chapter 18- squad goals

5.9K 103 1
                                    

Masayang kumakain sa kusina ang mag-aama ko ng maalala ko ang mga regalong inihanda ko para kina Nat at Bing sa kwarto sa taas. Kaya umakyat ako para kunin ang mga ito.

Naabutan ko ang cellphone ni Hd na vibrate ng vibrate sa ibabaw ng kama dahil may tumatawag. Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi tingnan ko sino ang tumatawag.

Carla?

Di ba siya yung babaeng nagbayad sa akin ng pera para layuan si Hd?

Bakit kaya siya tumatawag?

Tumigil ang pagriring at may nareceive itong text...

Pumayag na ba siyang kunin mo ang mga bata?

Hindi ko napigilan ang pagkuyom ng kamao sa nabasa.

May balak siyang kunin ang mga anak ko?

●●●

Pagkababa ko, agad kong ibinigay ang mga regalo kina Nat at Bing.
Hindi ako nagpahalatang naiinis ako sa tatay nila.

"Ah Nat at Bing, akyat muna kayo may pag-uusapan lang kami ni Hd", pakiusap ko sa mga anak. Nakahalata naman sila at agad na sumunod.

●●●

"Anong ibig sabihin ng Carla na to?", at ipinakita ang cellphone niya.

"What about it?"

"May balak kang kunin sa akin ang mga bata", madiing sabi ko.

"Wait honey, it's not what you think it is..."

"Wag mo akong i-honey bwisit ka"

Hindi ko siya hinayaang magsalita.

"Tigilan na natin itong usapan na to. Bago pa bumaba ang mga anak ko gusto ko nakaalis ka na. Wala akong balak ibigay sayo sila Nat at Bing. Naintindihan mo?"

"Wait. Can you just let me explain!", medyo may kalakasang sabi nito.

"At oo nga pala, tumawag si Carla. Nasagot ko, magkakaanak na daw kayo", saka ko siya tinalikuran.

●●●

"Hotdy, babalik ka ba agad dito?", naiiyak na tanong ni Bingbing sa ama.

Umupo si Hd sa tabi nito.

"Baby, saglit lang si daddy sa States, pag naayos ko na yung mga kailangan kong ayusin babalik ako kaagad", sabi nito sabay haplos sa mukha ng anak na umiiyak na.

"Nat, take care of your mom and sister for me", lingon nito kay Nat na nakaupo sa tabi ko.

Sumagot lang ito ng tango kay Hd. Naiiyak na din ito pero halatang pinipigilan lang.

Palabas na si Hd sa pintuan ng bumalik ito sa loob ng bahay at lapitan ako.

"I know, I made a lot of things that disappointed you. But I promised this time, I'll do everything to make this work. To make 'us' work. Babalik kaagad ako. Okay?", saka niya ako hinila at halikan ng mabilis sa labi.

"Wait for me. Okay?", sabi niya.

Hindi ako sumagot.
Pero alam ko sa sarili kong maghihintay ako sa kanya. Aantayin ko hanggang sa maayos niya ang lahat ng kailangan niyang ayusin sa pagitan nila ni Carla.

●●●

1 week...
2 weeks...
3 weeks...
1 month...

Ni tawag o text wala man lang kaming nareceive galing kay Hd.

Mula nung umalis siya, naging malungkutin na sila Nat at Bing. Ni hindi na sila madalas nag-iingay katulad ng dati. Madalas ko din silang makitang nakatingin sa labas ng bintana, inaantay ang pagdating ng tatay nila.

Kalakip ng pagkadismaya kay Hd ang lungkot na nararamdaman ko. Sana man lang iparating niya sa amin kung anong nangyari sa kanya. Kung babalik pa ba siya o hindi na.

"Nay, nakalimutan na ba tayo ni Hotdy?", tanong ni Nat isang umaga habang nag-aalmusal kami.

"Anak, hindi ko din alam e. Pero andito naman si nanay saka si Bing di ba. Tayong tatlo. Squad goals parin tayo di ba? Solid padin", pinilit kong ngumiti kahit parang maiiyak ako pero mayamaya din hindi ko napigilan ang maluha. Naiyak ako kaya naiyak narin ang dalawa.

"Nay, wag ka nang umiyak. Tama na nay. Hindi na po ulit ako magtatanong tugkol kay Hotdy", bigla akong niyakap ni Natnat. Yumakap din si Bingbing.

"Oo nga nay. Squad goals parin tayo", sabi naman ni Bing.

"Saka di ba po ang sabi niyo, next month na ang bakasyon ni Tita Tani dito sa atin?", tanong ni Nat. Napangiti ako ng kaunti ng maalalang sa sunod na buwan nga pala magbabakasyon galing London si Tani kasama ang asawa nitong si Oli.

"Oo nga pala no?... sige na nga tigilan na natin 'tong kaeemo nating tatlo", ang sabi ko at pinunasan ang mukha nilang dalawa gamit ang maluwang kong daster na suot.

Tama. Marami pang dapat pagtuunan ng pansin. Hindi porke't iniwan ulit kami ni Hd e, titigil na ang mundo namin. Tomorrow is just another day sabi nga nila.

Hottie DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon