Chapter 11- sapagkat

5.5K 87 1
                                    

"Magaling! Magaling! At nagawa mo pa talagang gawan ng kwento si Hd!", natatawang sabi ni Tani na kanina pa pala nakatayo sa likod ko. Nasa labas ako ng apartment sa rooftop.

May mahabang papag dito na yari kawayan na pwedeng upuan at higaan. Kapag tag-init madalas na dito ako magpalipas ng oras. Sobrang init kasi sa loob kahit may electric fan.

Medyo madilim na din dahil gabi na pero kapag tumanaw ka sa malayo makikita mo ang naglalakihang mga gusali sa paligid at iba't ibang mga bahay saka samu't saring ilaw.

Nagsusulat sulat lang ako kunyari ng mga scenario.

"Ikaw talaga panira! Andun na yung momentum e! Hooked na hooked na ako sa pagsusulat tapos bigla kang susulpot diyan!", sinapok ko siya ng notebook na hawak. Napahimas tuloy ito ng ulong nasapok.

"Bakit hindi kaya ganito ang gawin mong istorya! Si Hd na ubod ng hot, mayaman, guwapo, matipuno, may abs at pandesal, over all package ay paminta pala! O di ba! Whatta story! May twist! Tapos ang goal mo sa kwento e...mmmm... ano bang maganda?", napapapikit pikit pang tanong niya sa akin habang hinihimas ang baba na animo'y nag-iisip talaga ng malalim.

"Mmm...bigyan siya ng isang dosenang anak?", sagot ko naman.

"Pwede. Pwede. Isulat mo yan diyan! Tapos pakakasalan ka niya! Tapos magiging mayaman ka! Saka sa kalagitnaan ng story malalaman mong isa ka palang prinsesa!", napapalo pa sa papag na sabi niya.

"Prinsesa?", kinig na kinig na tanong ko ulit.

"Oo prinsesa ng mga hunyango!", at humalakhak na sabi nito.

"Hunyango a!", hinila ko ang buhok niya at sinabunutan. Gumanti din siya ng sabunot habang tawa parin ng tawa.

"Aray... aray... bruhita ka ha! Ahahaha... bitawan mo buhok ko", patawa tawa paring sabi nito.

"Ikaw muna... aray... sige... ayaw mo a!", at mas hinigpitan ko ang sabunot.

Tawa lang kami ng tawa habang naghaharutan.

Ito ang mga bagay na hindi ko maipagpapalit sa pera. Ang pagkakaroon ng sobrang matalik na kaibigan.

Patuloy kami sa pagsasabunutan ng...

"Tahimik!!!" Sumigaw si mudrabels na nasa rooftop na din.

"Kiharot harot niyong dalawa! Pag-untugin ko kayo e! Ikaw Tani uwi! Magsaing ka dun! At ikaw naman Ishang matulog na! Beauty rest my dear at may date kayo bukas ni Hd!", nakapamewang na sabi ni mudrabels. Nakaduster ito ng yellow at nakarollers pa ang buhok.

"Ay, oo nga pala, bukas pala yung family reunion nila Hd", naalala ko inaya pala niya akong sumama.
Bumaba na sila mudra at Tani.

Naiwan akong nakahiga parin sa papag.

Napaisip ako.

Bakit nga ba ako pinagtutuunan ng pansin ni Hd?
Sa anong dahilan?

Free sex?
Free company?
Bored sa buhay?
Tigang?
Sa guwapo niyang yun?
Bakla siya tapos kailangan niya ng decoy? Yung tipong para di siya paghinalaan?

Hayi. Ewan ko. Napakamot nalang ako ng ulo. Itatanong ko nalang siguro bukas.

E ako? Bakit ba ako sumasama kay Hd?
Dahil lang sa gusto ko ding magtoot... para matoot... at boom... toot... buntis!?

Ang babaw ko ba?
Ang cheap ba?
O sige. Mababaw na.
Cheap na.
Kung kababawan ang maghanap ng pagmamahal at taong magkakagusto sakin, oo siguro, mababaw na ako.
Kung kacheapan ang pagsama kaagad sa taong bigla nalang nakilala, mmm... sige cheap na ako. Ahehehe.

Basta ang alam ko lang sa ngayon, crush ko si Hd.
Sapagkat...
Si Hd ay HOT! ^-^

Hottie DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon