M.U.
Ito ba yung tawag sa isang relasyong wala man lang malinaw na usapan?
Kung saan ikaw at ako ngunit hindi naman.
Kung saan pinapadama mong mahalaga siya ngunit hindi alam kung hanggang kailan?
Kung saan pareho kayong may nararamdaman ngunit hindi man lang kayang ipaglaban.M.U.
Malanding Ugnayan
Minsan dito naguumpisa hanggang humantong sa kung saan.
Kung saan hindi inaasahan dadalhin ng damdamin,
Pagkat hindi tiyak sa kung ano ang meron sa atin.
Minsan may asaran, tampuhan na tayo lang ang nakakaalam.
Sa mga pasimple mong banat, sa mga biro mong binabato, kung alam mo lang yan ang batid ng puso ko.
Puso ko na hindi mapigilan kang mahalin,
Sa araw araw na ika'y kapiling.
Sa bawat mensaheng ingat ka, kalakip nito ang aking pag aalala.
Sa bawat pag tanong ko ng kamusta ka? Nakatago dito ay miss na kita, at umaasang sana'y pareho tayo ng nadarama.M.U.
Magulong usapan.
Parang ikaw at ako ngunit hindi naman tayo.
Umaaktong parang kasintahan mo,
Alam lahat ng detalye ng buhay mo.
Magmula sa nakaraan, sa mga masasakit na pinagdaanan, hanggang sa mga masasayang pinagsasaluhan.
Magulong usapan,
walang malinaw na ugnayan.
Laging nagpapakiramdaman.
Pinapadama na mahalaga ka at gusto lagi kang makasama,
Ngunit ano ba talaga ang namamagitan sa ating dalawa?M.U.
Mutual Understanding
Meron something pero hindi kayang sabihin,
Walang libro o diksyonaryo, pati si Google ginulo ko
mabigyan lang ng kaliwanagan na kahit sa ganitong paraan,
Mabigyan ng kabulohan kung ano nga ba ang M.U. at kung ano nga ba talaga tayo?Parang ganito yan,
Gusto kita gusto mo rin ako.
Mahalaga ako para sayo at ganon ka rin sa akin.
Minsay may tawagan, ngunit hindi naman alam ang tunay na ugnayan.
At kadalasa'y iisa lang ang bagsak niyan.
Parang tayo ngunit hindi.
Laging nasa pagitan ng oo at hindi.
Hindi ikaw at ako. Walang tayo o ano.
Walang tamang salita ang makakapag bigay linaw sa kung ano mang meron tayo.
Kapwa nating alam na masaya tayo sa ganito,
Walang kontrata, usapan o kasunduang namamagitan.Ngunit hanggang kelan ba tayo magiging ganito?
Pagkat ang puso ko ay sadyang nalilito.
Alam ko wala akong karapatang magtampo o ano dahil una palang ay walang tayo.
Walang usapan, kasunduan o kontrata,
Pero ako yung si tanga, nahulog at umasa.
Alam ko sa umpisa palang ako na naman ang masasaktan.
Ako na naman ang aasa sa mga bagay na alam kong walang kasiguraduhan.
Nasasaktan kapag may kausap kang iba. kahit anong paliwanag ng utak na wala kang karapatan.
Ngunit patuloy parin sa relasyong ni wala man lang pangalan.
Ni isa sa mga binanggit
wala parin makakatukoy sa kung anong estado meron tayo.
Kung meron nga ba tayo o sadyang ako lang nagiisip nito.
Minsan napapaisip ako kung panaginip lang to ay ayaw ko ng magising,
dahil ang sarap sa feeling na kahit sa panaginip ako'y mahal mo rin.M.U.
Dalawang letra at tuldok ang pumapagitna
Maaring wakas ay nagbabadya o isang bagong simula.
Alam ko walang salita ang makakapag sabi sa kung anong meron tayo.
Ngunit pakatatandaan mo,
Pagmamahal ko sayo'y totoo,
hindi ito biro lalo’t hindi ito laro.Kaya’t kapag nabasa mo ito
At alam mong ikaw ang tinutukoy ko
Wag mo sanang masamain ang pagtatapat ng aking damdamin.
Dahil wala na akong naiisip na tamang paraan para sayo iparamdam.
At ang lahat ay maliwanagan.
Kaya heto na, sasabihin ko na ang mga katagang kay tagal ko ng nais sabihin
Mahal kita, sana akin ka nalang.