Mali
Mahal naaalala mo pa ba?
Noong nasa taon tayo ng labindalawa?
Noong tayo’y nagmamahalan pa
Pati magulang natin ay nagagalit na
Dahil nga sa bata pa tayong dalawa
Pero pinaglaban parin kita
Kasi nga diba mahal na mahal kita
At mahal natin ang isa’t isaMahal naaalala mo pa ba nung ika-tatlumpu ng Enero
Ng mabuo ang pagmamahal para sayo
At sinabi mong liligawan mo ako
At magdadala ka ng bigas na isang kilo
Para lang mapasagot mo ako ng ooNaaalala mo pa ba ang lahat ng pangako mo noon
Na napako nalang ngayon
Pero nung nagtagpo uli tayo sa pangalawang pagkakataon
Tila hinagilap ang mga alaala sa isang kahon
At nung ako sayo’y lumingon
Nung ako’y tinawag mo’t ako’y tumugon
Sana hindi ka na manggulo ulit ang hiling na baonSabi mo noon abutin muna natin ang mga hangad
Para sa kunabukasa’y umunlad
Pero ngayong nagkita na tayo at ang mga sakit ay hinaharap
Tila hindi ko matanggap
Mahal dahil ang hirap
Ang hirap abutin ng pangarap
Kasi ikaw ang tanging pinapangarap
Ngunit nawala ka sa isang iglapNg hawakan mo uli ang aking mga kamay
Tila naging magulo muli ang buhay
Dahil hindi na kulay
Kundi sakit ang ibinibigayKaya mahal mali
Mali ang mahalin ka dahil isa ka ng pagkakamali
Mali ang ibalik ang dati
Mali ang magbaka-sakali
Mali ang sa ngayo’y nangyayari
Dahil napakalaking pagkakamali
Na ibigin muli
Ang taong iniwan akong sawi
Doon sa isang tabiKaya mahal pakiusap ko lang sayo
Pakiusap umalis ka na sa buhay ko
Dahil gusto ko’y maging masaya na ako
Dahil hangga’t sa ika’y naririto
Hinding hindi makakalaya ang puso
Sa sakit na nararamdaman koIsang taon naging tayo
Dalawang linggo tayong naging magulo
Tatlong buwan na din mula ng sumuko ako
At apat na araw na mula ng sinabi mong mahal mo pa ako
Pero hindi na pwedeng magbalik ang tayo
Dahil mali ang mahalin ang isang katulad mo