Isang Letra

3.2K 17 3
                                    

"Isang Letra"
~
Ayoko pa
Ayoko na

Isang letrang sobrang makapangyarihan na kayang paghiwalayin ang pinagsamahang nabuo
Isang letrang sisira sa mga pangarap na nabuo.
Isang letrang pagsisisihan bakit pa to nabuo...
Isang letra na bubuo sa pangungusap pero tutuldok sa mga pahinang naipon.

tanda ko pa nung una kitang makita
sa gilid ng mga mata ko nagniningning kana,
nilapitan kita nakipag kilala.
tanda ko pa ang lambot ng unang hawak sa kamay mo.
tanda ko pa ung mga ngiting ibinigay mo kasabay ng pangalan mo.
tanda ko pa ung natulala ako sayo at nakalimutan kong hawak ko pa pala ung mga kamay mo.
Ayaw ko na sanang bitawan ang mga palad mo,
pero tila,
Ayaw mo pa na damdamin ang mga higpit ng hawak, sabik sa yakap.
takot kapa,
hindi pa naghihilom ang sakit na dinulot ng nakaraan, naaalala pa,nasasaktan pa, paulit ulit pa ding naririnig ang mga salitang "ayoko na".

Hinantay kita hanggang sa maging handa kana ulit,
Hinantay kita hanggang sa mawala na ang sakit,
Hinantay kita,naantay kita at naging handa kana.
natupad ang mga pangarap, nakuha ang inaasam na oo galing sa labi mo, sabay nating pinakingan ang awit ng mga puso nating galak sa isat isa.
tila
Ayoko pang tumigil mahalin ka,
Ayoko nang tumigil mahalin ka,
Ayoko pang matapos ang araw na kasama ka,
Ayoko nang matapos ang araw na kasama ka,
Parang kahapon lang pangarap pa lang kita pero eto,
nagmamahalan na tayo,
ang saya na natin,
may mga plano na tayo,
nangako na tayong hangang dulo.

Ngayon nagbago na ang lahat,
isang letrang sumira sa buhay na pinangarap.
Ngayon tanging katanungan na lang ang nananatili,
Bakit?
Bakit ang bilis? parang kahapon lang,
nagmamahalan pa tayo,
ang saya pa natin,
may mga plano pa tayo,
nangako pa tayong hangang dulo.
pero baket andito tayo sa dulo, sa wakas, bakit kailangan pang may wakas bakit kailangan pang matapos?

babalik kapa ba?
para alam ko naman kung kailangan pa ba kitang kalimutan.
o kailangan na ba kitang kalimutan.

Naaalala ko pa nung huli kitang makita
sa gilid ng mga mata ko bumubuhos ang luha,
nilapitan kita pero palayo kana.
Naaalala ko pa ang lambot ng huling hawak sa kamay mo.
Naaalala ko pa ung mga ngiting ibinigay mo kasabay ng paalam mo.
Naaalala ko pa ung natulala ako sa sinabi mo at nakalimutan kong tumutulo na ang luha habang hawak ko ung mga kamay mo at unti unti ng kumakawala.
Ayaw ko pa sanang bitawan ang mga palad mo
pero tila
Ayaw mo na na damdamin ang mga higpit ng hawak, sabik sa yakap mo,
takot nako
hindi na naghihilom ang sakit na dinulot ng nakaraan, naaalala pa,nasasaktan pa, paulit ulit pa ding naririnig ang mga salitang...
"ayoko pa, pero ayoko na".

Tagalog spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon