Chapter 1

14.2K 341 175
                                    

Credits to @syncxx for my new book cover.


Author's Note:

Hi, everyone! After almost 3 years, ngayon lang ako ulit makakapagsulat sa wp. Naku! Paano ba 'to, hindi na ako sanay magsulat ng story. Nakakapanibago, pasensiya na kulang sa practice. Hahaha. Sana suportahan n'yo pa rin ito gaya ng ginawa n'yo sa MMA. Enjoy reading!


_____________

Chapter 1


[Sari's POV]


"Iba na talaga ang panahon ngayon." Napapabuntong-hiningang inilabas ni Kuya Ramil ang isang kaha ng sigarilyo.


"Noong kabataan ko, pagpasok ko sa mall, may bente pesos lang ako sa bulsa. Paglabas ko, madami na akong dala. May imported na tsokolate, mamahaling pabango, relos, kwintas, at kung anu-ano pa. Pero ngayon, kakaunti na."


"Mga anong taon 'yon?" tanong ko. Nasa gilid kami ng baywalk habang hinihintay ang isa naming kasamahan.


"1990's. Kinse anyos pa lang ako no'n," pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan.


"35 years old ka na. Ibig sabihin, dalawampung taon na ang nakalipas. Mura pa kasi ang mga bilihin no'n," nababagot kong tugon.


"Hindi rin. 'Di pa kasi uso dati ang CCTV," simpleng sagot niya.


Oo nga pala. Masyado akong nalilibang sa panonood ng mga tao sa paligid namin, kaya nawala sa isip ko ang totoong rason kung bakit kami nandito.


Nagtataasang mga gusali, maingay at abalang mga kalsada, mabigat na daloy ng trapiko. Tipikal na eksenang naglalarawan sa isang siyudad. Nakatayo ang maraming commercial establishments sa 'di kalayuan, nagkalat naman sa tabi ang mga batang lansangan. Kitang-kita ang mas lumalaking agwat ng mayaman at mahirap.


"Baka magalit na naman si Bartolome kapag nalaman niyang sumama ka sa amin," sabi niya habang naninigarilyo.


"Mas magagalit 'yon kapag narinig niyang tinatawag mo siyang Bartolome," natatawa kong sagot. "Hindi ko naman sasabihin sa kanya. Kailangan ko lang talaga ng panggastos kay Renren." Ngunit bigla rin naman akong sumeryoso nang mabanggit ang pangalan ni Renren.


"Bakit 'di ka na lang kasi magtrabaho kay Insan? Limpak-limpak din na pera ang kikitain mo do'n." Ang tinutukoy niya ay ang negosyong pagmamay-ari ng ninang ko na siya ring pinsan niya.


"Ayoko nga. Mas gugustuhin ko na lang magnakaw kaysa ibenta ang katawan ko," mariin kong tanggi.


Bartolome sa umaga, Beyonce sa gabi. Si Ninang Bee ang may-ari ng Fantagio Modelling Agency. Pero front lang nila iyon, dahil ang totoo ay nagbibigay sila ng escort service sa mga mayayamang pulitiko. Pati nga tagahatid ng bayarang babae sa mga high profile inmates sa Bilibid, pinasok na nito.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon