Gusto Kita

2.7K 8 0
                                    

Gusto Kita

Ang hirap aminin sa sarili ko na gusto na nga kita,
Pilit ko pang itinanggi kahit halatang- halata na,
At tila dahil sa’yo ang puso't isip ko ay nagtatalo na,
Hindi ko na nga alam kung sino nga ba ang susundin ko sa kanilang dalawa
Ang puso ko ba na nasasabing, sige mahalin mo s'ya at huwag kang matakot
O ang isip  ko na pilit nagpapaalala kung gaano kasakit ang magmahal, lalo na kapag hindi ka nasuklian,

Ngunit, bakit nga ba ako nagkakaganito?
Gayong gusto pa lang naman kita,
Teka, gusto nga lang ba talaga kita? O baka naman, mahal na kita. 
Hindi! ayoko! ayaw ko'ng mahalin ka, pero bakit hindi ako kuntento kapag sinasabi ko sa sarili ko na gusto lang kita.
Pilit lumilibot ang utak ko sa posibilidad na baka gusto mo rin ako, at baka  may pag-asa ako sa'yo,

Ngunit hindi na, hindi ko na susubukan pa na mas palalimin pa ang nararamdaman ko sa'yo
Dahil baka sa huli ay mag iwan lang ito ng napakalaking butas sa aking puso
At baka tuluyan ko ng hindi kayanin, kasi alam ko na ang pakiramdam ng kung paano ba paasahin.
Yung tipong akala ko may pag-asa ako sa kanya yoon pala wala
Tapos sasabihin lang n'ya, na fake ka don, friends lang talaga tayo,
Daig ko pa noon ang nakalaklak ng isang dosenang kopeko 78°, at sa sobrang sakit napasigaw nalang ako ng Boom Gising!
Isang masakit-sakit na sampal ng katotohanan na ako pala ay hanggang kaibigan nalang,
Ngunit alam ko sa aking sarili na naghiling ako noon ng higit sa kaibigan lang,
Kaya't tinanggap ko nalang baka kasi bawiin pa nya, sayang naman.

Ngunit may ipagmamalaki naman ako, ako na yata ang may pinaka maraming kaibigan sa buong mundo,
Dahil sa tuwing magmamahal ako, lahat sila at humantong bilang kaibigan lang ako.
Sobrang bait ko naman, dahil sobra ko naman yatang daming kaibigan, gusto ko na nga tala silang bawasan, dahil sa totoo lang karamihan naman sa kanila ay hindi ko kailangan.
Dahil ang kailangan ko ay ang isang higit pa sa kaibigan kung ako ay ituturing
Dahil ang hirap hirap at nakakasawa na ang paulit-ulit na pagdaan sa friend zone.

'Yan  ang mga dahilan kung bakit takot na akong magmahal, takot na akong masaktan at paasahin.
At alam ko na kapag inamin ko sa'yo ang aking damdamin, ay kagaya ka rin ng iba, dahil hindi mo rin ako iibigin,
Muli lang akong mabibigo,  ngunit ang puso ko talaga ay ayaw magpatalo, lagi nalang sumigaw ng, Ikaw, Ikaw,
Samantalang ang isip ko ay ang s'yang sumigaw ng Ayaw, Ayaw.
Ayaw na daw niyang masaktan.

Ngayon, tatanungin kita, matapos ba ng mga sakit at pait na pinagdaanan ko, karapatdapat pa rin ba akong masaktan?
Kaya't kung aaminin ba ako, may oo ka bang sagot para sa aking kasiguraduhan?
O baka mas lalo lang ulit dumami ang aking mga kaibigan.

Aaminin ko takot na talaga akong magmahal, dahil kapatid na ng pagmamahal ang sakit,
At sigurado ako na kapag nasaktan ulit ako, hindi ko na kakayanin pa.

Ngunit gusto, gustong-gusto talaga kita,
At hanggang doon nalang sana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tagalog spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon