Na Traffic❤

865 1 0
                                    

Na-traffic

Darating ang panahong
Titila ang mga ulan -
ang mga sigaw ay lalamunin ng katahimikan.
Gugunawin ng liwanag ang dilim
Pero ang bansa,
Sayo'y namamalimos pa rin ng pagtingin.

Darating ang panahong
Mag-uumigpaw ka na sa popular na kultura,
Lalagpas sa batayan ng mga "Oppa" at "Noona".
Marahil ay sawa ka nang pagbaliktarin ang mga salitang
lodi, petmalu, werpa at iba pa.
Pero namamatay pa rin sa kanser ang bansa
at nilalamon pa rin ito ng mikrobyong malala.

Darating ang panahong
Mag-aasta ka nang makabayan
Magtu-tumalon ang puso ng bansa sa kagalakan
pero mas awit sa iyong tainga ang palakpakan
Kaysa sa hiyaw ng tagumpay ng mamamayan.

Darating ang panahong
maaagnas tayong lahat.
Kakainin din tayo ng mikrobyong ating hinayaan.
Hinayaang lumaki at lumakas sa ating kaloob-looban.

Ang magkaroon ka ng pakialam sa bayan,
Kailan kaya darating?

Na-traffic ba?

Tagalog spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon