Hindi na Tayo💔

2.9K 8 1
                                    

Hindi na tayo.

Nagmumugtong mga mata
Sa isang sulok ng isip ko
Nakasilid pa rin ang mga alaala
Mga panahong higit kong tinatago sa puso at isip ko sinta

Ngayo'y wala na
Wala na kong rason para umasa pa sayo mahal
Dahil binitawan mo na,
Ang kahuli-huling salita na ayokong marinig mula sayo

Iniwan mo ko sa isang sisidlan na puno ng ating mga pangako at pangarap

Ngayo'y wala na
Wala ng tumutulo na luha
Dahil ubos na, ubos na sa bawat gabing naiisip na narito ka
Naiiyak sa isang tabi
Nag iisip kung paano ka babalik muli

Nagtataka kung bakit ba
Bakit ba sa twing mumulat ang mata ay naiisip ka
Naiisip ang mga posibilidad na maaaring pwede pa, pwede pa na ba bumalik sa umpisa
Bumalik kung saan tayo unang nagkakilala
Kung saan tayo unang pinagtagpo, sa ilalim ng isang puno
Nagkulitan hanggang sa nagka-seryosohan
Inasahan kong titigil sa walang hanggan

Pero malabo
Malabo na tayo
Waring ang kaisa- isang litrato mo na ngayo'y akin pa ring tinatago

Asan na?
Binura mo na ako sa isipan mong hindi ko alam kung dumaan nga ba ako
Hindi ko alam
Hindi ko alam kung bakit hindi ko malimutan ang nakaraan
Bakit iniwan mong luhaan
Mukha ba kong hindi pang-seryosohan?

Ako'y Nalulumbay,
Nag-iisip at
Nagtatanong
Tatlong bagay na nagpapabusog ng kaluluwa ko
Tatlong bagay na hanggang ngayon ay wala pang sagot
Walang sagot dahil hindi naman ako nagtatanong
Walang sagot dahil natatakot ako
Natatakot na baka hindi mo pansinin at baka pagmasdan mo lang
Ayaw ko nang marinig
Ayoko ng marinig direkta mula sa labi mo na ayaw mo na
Na wala na.
Na hindi mo na kaya.
Na wala ng saysay ang pag ibig para sa isat isa
Dahil hindi ko kaya
Hindi ko kaya ng mag-isa
Hindi ko kaya ng wala ka
Hindi ako sanay
At wag mo kong sanaying wala ka
Dahil ikakamatay ko
Ikakamatay ng puso ko
Mawawalan ng ganang mabuhay pa sa mundo
Tama na
Tapusin na natin ang mga walang kwentang letra
Buuin muli natin ang nawasak
Dahil hindi ko kaya ng walang kasama sa bawat parte ng ating istorya
Tama na
Tama na ang mga walang katuturang drama
Wala na ring saysay dahil andito kana,
Bumalik ka.
Bumalik ang pagkakataong muli kang nakasama
Hinawakan mo ang aking kamay
Tayo ay lumakad ng sabay
At ayun na ang huli nating paglalakbay..

Dahil bumalik ka pala upang magpaalam
Mang iwan muli ng wala ng paramdam
Ayoko na.
Pagod na ko sa paulit ulit na kwento
Tigilan na natin ang istoryang sa tingin mo ay pang-kanto
Punitin na ang pahina ng ating libro
Tapos na dahil wala ng TAYO.

Tagalog spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon