Chapter 6- Bff

7.8K 113 1
                                    

Ishang's POV

Kasalukuyan akong nakikipagkwentuhan kay Taniang.

Kinikwento ko ang mga nangyari sa dinner kasama ang pamilya ni Hd.

"Grabe kamo Taniang! Ang ganda ng ate at nanay niya! Matangos ang ilong, maputi, ang ganda ng buhok! Ah basta! Artistahin! Mukhang imported", maghang manghang kwento ko kay Taniang.

"Sobrang manghang mangha ka Ishang sa pamilya nila Hd a! E parang dinescribe mo lang yung sarili mo kanina e! Ano ka ba friend! E mukha ka ding imported!"

"Ako? Sigurado ka!?"

"Abay oo! Kung sino mang nagsabing hindi, bulag! Sure ako may lahi nanay o tatay mo girl!", sabi nito.

"Ewan ko. Napulot lang naman ako ni tiyang sa may simbahan sa probinsiya. Ang sabi niya, nakabasket pa daw ako. Ang sabi ni tiyang, hulog ako ng langit sa kanya. Nakakalungkot nga lang na wala na siya ngayon", parang maiiyak ako sa naisip.

Si tiyang Marisha ang nakapulot sa akin noong bata pa ako.Pinangalanan niya akong Risha, mula sa pangalan niya. Inalagaan niya ako at itinuring na anak.

Noong pitong taong gulang ako, lumipat kami ni tiyang dito sa Maynila para makipagsapalaran. Ibinenta na kasi ng may-ari ang farm kung saan kami nakikitira.

Naging kapitbahay namin sila Taniang. Nagtrabaho si Tiyang bilang mananahi sa factory ng mga manika. Nung magthird year high school na ako, nagkasakit ng malubha si Tiyang. Cancer sa ovary, huli na ng madiagnose siya.

Namatay si Tiyang at hindi na ako nakapag-aral. Kinupkop ako ng pamilya ni Taniang at pinatira sa bakanteng kwarto sa taas ng kanilang apartment kapalit ng pagtulong sa karinderya nila.

Wala akong maipipintas kay Taniang at nanay nito. Isa sila sa mga pinakamabait na taong nakilala ko.

At para sa akin, pamilya na ang turing ko sa kanila. Bago mamatay si tiyang, may ibinilin siya sa akin.

"Ishang, balang araw, tatanda ka din. Wag na wag kang susunod sa yapak ko...ang tumandang dalaga. Balang araw, hanapin mo ang forever mo. Kahit gaano kahirap. Gawin mo. Tandaan mo, kung gusto may paraan. Kung ayaw maraming dahilan. Mahal kita anak. Balang araw, magkakaroon ka din ng sarili mong pamilya", saka ito nalagutan ng hininga.

"Tiyang ko...ahuhu", napahagulgol ako. Miss na miss ko na siya. Ilang taon narin simula nung mawala siya pero hanggang ngayon, hinahanap hanap ko parin siya.

"Tiyang, sumalangit ka nawa diyan sa langit. Mahal kita Tiyang. Kahit ayaw mong tawagin kitang mama dati, para sa akin, ikaw ang nanay ko... ahuhuhu", ayaw paawat ng luha ko. Sinisinok na ako dahil sa kakaiyak.

"Aguy...aguy... ayaw tumahan ng baby", lumapit si Taniang sa akin at niyakap ako, tinapik tapik ang likod ko pagkatapos pinunasan ang luha ko gamit ang tshirt ko.

"Singa. Yung uhog mo o", sabi pa nito. Suminga naman ako.

"Ishang wag ka ng umiyak. Kung wala ka ng maintindihan...wala ka ng makapitan", kumakanta pa na sabi nito.

" Kahit ano namang mangyari, andito kami ni mudrabels para sayo. Di ba nga karinderya squad goals tayong tatlo? O kung kulang pa, isama natin si Buklet. O e di fantastic four- squad goals na tayo. Tahan na... ganda ganda mo e iyakin ka", nakangiting sabi nito.

"Salamat Taniang. Thank you. Thank you. Pretty taniang!", yakap ko ng mahigpit dito.

"Kaw pa. Tara sayaw na tayo!", sabi naman nito.

"Ahay bet ko yan! Sayaw tayo nung chirit chirit chirit!"

"Ahay bet ko din yan Ishang! Signal bonel ba yun! Chirit chirit chirit!"

"E ito alam mo", saka ito biglang nagcramping cramping.

Walang boring moments pag kasama si Taniang.

To be continued...

Hottie DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon