Truly #thestruggleisreal sabi nga nila. Pero minsan, #merondinnamanghappiness basta pinaghihirapan, ipinaglalaban at binibigyan ng #isapangchance.
Sa pagdaan ng panahon, you'll learn to #forgive #forget #givechance #lovemore and #liveblissfullyandhappily.
Teka bakit ba ako wagas makahashtag?
Hmmm...
Wala lang. #maibalang #makapaghashtaglang
Kakatapos lang ng kasal namin ni Hd kahapon. Nung gabi ng madatnan namin siya sa bahay, yun din ang gabing nagpropose siya sa akin. Sa harap nina Nat at Bing siya nagpropose.
After 3 weeks, ikinasal kami sa simbahan. Kunti lang ang bisita idinaos lamang ito ng simple katulad ng gusto. Umuwi galing Amerika ang nanay, tatay at dalawang ate ni Hd. Si Tani at Oli, kahit hindu present ay parang present parin kahit nakaalis na ng bansa dahil sa video call.
Masayang masaya ang lahat lalong lalo na ang kambal. #squadfamilygoals na daw kami sabi nila. May maipapagmamalaki na daw silang tatay sa mga kalaro at kaklase sa eskwelahan.
●●●
Kinagabihan, nag-uusap kami ni Hd pagkatapos ng isa na namang masayang araw.
"Hd?", sabi ko habang nakaunan sa dibdib niya.
"Kelan mo ako nagustuhan?", tanong ko.
"Since you were little", nakangiting sabi nito.
"Seryoso kasi", sabi ko.
"I'm serious"
"Ehh... pano kaya yun? E sa bar lang kita unang nakita", sabi ko.
Tumayo ito at may kinuha sa pitaka nito. Larawan ng isang cute na batang babae at lalaki na magkahawak-kamay. Parehong may hawak na blue at pink na lobo sa magkabilang kamay. Nasa may harap sila ng simbahan.
"Teka, sa Baclaran to a", nakangiting sabi ko. Pero mayamaya din napakunot ang noo.
"At itong batang babae na to. Parang...parang", hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin dahil sa hindi ako makapaniwala.
"That's you. And me.", nakangiting sabi nito.
Wahh...
"Ikaw to?...", napaisip ako.
"Wah! Yung gwapong bata sa Baclaran! Yung anak ni Popeye!"
●●●
Nagsimba kami nun ni tiyang sa Baclaran dahil birthday niya. Nang saktong pauwi na kami, may nakita kaming mag-amang mukhang Amerikano na nasa may malapit sa fountain at groto ni Mama Mary sa labas. Namimigay ng chocolates at candies sa mga bata ang mag-ama. Lumapit kami ni tiyang.
"Popeye! Popeye ako din!", sabi ng isang bata. Hindi ko alam kung bakit Popeye ang tawag nila sa lalaki.
Nabigyan ako ng chocolate nung popeye.
Sakto namang pagdating ng isang batang lalaki pero sa kasamaang palad, naubusan na siya. Nalungkot ang bata kaya ibinigay ko nalang ang sa akin.
"That's so nice of you little girl", sabi nung popeye.
"She's cute and kind dad", sabi naman nung batang lalaki. Mukhang anak ata niya.
"Because you're so kind, let me buy you a balloon", ang sabi nito.
"Dad, me too. I want blue", sabi ng bata.
Lumapit ito sa tindero at bumili ng dalawang lobo. Pink at blue.
Iniabot nito iyon sa akin.
Tumingin muna ako kay tiyang. Tumango naman ito na ang ibig sabihin ay tanggapin ko ang lobo.
"Anong sasabihin mo Ishang?", sabi ni tiyang.
"Thank you", nahihiyang sabi ko.
"Welcome. Can my son and you take picture?", tanong ni popeye.
Ngumiti ako at tumango.
Paalis na kami ni tiyang ng bigla akong lumingon sa bata at kinindatan ito at nagflying kiss sabay sigaw ng...
"Paglaki ko pakakasalan kita pogi!", kinurot naman ako ni tiyang sa pisngi.
"Bata ka, nakakahiya ka", naiiling na sabi ni tiyang.
Sumagot naman si batang pogi ng...
"When I grow up, I'll definitely find you"
●●●
Wah!!!
"#omygosh #meanttobe tayo Hd?" Nakahawak pa sa dibdib na sabi ko.
Hinila ako ni Hd at niyakap ng mahigpit.
"#meanttobetalagahoney", sabi din nito na nakangiti.
"Hd?"
"Hmmm?"
"I love you"
"I love you too"
"Salamat dahil ikaw ang naging hottie baby daddy ko"
"My pleasure honey. Let's make another hottie baby"
And the night goes wild.
Rawr.The end.
Thank you for reading.
Thanks. Thanks. 😀
BINABASA MO ANG
Hottie Daddy
General FictionShe always wanted to have a child. And she thinks now is the right time to have that. after all, she's now running out of time. she's not getting any younger ika nga nila. kaya by hook or by crook, she definitely have to do it. now. as in now na. su...