Chapter 4- Chandler

9.8K 157 2
                                    

Ishang PoV

"Huwattttt?! What do you mean na ibabahay!? Super express ka a!? Bahay agad? Di ba pwedeng anak muna?", bigla niyang natapik ang noo sa nasabi.

Nangiti naman si HD.

"Joke lang. I just wanted you to be with me sa dinner party bukas para sa kapatid ko", sagot nito.

"Ah okay", sagot ko nalang din.

"Just stay here. May pupuntahan lang ako saglit sa bayan. You can ask manang Iseng kapag may kailangan ka. Asa baba lang sila", sabi nito saka mabilis na nakalabas ng kwarto na animo'y sobrang nagmamadali.

"Hay... busy lang ang peg HD?", bulong niya sa sarili.

Maya-maya, nagring ang phone niya....

"Hello Ishang! Asan ka na ba!? Akala ko pupunta tayo sa Baclaran bukas?"

"E... andito ako sa probinsiya nila HD?"

"Probinsiya? San naman?"

"La union Taniang",

"Ahy kalayo naman niyan girl. Siya nga pala Ishang, tanong ko lang, nakuha mo na ba yung librong inorder natin na self pub?"

"Alin dun? Yung kay mangangaso?"

"Oo yun nga! Yun akin kasi hindi pa e! Linshak na yun! Ilang buwan na ba? Halos mag-iisang taon na ata mula nung nagbayad tayo a!", nailayo niya tuloy ang cp sa tenga dahil sa lakas ng boses ni Taniang.

"Hay... yung akin din e... wala pa... nawalan na nga ako ng ganang mag-antay... nakakabanas nadin kasi, yung tipong imessage mo daw sa fb, e di naman nagrereply... reasons reasons and everything...", napapailing nalang ako habang nakikipag-usap kay Taniang.

"Kaloka girl! Parehas tayo!e busy daw girl! Hindi kaya artista yung mga yun kaya sobrang hectic ng schedule?",

"Ah oo nga no! Baka! Baka! Baka artista nga! Alam mo naman pag showbiz maraming booking at schedule yan!"

"Ahahaha... baka nga girl! O kaya baka sobrang busy lang talaga... mmm... antay nalang tayo girl... mga...hmmm... 1..."

"Decade!"
"Decade!", sabay pa naming sabi.

"Joke lang!", sabay pa namin ulit ma sabi.

"Antay tayo girl. Antay is a virtue!", sabi ko.

"Korak! Wag sirain ang beauty sa stressy! Baka magsisi!", o di ba? Kung makarhyme lang tong si Taniang wagi!
Hehe.

●●●

Habang nakikipag-usap ako sa cp, may napansin akong nakasilip na medyo may katandaan na ginang sa may pintuan.

Nginitian ko ito.
Saka saglit na ibinaba muna ang tawag...

"Manang Iseng?", tanong ko.

"Kayo po ba si Manang Iseng? Hello po, ako po si Ishang", at nagmano ako dito.

"Ah pasensya ka na iha. Papasok na sana ako para tawagin kang maghapunan na kaso narinig kong may kausap ka sa telepono. Ah... matanong lang.. yun bang librong sinasabi niyo ay yung kay xxxxxxxxxxx?"

"Opo. Bakit po?"

"Ay lintek na yan! Pareho tayo mga iha! Yung akin wala padin! Kaloka! Nauna pa nga akong nagbayad!" Biglang talak ni manang Iseng...

Mukhang makakasundo ko tong si manang....

●●●
Kinuwentuhan ako ni Manang Iseng habang kumakain ako ng hapunan.
Nalaman kong Chandler pala ang name ni HD.

Chandler Smith.

Nalaman ko din na nag-iisang anak na lalaki ito. May dalawang kapatid na babae ito. Bunso siya sa magkakapatid. Half filipino at american ito. Pinay ang ina, na galing sa isang mayamang pamilya sa probinsiya nila at Amerikano naman ang ama.

Isang businessman pala itong si Hd. Paroo't parito ito sa bansa at sa Estados Unidos.
Marami pa itong nakwento tungkol kay Hottie baby daddy ko.

Pagkatapos ng mahaba-habang usapan, nagpasya na akong umakyat sa kwarto sa taas. Napatingin ako sa orasan sa kwarto at nakitang mag-aalas diyes na ng gabi.

Ganun katagal kami nagkwentuhan ni Manang Iseng?
Kaloka. Pero masaya siya kakwentuhan. Para lang yung nanay ni Taniang. Nakakatawa saka nakakaaliw.

"Hay... asan na kaya si Hd?", nahihikab na sabi ko.

Inumpisahan kong magbasa ulit ng story sa watty. Pero maya-maya, unti-unti na ding napapapikit ang mata ko... hanggang sa... 😪😪😪😪😪😪

●●●

Ang sarap na sana ng tulog ko ng biglang may maramdaman akong dumagan sa akin. Pagmulat ko ng mata, nakita ko si Hd.

"Hd?", naitulak ko siya ng kaunti at akmang tatayo ng biglang pigilan niya ako...

"Stay still Ishang. I want you",

"Teka.teka. bakit bigla...", hindi ko na naituloy ang sasabihin ng biglang sakupin ng labi nito ang akin...

To be continued....

Hottie DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon