Umasang My Pag asa

16.8K 26 4
                                    

"Umasang may Pag-asa"

Hindi ko alam pano magsisimula
Kung paano sasabihin mga salita
Kung paano gagamitan ng tugma
Bawat pangungusap na sa isip ay ginawa.

Nagsimula lahat ng ika'y unang nakita
Unang sulyap sa ngiti mong kay'y ganda
Napapatitig kagad sa iyong mga mata.

Sinundan kita kagad ng tingin
May kung anong naramdaman
Nung ika'y umupo saking harapan  
Palihim kitang sinusulyapan
Bawat sulyap  ay galak sa puso at isipan.

Minuto segundo oras na ang dumaan
Bilis na pintig ng puso'y di namalayan
Nung ika'y umalis na saking harapan
Pilit kung itinago aking naramdaman.

Sadyang oras nga naman ay kay bilis   
Oras na kasi upang ika'y umalis
Pinanghinayangan ng labis 
Damdamin ko ay di matiis.

Loob ko ay nilakasan
Upang ika'y kausapin 
Nagbaka-sakaling iyong mapansin
Hiningi tuna'y mong ngalan
At may isang bagay akong di makalimutan.

Ang saya ko lang nung numero ko iyong kinuha,
Tila may paro-paro sa aking sikmura
Ngiti sa aking mga mata tila nabigyan ng pag-asa.

Araw na nga ang lumipas simula unang tayong nagtagpo,
Damdamin ko sayo'y hindi ko na naitago,
Nung nagtapat ako nararamdaman sayo,
Ay tila ako'y hibang at gusto ng maglaho.

Ngunit gaya nga ng ilan kwentuhan naten ay natuldukan. Alam kung gumugulo parin sayong isipan ang isang taong parti ng yung nakaraan Na hindi mo makalimutan.

Pag-asa ko ay nagunaw
Pati puso ko ay gininaw
Akala ko kasi koneksyon natin ay malinaw.

Pag-tangis ko'y di ko na napigilan
Huling mensahe mong di ko magawang replayan,
Dapat na nga ba kitang kalimutan ?   
Upang puso't isip ay di na masaktan.

Nais kung maghintay hanggat maging maayos ka na pero hanggang kailan ko  nga ba kayang maghintay, kung una palang ako lang tong ngbigay ng pag-asa sa sarili  . 

Gaya ng una kung talata , katapusan ng aking tula , ay di ko na maitugma , kaya aasa na lamang na nararamdaman ko ay mawala paalam sinta.

Tagalog spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon