo diyan. Doon lang ako sa kusina", kinikilig paring sabi nito.
Pagkaalis nito. Binalingan ulit ako ni Hd.
"I'll pick you up tomorrow at seven o'clock in the morning okay?", sabi nito habang patayo na. Tumayo na din ako para sana ihatid ito sa lugar kung saan ito nagpark ng sasakyan. Malapit lang sa karinderya.
"Ah...eh..", magsasalita pa sana ako ng...
😚😚😚😚😚
Mwahhh...
Then...
Isa pa...
Mwahh again..."I'll see you okay", saka na ito umalis.
Naiwan akong nakatulala. Binilang ko sa kamay ko... ☝👆👌👋"Limang beses! Limang beses!", napasuntok ako sa hangin. Yes! Limang beses akong hinalikan ni HD.
"Harot!", narinig kong sigaw ni Taniang mula sa kusina.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hottie Daddy
General FictionShe always wanted to have a child. And she thinks now is the right time to have that. after all, she's now running out of time. she's not getting any younger ika nga nila. kaya by hook or by crook, she definitely have to do it. now. as in now na. su...