Ishang's POV
Kasalukuyan akong nagbibihis para sa family dinner na gaganapin sa isa sa mga restaurant nila Hd.
Nakauwi na nga pala kami ng Maynila kahapon din. Lumuwas kami ng maaga. Hindi ko nga maintindihan kung bakit pumunta pa kami ng probinsiya, e sa Maynila naman pala gaganapin ang family dinner nila.
Patawa din itong si Hd e. Nagpakahirap pang magdrive ng pagkalayo layo. Hay. Ewan ko sa kanya.
"Are you ready?", tanong nito sa akin. Nakasuot lang ito ng plain white shirt na pinatungan ng denim jacket at pants, converse na sapatos. Napakacasual lang ni Hd, pero ang gwapo.
Ako naman ay naka pink na tshirt lang, skinny jeans at flats. Sabi naman niya, okay na tong suot namin.
Kadarating lang din kasi ng kapatid at parents niya from the States.
Dumating kami sa restaurant at agad naming nakita ang parents at kapatid nito.
Ang gandang pamilya. Naisip ko. Magagandang lahi. Ayi... ang pogi ng tatay niyang kano. Tapos yung nanay, wag ka pangbeauty queen ang datingan.
●●●
The dinner went well. Sobrang down to earth at aliw ng parents at kapatid ni Hd. Hindi mo aakalaing galing sa buena pamilya. Walang bahid ng alta.
"So Ishang, we expect a grandchild soon a", nakangiting biro ng mama ni Hd.
"Naku po... hindi pa po", namumula ang pisnging sabi ko.
"Take care of my brother Ishang", nakangiti ding sabi ng ate nito.
Ni hindi nga kami. Ewan ko ba kay Hd, bakit girlfriend ang pakilala niya sa akin sa pamilya niya.
●●●
Nauna nang umalis ang parents at ate ni Hd.
Paalis nadin sana kami ng biglang may babaeng humarang sa amin.Natigilan si Hd, at mas napahigpit ang kapit sa palad kong hawak niya...
"Smith... long time no see", ngiti nito.
BINABASA MO ANG
Hottie Daddy
General FictionShe always wanted to have a child. And she thinks now is the right time to have that. after all, she's now running out of time. she's not getting any younger ika nga nila. kaya by hook or by crook, she definitely have to do it. now. as in now na. su...