------------------
Worst to be love
There is no thing I could love you...
------------------------------------------
Umuwi kami pagkatapos 'nun hindi ko masasabing ok dahil medyo malabo ang mga nangyari,pagdating namin sa Manila ay napatingin ako kay Euro nakangiti siya habang nakatingin kay Fiona 'ganun rin naman si Fiona.
Inihatid na sa kanya-kanyang bahay sina Serena,Yuan at Samantha. Kami nalang nila Kuya T'y,Yvonne,Ford,Dave,Kyle,Euro,Joshua,si linta(Fiona) at ako. Bumaba narin si Joshua ng makarating sa subdivision nila.
"Ge pre ingat"rinig kong sabi ni Joshua 'tumango na lamang si Kuya T'y. Katabi ko si Euro ngayon at pasalamat nalang ako at hindi ako binawal ni Kuya Tyler.
"Fiona,ihatid ka na lang namin mamaya si 'Dave muna ,ok lang ba?"rinig kong sabi ni Kyle 'siya kasi ang nagmamaneho ngayon.
"Ok lang 'Kyle"sagot ni Fiona sabay tingin kay Euro na nakapikit ngayon habang nakaheadset tss masyado kasing gwapo kaasar.
"Buti hindi ka hahanapin ng parents mo Fiona"tumingin naman siya saakin dahil narin siguro sa nahimigan niya ang pagkasarkastiko sa boses ko.
"Dahil nasa abroad sila at sa condominium lang ako syempre nandito lang naman si Wade at safe ako dahil 'magkatabi lang naman ang kwarto ng condo niya sa condo ko "natulala ako sa sinabi niya 'kumirot yung dibdib ko.
Pero bakit ako masasaktan diba magkatabi lang naman ng condo 'hindi kama,hmm what if pumunta kaya ako sa condo ni Love?
"Oh really? Uhmm kaya pala mukha kang linta este close kayo ni Euro"ngumisi naman siya sa sinabi ko pero halata mo namang inis na siya.
"Yes we're close enough eh ikaw Georgina? Are you close enough?"kumulo ang dugo ko kaagad sa sinabi niya .
Hindi ako makasagot pero nanatiling natahimik na ako.Para kasing ang sakit dahil tama siya,I'm just nothing at isang hamak na babaeng desperada kay Euro. Huminto na ang sasakyan at bumaba na si Dave at agad na inihatid namin si Euro at Fiona sa condominium. Napatingin ako kay Euro na gising na ngayon ay at napatingin rin saakin.
"Sa condo ka pala nakatira"sabi ko.
"Yes why? Is there any problem with that?"nakakainis lang ang gwapo niya kapag nagsasalita kahit saang anggulo pa man ang gwapo niya.
"H-huh? Wala 'pero pwede ba akong bumisita dun?"tanong ko pero parang kumulo ang dugo ko ng marinig ko ang pagtawa ni Fiona.
"Why are you laughing there Fiona? May problema ba sa utak mo?"biglang napalitan ng inis ang mukha niya dahil sa sinabi ko 'ok ,one point Lace.
"No"nabaling ang tingin ko kay Euro nang masalita siya 'pero ngumiti lang ako ng matamis kahit tinusok nanaman ng kutsilyo yung puso ko.
"Ok see you tomorrow,Euro. Whatever you say pupunta ako"nakangisi kong sabi pero sinimangutan niya lang ako bago bumaba kasama yung linta.
Naihatid na ang lahat maliban saamin ni Kuya T'y at Yvonne. Si Kuya T'y na ang nagdrive habang kami ni Yvonne ay magkatabi na sa upuan.
"May pinaplano ka nanaman nuh?"ngumisi naman ako kay Yvonne 'kilala niya talaga ako kahit kailan.
"Uhmm yes 'pupunta ako sa condo ni Love"nakangisi kong sabi,nanlaki naman ang mga mata niyang nakatingin saakin.
"Hindi ko gusto yang binabalak mo 'Lace"mariin niya sabi.
"Sige na Yvonne pumayag ka na 'pretty please?"I'm sure panalo ako dito dahil hindi naman ako matitiis ng bestfriend ko nuh.
Napabuntong hininga naman sya at nag-aalala na timingin saakin.
"Ok 'but call me if you need me ,Lace. At huwag na huwag mong isusuko ang bataan"napasimangot naman ako at ramdam kong namula ang pisngi ko.
"A-ang green mo naman!hindi ako ganun nuh!tsaka na kapag kasal na kami"tinawanan naman niya ako 'kainis talaga itong bestfriend ko.
"Grabe baliw ka nga kay Rivas"napapailing niyang sabi tsaka naman nagsink in sa utak ko yung sinabi ko 'gosh nakakahiya pero naiimagine ko palang na ikakasal ako kay Euro parang gusto ko ng mahimatay sa saya.
___________________
Sa bahay na namin nagsleep over si Yvonne 'medyo napapansin ko rin na nagkakadevelopan ang Kuya T'y ko at si Yvonne sadyang eh denial queen lang ang bestfriend ko kapag nagtatanong ako about sa status nilang dalawa. Maaga akong nagising 'kinaumagahan para magluto ng breakfast namin ni Euro 'dahil pupunta ako ngayon sa condo niya I'm so excited.
"Hmm ang bango naman para saakin ba yan 'Couz?"inirapan ko lang si Kuya T'y .
"Magpaluto ka kay Yvonne para sa Love ko to"sabi ko at hinango na ang niluto ko at inilagay sa baunan.
"Tss ayuko nga baka malason pa ako"sabi niya eh halata namang gusto rin niya.
"Hoy narinig ko yun!kapal ng mukha mong Pusa ka!"malamicro phone na sigaw ni Yvonne na kakababa lang at dumiretso kay Kuya T'y at pinagsasapak.
" Eh totoo naman! Halos bumaligtad nga ang sikmura ko ng nagluto ka!"sabi ni Kuya T'y habang sinasangga ang paghampas sa kanya ni Yvonne.
"Ang kapal mo!hindi ko naman alam na ganun ang mangyayari dun sa itlog!malay ko bang malulusaw yun!"napapailing nalang ako sa sinabi ni Yvonne 'totoo naman kasi yung sinabi ni Kuya T'y.
Wala naman talagang experience at future ang babaeng yan sa pagluluto 'naaalala ko pa yung nangyari sa itlog at dun sa bacon na niluto niya. Hindi ko maimagine ang lasa at itsura dahil yung itlog nagmistulang malapot at cheese habang yung bacon naman sunog at mukhang natoasted dahil sa sobrang itim at hindi ko sukat akalain na kinain talaga ni Kuya T'y ang mga yun,tss nagagawa nga naman ng pagmamahal and speaking of Love kailangan ko na palang umalis.
"Oh saan ka pupunta?"napalunok ako 'ano kayang palusot ang ilulusot ko ngayon?
"Ah eh (hindi ko yata kayang magsinungaling) k-kay Euro"halos pabulong na ang pagkakasabi ko.
"I know ipapadala ko si Manong Dino para sunduin ka mamaya"gulat akong nakatingin kay Kuya T'y habang si Yvonne naman ay inosente na humigop ng kape.
"R-really?"hindi ako makapaniwala na sinabi iyon ni Kuya T'y .
"Yeah sige na,pero kailangang ihatid ka ni Manong Dino."kaagad na lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Thank you!my gosh may pinainom ka ba kay Kuya T'y ,Yvonne?"tumingin saakin si Yvonne pero inirapan niya lang ako. Tumawa si Kuya T'y hmm meron ba silang tinatago saakin?
"Yes she have and it taste sweet and very passionate --"bago pa maituloy ni Kuya T'y ay sinamaan na siya ng tingin ni Yvonne pero binaling rin ni Yvonne ang tingin saakin.
"Akala ko ba pupunta ka na? Dalian mo at baka nandun na yung linta maunahan ka pa"sabi niya natawa nalang ako at nagpaalam na bago umalis ng tuluyan sa bahay at agad na hinatid ako ni Manong Dino sa condo ni Euro.
"Manong text nalang kita "sabi ko bago bumaba at tumango naman ito saakin.
"Sige po Ma'am"sabi nito bago umalis.
Naglakad na ako papasok sa loob ng condominium. Well mukhang ok lang naman ang condominium na ito what if bumili rin ako? Hmm sounds exciting siguro kakausapin ko nalang so Kuya T'y about this and Lolo Stefan.
"Good morning Ma'am,how may I help you?"ngumiti naman ako dun sa staff siguradong kilala niya si Euro.
"What room is Wade Euro Rivas?"tanong ko and I saw her cheeks blush 'wag niyang sabihin na may gusto rin siya sa love ko?
"A-ahmm room 301,Miss"tumaas ang kilay ko at hindi na pinansin pa 'maybe she like my love pero saakin din ang bagsak ng love ko 'he's always and forever meant to be.
________________
A/N:
Please support my story,please follow me. Sorry for the wrong grammars,unedited part,thank you!
Vote and comment po para ganahan ako haha charing😂
BINABASA MO ANG
Madness
Romance"Merong mga pagkakataon na pagod ka na,sawa ka na,suko ka na. Pero alam mong kaya mo pa,lalaban ka pa para sa kanya kasi mahal mo siya. Pero merong mga bagay na dapat isuko nalang na dapat 'kalimutan nalang"-Lace. "I love her so much,no one can dete...