"ALA-ALA NALANG"
Bago ko simulan ang lahat
Gusto ko palang ialay ito
Sa mga taong
Nag mahal ngunit nasaktan,
Nag mahal ngunit sinayang,
Nag mahal ngunit iniwan.Ito na,
Oo ito na,
Ito yung mga araw na gusto kong balikan kahit alam kong wala na talaga
Mga panahong kasama kita
Sa lungkot at ligaya
Na sa bawat segundo,oras,araw,at panahong lumipas nakasama kita.Naalala mo pa ba yaong mga panahong
hindi pa natin lubusang kilala
ang isa't isa?
Mga panahong tayo'y kapwa estranghero
ang tingin sa isat'isa.
Na hindi alam na tayo'y magkaka-i-bigan pala,Paano ngaba kita nakilala?
Paano ngaba kita nakasama?
Paano ko ngaba naramdaman na ika'y mahal ko pala.
Oh! paano nga ba?Mahal naaalala mopa ba noong
Tayo'y unang nag kita?
Na noo'y minsang kong naramdamang
Mapaibig sa una palang na pag kikitaSa unang pagkikita
Pangalan mo'y diko nakuha
Dahil na siguro
sa aking katorpehan
Na siyang aking kahinaanNgunit kinabukasan
Ika'y nakita nanaman.
Salamat sa aking barkada
Pangalan mona'y nakuhaOo, salamat sa aking barkada
Barkadang tumulong
upang ika'y aking makilala.
Na dahil sa barkada,
Ang dating estranghero sa isa't isa
Ngayo'y mag kaibigan na.Oo, ngayo'y mag kaibigan na,
Mag kaibigan na laging magkasama,
Mag kaibigan na masaya sa isat-isa
Mag kaibigan na mag kasama
sa lungot at ligaya.
Oo, Laging merong 'magkasama'
Alam niyo kung bakit?Dahil sa laging mag kasamang yan,
Di nating maiwasang
Mahulog sa ating kaibigan.
Na dahil sa pag kahulog nayan!
Ang pagkakaibigan ay unti unting nasisira.
Ang dating magkasama,
Ngayo'y nag iiwasan na.Anong magagawa ko?
Tao lang naman ako.
Nagmamahal,nasaktan at iniwasan.
Umasa,
Oo, Umasa,
Umasa na sana'y maging tayo!.Lumipas ang panahon,
Ako'y nag karoon ng lakas ng loob.
Lakas ng loob na sabihin sayo
Kung gaano kita kamahal.Ngunit nang masabi ko sa iyo ang nararamdaman ko,
Hindi ako makapaniwala sa iyong naging tugon, Ang babaeng matagal kong ng lihim na minamahal ay lihim rin pala akong minamahal.Kaya naman ang dating magkaibigan,
Ngayong nagka-i-bigan.
Laking ligaya ko dahil
Ika'y naka sama ko muli.Oo nakasama muli,
Ngunit hindi na gaya ng dati.
Kung dati'y masaya,
Ngayo'y mas naging masaya.
Dahil alam nating
Mahal natin ang isa't isa.Ngunit sa kabila ng saya,
Ay meron ring lungkot.
Kasi habang tayo'y tumatagal,
May mga taong
Sadyang parang isang pader sa pagitan nating dalawa.
Na siyang unti-unting nag papahiwalay sa ating dalawa.Marami na tayong problemang nalampasan,
Oo, marami naring pader ang ating nadaanan.
Ngunit sadyang mapaglaro ang kapalaran,
Magulang nati'y ayaw tayong magkatuluyan.Lumipas ang araw, linggo, at buwan.
Dumating sa puntong ika'y sumuko na.
Wala akong magawa mahal!
Kay sakit ng aking nadama.
Ang ipaglaban ako'y dimo nagawa.
Wala akong nagawa kundi tanggapin nalang ang katotohanang tayong
dalawa ay hindi para sa isa't isa.Ang saya sa aking mukha ,
Ay napalitan ng luha sa aking mata.
Ang sigla ng aking katawan,
Ay napalitan ng lumbay.
Mahal ako'y parang namatay
Ng malaman kong ika'y may iba na pala.Ang dating tanong na paano.
Ngayo'y naging 'bakit na'.
Mahal Bakit pa kita nakilala?
Bakit pa kita nakasama?
Bakit kopa naramdaman na ika'y mahal ko pala
Kung ako'y iiwan morin pala.
Iniwan mokong nag iisa.
Umaasang sana'y bumalik ka.
Ngunit anong nangyari mahal?
Ika'y nakahanap ng iba.Ano bang wala ako.
Na mayroon siya.
Mahal, bakitt mas pinili mo siya
Kaysa ako'y iyong balikan
na ngayo'y masasaktan at luhaan.Oh! kay sakit ng aking nadama.
Ako'y parang iyong sinasak ng kutsilyo
Sa aking puso.
Na siyang nagdulot sa akin ng kirot.Sa tuwing ika'y aking nakikitang kasama siya.
Mahal diko mapigilang itanong
sa aking sarili,
Ano na nangyari sa mga alaalang
Nakasama kita?
Nakasama sa saya?
Sa lungkot at ligaya?
Sa tamis at pait?
Mga panahong tayo'y parang may sariling mundo?
Ng kapwa ang mahal ang isa't isa?
Mahal ano ng nangyari sa mga alaalang iyon?
O sadyang lahat ba ng alaalang ito ay magiging..
.
.
.
.
.
.
ALA-ALA NALANG?