--------------------
I fall for you so much,
So don't push me out 'cause I don't know how climb...
----------------------------------------
Nakangiti ako habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon na 'nakasimangot at pagod na nakatingin saakin. Mas gusto ko tuloy dumalaw ng mas maaga pa 'eh kasi naman shirtless siya ngayon and he's so damn hot.
"Look up,my face is here,woman"nakangisi na tumingin ako sa mukha niya at medyo napasimangot na baka kapag meron ding babae ang bumibisita sa kanya ay shirtless rin siya 'nakakainis.
"Ganyan ka ba talaga kapag lumalabas shirtless lang? What if may mangrape sayo rito? Baka makasuhan pa ako sa salang mamamatay"inis kong sabi at walang sabi-sabi na pumasok sa loob ng condo niya at dumiretso sa kitchen.
Ramdam ko namang sumunod siya saakin,habang ako ay inilabas ang paper bag ko na mayroong lamang Breakfast 'namin.
"What are you doing here?"lumingon ako sa kanya nakita kong nagsuot siya ng t-shirt niya,tss sayang hindi ko manlang natitigan 'hays nagiging manyakis na tuloy ako dahil sa makasalanan niyang katawan.
"Binibisita ka,here I bought us breakfast"nakangiti kong sabi.
"Nagpadeliver na ako ng pagkain ko"sabi niya kasabay 'nun ang pagkatok ng kung sino mang pinshoputasyo.
"See?"sabi niya at naglakad papunta dun 'napasimangot ako. Kainis nagluto ako as in sobra ang effort ko tapos ganito lang? Sumunod ako sa kanya and as what unexpected yun ba ang sinasabi niyang food deliver?
"Thanks Fiona"sabi niya :?'yup si linta yun at ang masakit tinanggap niya samantalang yung akin ayaw niya.
"Your welcome,handsome,bye"sabi pa ni Fiona pero bago siya umalis ay hinalikan pa niya si Euro sa pisngi at pabebeng tumakbo paalis na parang hiyang-hiya pa 'eh malandi naman.
Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay sabay tingin dun sa dala niya,I think isang spanish food yun.
"Delivery? Seriously? Kaya ba 'ayaw mo ng niluto ko?"
"Hindi ko naman kasi sinabing pumunta ka rito at ipagluto ako"bagot niyang sagot 'aray sapol ako dun.
Nangilid ang luha ko pero pinunasan ko amyun at sumunod sa kanya at agad na kinuha at inilagay sa paper bag ang baunan. Pero bago yun ay tumunog ang phone ko at sinagot iyon nakita kong napatingin siya saakin pero agad ring nag-iwas.
"Hello ,who's this?"
Narinig kong tumawa ang nasa kabilang linya.
["Ganun ba ako kadaling kalimutan Lace?"]
Nanlaki ang mata ko 'si Kyle pala shit!
"N-no 'sorry,Kyle. Hindi ko kasi tinignan yung screen pasensya ka na,napatawag ka pala?"
["About the date,uhmm can I pick you up at 6? Is that ok with you,Lace?"]
Kumabog ang puso ko hindi dahil kay Kyle dahil sa lalaking lumapit saakin at kinuha yung baunan sa paper bag.
"Let's eat,Ace"nanlaki ang mata ko,damn! Ang lakas talaga ng topak ko sa lalaking ito.
["Is that Wade Euro? Lace? Are you there?"]nanghina ako bigla sa paghawak niua sa kamay ko,at oo nga pala kausap ko pa pala si Kyle.
"Y-yes I'm with him 'Kyle,sorry I'll call you back and about the dinner 'sure bye"sabi ko at pinatay na,nakanganga ako habang nakatingin kay Euro na pinagkuha pa ako ng pagkain sa plato ko.
"Eat"sabi niya lang,pero nakatitig lang ako sa kanya,is this real? Kung kanina siguro inis at sobrang sakit ng nararamdaman ko pero ngayon sobrang saya ko.
"Are you for real? Paano naman yung food ng babaeng yun?"kumunot naman ang noo niya.
"She's Fiona,Ace. It can wait so eat"sinunod ko nalang ang sinabi at hindi maalis ang ngiti ko.
After nang umagahan na iyon ay parang gusto ko nalang magkulong rito sa condo niya. Nakakainlove talaga nag pagiging harsh niya at pagiging sweet niya minsan.
"Hindi ka pa ba uuwi? Nagpaalam ka ba kay Tyler?"sabi niya habang ako naman ay tumingin sa kanya ng panandalian lang at inilagay sa lababo.
"Nagpaalam ako,don't worry"sabi ko at nag-umpisa ng maghugas 'mabuti nalang medyo may alam ako sa gawaing bahay nakakahiya naman kay future husband ko.
"Wag ka ng mag-hugas diyan just go in the sala's you don't need to do that"napanguso ako habang siya ay nakatayo na ngayon sa gilid ko.
"No I'm fine here,Euro. Alam ko ito"sabi ko. Narinig kong marahas na napabuntong hininga siya.
"No just go, bisita ka dito you don't have to do this shits"napahinto ako at ngumiti sa kanya I saw him clench his perfect jaw.
"I have to 'dahil pagsisilbihan rin kita kapag kasal na tayo"nakangisi kong sabi.
"You think mangyayari iyon? In your dreams umupo ka nalang dun kaya ko na ito"madiin niyang sabi,ang sakit pala masampal sa katotohanan lalo na at galing pa sa kanya 'ako lang pala ang nag-eh-imagine rito nakahit papaano pwede kami sa kasalukuyan.
"It will,Euro. I'm sure of it saakin rin ang bagsak mo"iniwan ko na siya dun dahil baka hindi ko mapigilan ang maiyak.
Tuluyang tumulo ang luha ko ng niyakap niya ako habang nakatalikod ako sa kanya.
"I'm sorry"napangiti ako ng mapait he's sorry because he can't love me back or he's sorry because what he say? Ano ba talaga Euro?
"No ,ok lang I'm fine,Euro I have to go too"saad ko at kinalas ang yakap niya saakin at hindi na nag-atubili na lumabas ng condo unit niya,fuck this love. Fuck this heart.
Kaagad na kinontak ko si Manong Dino,bakit ang tagal niyang sagutin? Kung kelan kailangan ko! Kainis naman yung luhang ito hindi manlang tumigil sa pagtulo,tsaka yun lang naman yun!parang hindi pa ako nasanay!
Pinunasan ko ang luha ko,pumara ako ng taxi pero biglang may kamay na humatak saakin at nagulat ako sa nagmamay-ari nito.
"Lets go"sabi niya at hinatak ako pabalik sa loob ng condominium.
Nakanganga ang halos ng babae na nakatingin saakin at kay Euro dahil bakit hindi? This is Wade Euro Rivas the ultimate sexy Rivas ang lalaking kinahuhumalingan ng lahat. Nakita ko rin na natulala yung staff na babae nang makita kami. Sumakay na kami sa elevator at pasulyap-sulyap saamin yung iba na para bang hindi makapaniwala. Nang nasa tapat na kami ng floor ay hinatak niya na ako palabas at pumasok na kami sa loob ng unit niya habang si Fiona ay nakangangang nakatingin sakin bago sumara ang pintuan ni Euro.
"Don't ever do that again,Rosales"tanging sabi niya lamang at isinandal ako sa pader at kinulong sa mga braso niya 'hindi ako makapagsalita tulala lang ako ng inangkin niya ang labi ko at sinuntok ang pader sa gilid ko.
_________________
![](https://img.wattpad.com/cover/104738115-288-k374729.jpg)
BINABASA MO ANG
Madness
Romansa"Merong mga pagkakataon na pagod ka na,sawa ka na,suko ka na. Pero alam mong kaya mo pa,lalaban ka pa para sa kanya kasi mahal mo siya. Pero merong mga bagay na dapat isuko nalang na dapat 'kalimutan nalang"-Lace. "I love her so much,no one can dete...