"Move On"

2.3K 3 2
                                    

"Move On"

Napakadali talaga ng panahon,
Ibang iba na yong dati sa ngayon,
Biruin mo dati'y magtitext o tatawag ako sayo bago bumangon,
Pero ngayon ay gigising nalang ako upang mag MOVE ON.

Kailangan kong tanggapin na yong dating ikaw at ako na masaya,
Isa nalang ngayong munting alaala,
Alaala na dapat ng ibaon upang mawala ang pagdurusa,
At tanggapin ang katotohanang tayo'y wala na dahil tayo'y tapos na.

Tapos na kaya dapat ko nang hakbangan ang ating nakaraan,
Para sa aking sariling kapakanan,
Ayoko ring mapako't mandaganan,
Nang ating mga alaalang nagdaan.

Mahirap mang gawin ngunit kailangan kong takpan na,
Ang libro ng ating mga alala,
At mag bukas muli ng aking bagong pahina,
Bagong pahinang susulatan ko pa.

Isusulat ko dito yung bagong version ng buhay ko,
Wala kaman dito ngunit ako'y mag papasalamat sayo,
Kasi ng dahil sayo'y natoto ako,
Ika'y nag bigay ng aral sa buhay ko.

Mga aral na hinding hindi ko malilimutan,
Kasi ito'y nakatatak na sa aking puso't isipan.
Mga aral na aking gagamitin upang mahanap ang aking kasiyahan,
Kasiyahan na aking inaasahan.

Tagalog spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon