"Kung magiging tayo"

1.3K 6 0
                                    

"Kung magiging tayo"

Alam mo kung magiging tayo,
isa lang ang maipapangako ko,
Yun ay hindi ako mangangako,
dahil ang pangako madalas napapako.
Pero sisiguraduhin ko sayo na sasaya ka sa piling ko.

Sa una dadahan-dahin lang natin, hindi natin bibiglain.
Isa't isay susuriin muna't kikilalanin,
Para sa huli walang masasaktan at aaray sa atin.
Panget kase kung tayo'y maglilihim.
Di mo mapapansin nahuhulog ka na pala sa akin.

Pagnakuha na natin ang isa't isa,
At pag sakto na yung timpla
Parang kape na iniinom natin sa umaga.
Ikaw yung kape at ako naman yung matamis na pampalasa.
Pagnagsama tayo tiyak masasarapan ka, sa timpla.
Baka makalimutan mo pa nga ang lumisan pa.

Pag to natikman mo,
tong klase ng kape na pwedeng mabuo
Kung sakaling mang maging tayo
Siguradong hahanap-hanapin mo
Di lang sa umagahan, tanghalian at gabihan mo
Dahil di na sasarap ang kape mo sa tuwing wala ako.

Sabay nating kakainin lahat,
Lahat ng masarap, maliban lang sa maaalat,
Dahil ayaw kung mag ka UTI tayo.
Pero kung yan hilig mo, sige sasabay ako.
Wag lang tayong magmasyado,
Para sa sakit iwas tayo.

Lilibutin natin ang mundo kung sakaling yumaman ako
Kahit maubusan man at walang wala na ako,
Magsisipag ako at di titigil sa pagtratrabaho
Wag lang mabitin ang mahal ko
Sa paglibot ng mundo na kasama ako

Titirik, titirik ang araw sa pagmamahalan natin
Magliliyab ito na parang apoy sa dilim,
maski anong unos pa yan kaya nating sagupain
Basta magtiwala ka lang sa akin

Pero di ako mangangako na hanggang sa huli'y tayo,
dahil ang pangako madalas napapako
Saka na ko mangangako
pag sa simbahan na tayo patungo.

Tagalog spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon