------------------------------------------
Kaibigan, alam mo, ramdam kita,
Yang luha sa mata mo? Nako, dama kita,
Wag ka nang sumigaw, dahil dinig kita,Anlakas ng pagkatok mo, dito.
Totoo, kumakatok ka ng kumatok,
Pero hinde mo napapansin, kaibigan, bukas ang pinto -- para sayo.Bukas ang pinto, pero nanatili ka sa labas,
Ayaw mo pumasok, kaya kumatok ka pa ng mas malakas,
Kaibigan, wag ka manatili sa labas, dahil takot ako -- hinde ka dyan ligtas.Pumasok ka,
Wag kang matakot mahulog sa iyong pag baba,
Wala naman akong mga patalim, wag ka mangamba -- na baka masaktan kapag nahulog ka,
Dahil nasa labas ka pa lang -- sinalo na kita.Sinalo na kita,
Pero hinde ka pumasok.
Oo malaya ka, malaya ka na mawala na lang bigla,
Malaya ka, na makapag hanap pa ng iba,
Malaya ka, na iwanan ako bigla,
Oo totoo, na hinde ka talaga sakin at malaya ka.Dahil sa malaya ka, ako itong nakakulong,
Sa bawat "mahal kita" na iyong ibinulong,Nakulong, sa lahat ng tawa mo, bunga ng mga biro ko na talagang pinag isipan ko,
Nadudurog, sa bawat hawak mo sa kamay ko na nag paparamdam na sakin ka lang -- ngunit di naman totoo,
Nasasaktan, sa pag halik sayong noo, bunga ng pag ibig ko na pinaka totoo.Bukas ang pinto, wag mo ko katukin nadidinig kita,
Dahil minsan may mga gabi na naiisip kong katabi kita,
Kaya pumasok ka, dahil sanay na ako na nandito ka,Natatakot ako, na mawala ang tunog sa aking pinto,
Natatakot na baka sayong pag katok ay bigla kang huminto,
Dahil nasa labas ka lang, baka bigla kang lumayo,
Kaya kailangan kong tumayo,Sasamahan kita sa labas,
Sa labas, kung saan hinde tayo ligtas,
Pero kasama mo ako,Dibale na, na mabasa ako ng ulan, basta ikaw ay mapayungan,
Dibale na, na mabilad ako sa arawan, basta hinde ka mainitan,
Ayaw ko, na aapihin ka nila,
Ayaw ko, na babastusin ka ng iba,
At ayaw ko,
Ayaw ko, na umalis ka ng bigla.Pero malaya ka,
Hinde ko pwedeng pwersahin ang pag ibig pero ang pag ibig ang syang sa akin ay pumupwersa,
Hinde ko alam kung pano gagawing obra ang mga nabuo natin gamit lang ang mga letra,Pero isusulat ko,
May paparating na bagyo, dyan ka lang ba sa labas o papasok ka?