"Tapos na Kami, pero hindi naging 'Kami'"
Naglakas akong alalahanin kung kumusta nga ba tayo.
Naglakas loob akong balikan ang nakaraan.
Nakaraang ayokong maalala dahil sa sakit na dulot nito.
Nakaraang akala ko'y magkakaroon ng salitang "tayo" sa pagitan nating dalawa.
Kasabwat ang aking kaibigan para malaman ang sagot mula sayo.
"Kumusta na kayo ni **?"
"Tapos na kami, pero hindi naging kami". Yan ang tugon mo.
Halong emosyon ang aking naramdaman, merong lungkot at meron ding tuwa.
Lungkot dahil, hindi iyan ang inaasahan kong sagot mo.
Lungkot dahil pinaalala mong di nga pala naging tayo, di nagkaroon ng salitang "tayo".
Tuwa naman dahil kailangan. Kailangang hindi ka magpadala sa katangang iyong sinabi. Kailangang makita ng ibang tao na malakas ka pa rin. Kailangang hindi nila makita na nasasaktan ka na.
Tuwa na kahit sobrang sakit na kailangan mo parin.
Siguro para sayo hanggang ngayon ang lahat ng ito'y biro parin.
Lahat ng ito'y laro parin.
Oo, di nagkaroon ng tayo.
Sino bang nagsabi na nagkaroon ng "tayo"?
Wala naman diba?
Ngunit, hindi ba pwedeng gamitin ang mga katagang "tayo, kayo o kami" sa magkaibigan ang turingan?
Pagkakaibigan na ipinagkait mo na rin sa akin sa pagtagal ng panahon.
Pagkakaibigan na nawala na parang lobong nilipad ng malakas na hangin.
Pagkakaibigang inalon din ng rumaragasang ilog.
Pagkakaibigang, nawala tulad ng bulang pumutok.
Hindi ba pwedeng umulit tayo sa nakaraan?
Hindi ba pwedeng ibalik yung dati nating samahan?
Samahang masaya. Walang problema, damayan sa mga bagay-bagay.
Miss na kita. Sobra na.
Balik ka na. Kasama ang pagkakaibigang nabuo natin sa sandaling panahon.